Chapter 6: When He Put His Trust On

15.1K 292 2
                                    

Pumunta siya kagabi sa headquarters. Halos nagulat nga ang lahat sa pagdating niya. Nakadress kasi siya kaya mukhang babaeng-babae talaga siya. Idagdag mo la na nahawak niya sa magkabilang kamay niya ang dalawang baril na ginamit niya kanina sa barilan.
"P-aige!" bati sa kanya ni Drew. Nakangiti pa iyon nunng una kaso biglang nawala ng nakita nito ang suot niya.

"Do not ask why." utos niya rito at saka niya sinamaan ng tingin ito. Alam niyang tatanungin siya kung bakit iyon ang suot niya. Hindi nga naman kasi talaga siya nagsusuot ng dress lalo na at may mga operation na nagaganap kaso malay ba niya na may aatake sa bantay niya.

"Ito talaga. Paula, alam mo bagay naman sa iyo. Nagmumukha ka ngang babae e. Nakakaakit ka nga e. Basta ba ganyan palagi ang suot mo." Sumimangot siya at saka niya piningot sa kanang tenga si Drew. Hinila niya pa ito papunta sa clinic ng headquarters.

"Paula! Masakit! Ah! Aray!" daing nito sa kanya kaso hindi niya pa tinanggal ang pagkakapingot niya sa tenga nito. Bahala siya!

"Curse you!" sagot niya at saka mas hinigpitan niya pa ang pingot niya. Natatawa siya sa itsura nkto. Talagang nasasaktan at halos namumula na nga ang hawak niyang tenga. Buti nga sa iyo!

"Bitawan mo na siya Paula."sabi ni GB na siyang kakapasok lang. Ang bilis naman. Nalaman na kaagad nito na narito siya.

Binitawan niya ang tenga ni Drew katad ng sinabi ni GB. Nakita niya na hinawakan ni Drew ang tenga at saka dali-daling umupo sa may gurney at nagpaasikaso sa nurse. Yung lalake talaga na iyon oh. Lumapit siya kay GB at saka ngumiti.

"So, kamusta?" tanong nito sa kanya.
"Hindi mo sinabi na siya pala si Clydie!"
"Aba! Malay ko dyan. Love life mo 'yan nung bata ka pa e. Akalain mo 'yun nagtagpo muli kayo. After..." Nagbilang ito ng kamay."20 years"
"Hay. Ewan ko sa iyo GB."

Lumapit siya sa isa pang nurse at tinuro niya ang balikat niya na may tama ng baril. Tumingin muli siya kay GB ng makitang tumango sa kanya ang nurse.

"Nasugatan ka?"
"Hindi. Daplis lang iyan."
"Talaga lang a." may pagkasarcastic sa tono ng pananalita nito kaya ngumisi na lamang siya. Lumapit sa kanya ito at saka tiningnan ang sugat sa may balikat niya. Tinastas nito ang sleeve ng dress at saka nito hinawakan ang kanyang balikat. Pinisil pa nga natito kaya halos namura niya ito. Aba. Masakit kaya.
"Iyan pala ang daplis parasa iyo. In fairness, mukhang magaling ang naging kalaban mo. Natamaan ka niya bago mo pa siya matamaan."
"Nang iinis ka ba o nanghahamak?" tanong niya rito.
"Nang iinis. Chill lang PJ."
"Ewan ko sa iyo GB. Ewan ko sa iyo."

Naramdaman niya na naalis na ang bala sa kanyang balikat kaya pinalagyan na niya ito ng gauze sa nurse. Naging mabilis naman ang aksyon ng nurse sa kanya kaya ng matapos ay tumayo na siya. Sumabay sa kanya ang dalawa, sila GB at Drew.

Pumunta siya sa kanyang vault na nasa opisina ni GB. May pinindot siya na code sa gilid at ng tumunog na ay lumitaw ang pitong tray na may iba't-ibang baril.

Sa may unang tray naroon ang Colt M1911A1 XSE, Glock 17 at ang Beretta 92 FS. Tapos sa mga sumunod na tray ay ang set of knives niya, grenades, laser beams at ang mga rifles niya.

Kumuha siya ng bagong set ng knives at ng mga magazine para sa baril niya. Binalik niya ang SIG niya at saka niya kinuha ang Colt XSE at ang suspender nito. Sinarado niya pagkatapis ang vault niya at pagtalikod niya ay nakita niyang nakaupo ng prente ang kapatid niyang si GB.

"Masaya ba ang pagbabantay sa kanya?"
"Parang babae. Palaging nireregla."

Tumawa ito ng malakas at saka biglang nagseryoso. Kung may mas babaliw sa kanya iyon ay ang kapatid niya. Ang bilis magbago ng emosyon nito. Napakabilis. Para ngang bipolar e pero wala, kapatid niya iyon.

Billionaire's Only Rule (One Lie one Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon