Chapter 14: The Raven and the Dove

10.6K 234 7
                                    

Buong byahe ay nag-uusap lamang sila ni Clyde. Nakakatuwa kasi parang LD niya ang suot na headset. Hindi na nga halata kung pati ang pag-uusap nila ni Clyde ay rinig ni Drake doon sa headquarters. Katulad nga ng sinabi niya noon, mahilig itong makinig ng usapan ng iba. Kumbaga, isang dakilang tsismoso ang lalakeng iyon. Kaya nga palagi ito nasasangkot sa awayan e. Ang hilig magkalat ng balita na dapat naman ay hindi. Nakakahigh blood.

Pagkarating nila roon sa rooftop ng isa sa may pinakamataas na gusali sa Maynila, inalalayan siya ni Clyde. Ito pa nga rin ang nagtanggal ng headset niya. Bawat, araw panibagong kaalaman ang kanyang natutuklasan mula sa pagkatao ni Clyde. Aaminin niya, simula noong nawala ito para umalis ay wala na siyang balita. Hindi na nga nakakapagtaka kung hindi na nga siya maalala dahil sa tagal ba naman ng panahon. Pero sana naman ay kahit katiting na memorya niya noong kabataan nila ay maalala nito. Masakit kasi para sa kanya iyon at kahit gaano ito kahapdi kakayanin niya dahil nga mahal niya na ito noon pa man.

Love at its finest and true. That's what love is. Taking care and complementing each other. Filling up the gaps between and accepting their personality and attitude for what they are.

May pinasuot sa kanya na shades si Clyde at nang tingnan niya ito ay halos magkaparehas sila. Suot din nito ang shades. Napangiti naman siya. Kung ang iba, couple shirts, couple rings, bracelets o kung ano pa, sa kanila naman couple shades.

"Wear it. Wala akong dalang cap para hindi mainitan ang ulo mo pero sana makatulong para mabawasan ang init at sinag ng araw dahil sa shades."

"Thank you." Tumingkatad siya rito at saka niya binigyan ng halik sa pisngi ang binata. Namula naman ito. Ang cute niya talaga! Nakakapanggigigil.

"You are very much welcome, Paula." Inakbayan siya nito habang naglalakad sila. Di kalayuan naman ay tanaw na niya sila Royce na siyang nakaupo sa kama na may pulang kumot.

"Umagang-umaga, nilalanggam na kaagad ako. Grabe!" sigaw nito sa kanila. Napatawa na lamang siya dahil rito.

"Parang kahapon lang nagtampuhan kayo tapos ngayon halos magdikit na kayo. Grabe lang kayo na ba?" usisa ulit ni Royce sa kanila.

"Pa-"
"Yes. We were, Royce." pinutol ni Clyde ang pagsasalita niya sa pamamagitan ng paglagay ng kamay nito sa tapat ng bibig niya.

"Ah!" hiyaw ni Clyde. Nannggigil siya kaya niya kinagat ang kamay nito. Hindi naman ganoon kalakas ang paggigigil niya kaya ayos lang para sabihin na hindi naman dudugo ang kinagat niya kaso, magmamarka nga lang.

Nagpeace sign siya rito at saka ngumiti ng pagkatamis. Jusko. Kung makikita niya lang siguro ang sarili niya sa salamin panigurado, baka magtalakbong siya at maitapon ang salamin para basagin.

"Masakit Paula. Shit."
"Bear it. Haha."

Lumapit siya kila Royce at kumuha siya ng grapes na kinakain nito. Ito ang gusto niya rito e. May makakain siya kapag kasama niya ito. Kahapon nga lang hindi siya nakakuha ng popcorn na kinakain nito dahil tinago. Sayang! Pagkain din iyon. Kung hindi lang nito tinago ang popcorn, kukuha siya talaga!

Nakasimangot na lumapit sa kanila si Clyde. Nakanguso pa nga ito. Shit. Ang cute talaga. Ay este, gwapo pala.

"Mukhang may aamuhin muna na lalake si Paula..." may himig ito habang sinasabit. Parang umaawit ng nursery rhyme. Ganoon.

Tinapik niya ang tabi niya at doon ay umupi ang binata. Tumayo naman si Royce sa tabi niya para umalis kaso bago ito lumisan ay kinuha niya ang bowl na may lamang prutas at saka niya inilabas ang kanyang dila. "Hay nako. Sa iyo na nga."

"Sorry. Breakfast pa lang ito."
"Oo na lang." Tuluyan na sila iniwan ni Royce. Nakipag usap na din ito sa ibang staff para sa gagawing pictorial. Ang theme naman daw ngayon ay sa sensual scene. Kaya nga may kama at kulay pula na kumot. Geez! Kinakabahan siya.

"Masakit pa ba?" tanong niya rito. Tumango lamang sa kanyq si Clyde at dahil siya ang may kagagawan nito ay kinuha niya ang kamay nito at saka hinipan.
"Para kang si mommy."
"Ha?"
"She often do that for me. Kaso, wala na siya." Bakat rito ang kalungkutan. Wala na nga ang ina nito. Namatay ito ng may nagambush sa sasakyang sinasakyan nito.

Tinapik niya ang likod nto at siya na rin ang naglakagay ng ulo nito sa balikat niya. Sana naman kahit papaano mabawasan ang sakit ng kahapon na naramdaman ni Clyde. She is wishing for that and it is a mistake that she let him experience that kind of past.

"Alam mo, kahit wala na si tita, binabantayan ka 'nun." sabi niya rito.

Napabalingkwas si Clyde at tumingin ito ng diretso sa mga mata niya. Kitang-kita rito ang emosyong hinding-hindi niya alam na meron na ganoon si Clyde. Katulad nga kasi nang pinagsasabi niya, walang kwenrang kausap si Clyde nung una. Isang tanong, isang sagot. Napakastrikto nito at minsan naman ay halos may buwanang dalaw na katulad ng angkan niyang mga babae. Pero, nagsisimula na magbago ang pagtrato sa kanya nito. Pinapakilig siya, pinapatawa at minsa'y tinutukso siya. May mga pagkakataon rin na ayaw na niyang matapos ang isang araw dahil tiyak ay panibagong pakikitungo na matutuklasan niya rito na katulad na lamang ngayon.

"Paano mo nalaman na Jean ang pangalan ni mama?"

Shoot! Paano nga ba niya malulusutan? Ang daldal ba naman kasi niya e. Nakakainis.

"Nasabi mo sa akin iyon."sagot niya at saka niya niyakap ang tuhod niya. Napatingin sa kanya si Clyde at ganoon na lamang at hinawakan nito ang anklet na suot niya.

"Paula, you know my rule."
"Yes. Your rule."
"What is it?"may diin na ito sa pananalita.
"One lie, one shot."
"It is." Hinaplos nito ang parte ng binti niya kung saan nakasuot ang alahas na binigay nito.
"Are you going to shot me with gun?" tanong niya. Maaari kasi na barilin siya nito. Huling-huli na kasi siya. Ang sarap lang kutosan ng sarili niya.
"Of course not." Hinawakan ni Clyde ang baba niya at saka ito ipwinesto papalapit sa mukha ng binata. Napapapikit siya dahil baka kung ano na lamang ang gawin nito sa kanya.
"Why would I shot you with a gun? I don't like to kill you. Killing you means killing my other half." dagdag nito.
"C-Clyde."

Ngumisi ito sa kanya at saka lalong lunapit ang mukha nito sa kanyang mukha. Namumula na panigurado ang kanyang mukha dahil sa tensyon na nararanas niya ngayon.

"As much as I respect you, my rule is needed to implement and that includes you."

Hinipanan siya ni Clyde sa mukha kaya napapikit siya. Naiinis siya pero hindi pupwede. Iba ang sitwasyon na nangyayari ngayon na dapat ay binabagayan ng tama at angkop na reaksyon.

"Isa Clyde." banta na lamang niya rito. Iyon na lang siguro ang pinakaligtas na reaksyon o sagot na pwede niyang gawin sa harap ng binata.

"Continuation, you are pronounced guilty as charge for lying my dear Paula."

"How could you determine if I am lying or not?"
"That is a secret that I do not reveal. Anyways, punishment will be implemented."

Napabuntong hininga na lamang siya at saka tumingin kay Clyde.

"Shot me."
"I will. Soon."

Billionaire's Only Rule (One Lie one Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon