Chapter 20: CxS

10K 215 6
                                    

Nasa airport na siya at pasakay papuntang Mexico. Kailangan niyang huliin kung sino man ang mastermind na iyon. Nang tawagin na ang kanyang flight ay hinila na niya ang kanyang maleta. Napangiti na lamang siya. Natandaan niya kasi yung time na kailangan niyang magpasagasa para mapansin siya ni Clyde. Tinampal niya ang kanang pisngi at saka niya pilit nankinakalimutan ang nangyari.

You should forget him Paula. He is not good for you. Iniwan ka na niya at pinaglaruan. You are just a toy for him. Kalimutan mo na siya.

Isa ang katagang iyon sa sinabi ni Roffer noong makita siya nitong nakasalampak sa sahig at umiiyak noong iwan siya ni Clyde sa rooftop. She want to curse Clyde for what he did to her. Masakit na iwan siya lalo na at mahal na niya ito. Ayaw niyang pagkomperahin pero mas nasaktan siya sa relasyon nila ni Clyde keysa kay Roffer.

Hinawakan niya ang suot niyang bracelet na siyang dati na anklet na binigay sa kanya ni Clyde. Idinampi niya ang kanyang hintuturo sa pendant na naroron.

"Clyde..."

Akala niya ayos na siya. Akala niya nakalimutan na niya ito. Akala niya magiging masaya na siya pero hindi. Habang tumatagal lalo niya lamang hinahanap si Clyde. If experiencing his love means hurting for big time then she will do. Love is bittersweet relationship wherein you can have all the sweet things but it will be bitter once the relationship is not consume enough.

Pinahid niya ang luhang lumabas mula sa mata niya at saka huminga ng malalim. She is not the same Paula anymore. That Paula doesn't exist no more and it will never live again. Naglakad siya papunta sa departure area at saka pilit na kinakalma ang sarili. Clyde make her like this and she hate it.

Habang nasa byahe siya ay nag iisip na siya ng stratehiya na pwede niyang gawin para hanapin ang dalawang taong bumabagabag sa kanyang isipan. Ang una ay ang mastermind na sabi ni Timothy ay Winston at ang Agent CxS na iyon. Hindi niya alam kung bakit pati ang agent na iyon ginugulo ang isipan niya. Well, sa sinabi nga lang ni Drew ay halatang magaling na ito. Both field and experiment mastered raw nito and it is a very unique type of person dahil kahit hindi pa niya iyon nakikita ay bumibilib siya.

Wala siyang dalang baril ngayon dahil ipinasabay niya ang mga gagamitin niya sa helicopter na siyang papunta roon. Kung tutuusin ay mas mauuna pang dumating ang mga gamit niya sa bansang Mexico kaysa sa kanyang sarili. Bukod pa roon may nakuha na naman siyang transpo na gagamitin niya sa paghahanap. Si GB na ang bumili ng sasakyan ng gagamitin niya at ito na lang raw ang gagamitin nila sa oras na magbakasyon sila. Well, kung makakapagbakasyon, why not?

"Naglilista ka na naman?" sabi ng katabi niya sa upuan. Nginitian niya ito at saka muna uminom.

"Kailangan e.''
''Kawawa naman pala ang boyfriend mong 'yan."sabi nito at saka sumilip sa sinusulat niya.
"Rules to make him pay" basa nito.
"Wag ka nga." Inilayo niya ang notebook na sinusulatan niya at saka tumawa naman ang katabi niya.
"Mukhang maganda naman yan kaso nakakatakot."
"Ha?"
"Nakakatakot. Alam mo kasi Ms Perez,'' Ms Perez ang pakilala niya rito at saka mukha naman kasing nakakatuwang makausap ang katabi niya kaya siya ang unang nag-insist na kausapin ito at hindi niya ine-expect na magiging ganito itong kakulit.
"Ms Perez kaming mga lalaki hindi kami ang tipo ng tao na mabilis maghayag ng nararamdaman. We keep it to ourselves. Within us the hideous secrets reveal and the most swallow dark will seek."

"Ewan ko sa iyo. Ang lalim." natatawang sabi niya at saka siya muli nagsulat.

Rules to make him Pay
1. Get him shot
2. Make him cry
3. Be violent on him.
4. Never love him
5. Don't forgive his ass
6. Cut his sword
7. Don't ever give him attention
8. Let him see you happy
9. Do not ever cry on him
10. Make him jealous

''Aray naman ng number 6!" sabi nito at saka niya tiningnan ang sinulat niya.

''Bagay lang 'yun sa kanya."
"Talaga kang a?" usisa nito.
"Hay ewan ko sa iyo Finn." yun na lamang ang sinabi niya at saka niya sinarado ang notebook.

Finn Windelspecht, that is his name. Isang chef daw siya at nasa isang business trip para kausapin ang isa sa mga magiging kashare of stock niya. He is a nice guy. A jolly person that would bright up a dark world. Kahit sa sandali niyang nakilala ito hindi siya magreresist na kilalanin pa ito pero anything has a limit. Katulad na lamang ngayon malapit na magland ang eroplano. Sinuot nila ang seatbelts katulad nga ng sabi ng stewardess.

"You know what Finn, be happy."
"I hope I could.''

Naramdaman niya na nagland na ang eroplano kaya tinanggal na niya ang seatbelt at saka lumabas. Kasabay niyang lumabas si Finn at hinihintay na lamang nila ang baggage nila sa conveyor. Nang makita na niya ang kanyang bagahe kinuha niya iyon at saka hinitay niya na makuha ni Finn ang sa sarili nito. She will bid her farewell and hoping that will see like hin again.

"So, until we meet again?"
"Yes. Until we pass by each other."

Kinamayan niya muna ito at saka na sila naghiwalay ng landas. Now, she need to work. Ang Winston na iyon ay maaari na nasa palagid lamang. Kailangan niyang matunton ito kaagad para maisaganap ang plano niya kay Clyde. Umextra pa kasi ang Winston na iyon. Di sana ngayon pinaparusahan na niya si Clyde sa pag iwan nito sa kanya.

Pumara siya ng taxi pagkalabas niya ng airport at saka tumuloy sa isang hotel na siyang pinagbook niya. So far, so good. Her room is very comfortable. May curtains ito na kulay pula at puti. Then ang higaan yung parang sa mga prinsesa na mayroong curtains. May maliit na table ito sa tabi na siyang pinapatungan ng lamp at may couch sa may bandang sulok ng kwarto. Ang banyo naman ay katamtaman lang ang laki. Infact, napakahomey ng dating.

Binuksan niya ang laptop niya at saka siya unupo sa may couch. She need to report to GB that she just reach the hotel. Tapos ay tiningnan niya ang inbox niya at nakita niya na nagsend sa kanya ng file si Drew.

From: Tmtthy Drk Drw
22:21

I just get into the firewall of the file for Agent CxS.

Agent CxS is living in Mexico City, Mexico. A relative of Clyde Sanchez, the owner of the agent agency and a business partner of GKO.

Nanlaki ang mata niya sa nabasa. How could? Fuck. Isa-isang rumihistro sa utak niya ang mga gadgets nito na siyang mayroon rin ang GKO. Bukod pa roon, ang isang picture nang kanyang magulang na nakita niya sa agency. Naroon sa litrato ang mga magulang niya kasama ang mga magulang ni Clyde.

Agent CxS mastered all the field and experiment task and ranked as Senior Elite Agent of Golden Key Organization.

Iniskip niya ang iba hanggang sa nakarating siya sa dulo kung saan nakita niya ang pangalan nito.

Croux Xion Sanchez

Sinarado niya ang laptop niya at saka lumabas ng kwarto. May kailangan siyang tanungin sa ibaba. As far as she heard awhile ago, ang may ari ng hotel na ito ay si Croux.
Pumasok kaagad siya sa elevator ng magbukas ito at hindi na niya tiningnan kung sino ang taong nasa loob. May isang tao kasi na naroroon. Nakasuot ito ng sumbrero at nakacoat na maroon.

Pinindot niya ang ground floor at saka siya naghintay na makarating roon. Nasa 18th floor ang room niya kaya may roong mga pumapasok sa elevator sa tuwing bumababa ang elevator. Pagkarating sa 5th floor hindi niya ineexpect ang makikita niya. Pagbukas kasi ng elevator nakita niya si Clyde.

"Clyde..." "Paula" sabay na sabi nila.

Nakakatawa lang. Kahit anong pilit niyang pagtatago at pag iwas rito pilit pa rin pinagtatagpo sila ng tadhana.

Billionaire's Only Rule (One Lie one Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon