Chapter 24: Chichen Itza

9.8K 206 6
                                    

Kung panaginip sana ang mga nangyayari sa kanya, ayaw na niyang magising. Simula noong gumising siya mula sa isang bangungot ay hindi na niya pinakawalan si Clyde. Kung pwede nga sana maitali na niya ito para hindi na makalayo sa kanya ginawa na niya.

"I don't want you to talk with that Winston. Si Croux na lang."

Ngayon kasi pag-uusapan nila ang gagawing plano para mahuli si Winston. Naikwento na nga rin niya na ito ang mastermind kung bakit namatay ang kanyang mga magulang. With his selfishness nakagawa ito ng pagkakamali na to the point that he can kill someone.

Huminga muna ng malalim si Clyde na siyang katabi niya at saka nito kinuha ang kanang kamay niya at saka ito hinagkan.

"I can do it. Promise."
Napasimangot siya sa sinabi nito at saka niya tiningnan si Croux na prenteng nakaupo sa tapat nila. Nakapatong pa ang kaliwang binti nito sa kabila at nakangisi.

"Croux!"
"He can do it. Trust him, Paula."sagot nito.

Nagdadalawang isip siya pero hinawakan ni Clyde ang kanyang magkabilang pisngi at saka nito pinagdikit ang noo nito sa kanya. "I promise hindi mangyayari ang napaginipan mo. Hindi ko ipapahamak ang sarili ko."

Pumikit siya at saka siya pumayag.

"Tama na. Nilalanggam na ako rito."

Tinawanan na lamang niya si Croux na nakasimangot sa kanilang dalawa.

"Ihahanap kita ng katapat mo rin Croux." nakangiting sabi naman ni Clyde rito. Ngumisi lamang si Croux sa kanila.

"I already found her."
"Oh? Where?"tanong niya rito.
"In the agency, Agent Pilot." nanlaki ang kanyang mga mata sa narinig.

"Seryoso?" he just chuckle at saka na ito tumayo at umalis. Inakbayan siya ni Clyde at saka niya naramdaman na hinalikan siya nito sa ulo.

"Mukhang seryoso siya."
"Holy shi-" magmumura na sana siya kaso bigla na lamang inilapat ni Clyde ang labi nito sa kanya.
"Don't cuss." kusa na lamang napatango siya at saka ngumiti sa kanya si Clyde. Grabe! Sana palagi na lamang ito ngumingiti. Nakakalimutan niya ang mga nangyayari at she feel like she is in cloud nine.

Pagkatapos ng meeting nila ay naglibot sila sa Mexico. Ginamit nila ang sasakyan ni Clyde papunta sa unang destinasyon nila ang Chichen Itza. Mukhang pyramid ito na katulad ng sa mga taga Ehipto ang kaso nga lang ay ang pinakatuktok nito ay pantay at hindi patulis. Bukod pa roon, pinaniniwalaan ito na isa sa mga lugar kung saan unang naging civilize ang Central Mexico.

Nginitian muna nila nag isa't-isa habang magkahawak kamay na tumatakbo papunta roon. Kung may camera lamang siguro siya ay malamang kanina niya pa pini-picturan ang bawat pangyayari sa kanila. Makasama niya lamang si Clyde, natutuwa na siya. Paano na ngayon at mukhang buong araw silang magkasama? Maglulupasay na ba siya? Haha.

''Gusto ko yung ganito?'' rinig niyang sabi ni Clyde. Tumingin siya rito at ganoon na lamang ng nakatitig ito sa kanya. Iniwas niya tuloy ang tingin niya.

''Yung ganitong ano?''

''Yung ganito na simple lang. Kasama kita, natakbo man, naglalakad o kahit nakahiga. Masaya na ako.''

Hindi niya mapigilang hindi mapangiti. Clyde never failed her to smile. Each day, hindi niya pinagsisihan na minahal nia ito. Okay, meron pero dati pa iyon. Noong, iniwan siya na hindi niya pa rin alam kug ano ang dahilan.

''Clyde...'' gusto na niyang umiyak sa kilig.

''Halika. Roon tayo sa sinasabi nilang El Castillo. '' aya nito sa kanya. Tumango na lamang siya at ganoon na lamang ng hinatak siya nito papunta sa pinakagitna at masasabi niyang pinakamataas na templo ng mga Malays.

''Wow''

Mangha na mangha siya sa ganda nito. Para sa iba, mukhang isang ordinaryong templo lamang ito pero para sa kanya, hindi. Ang ganda talaga.

''Sabi nila, matutupad raw ang wish mo kapag humiling ka raw sa El Castillo. Ang diyos raw ng mga Malay ang tutupad nito. Hindi ako naniniwala nung una ko itong pinuntahan noong nakaraang taon kaso kasama ko si Bryan at hiniling niya na sa susunod kong pagpunta may kasama na akong babae at ang babae na iyon ay ang papakasalan ko at makakasama ko habang ako ay nabubuhay.''

''Ang cheezy mo.'' tukso niya. Napakamot na lamang ito halata na nahihiya sa sinabi. Idagdag mo pa na namumula ang magkabilang tenga nito. Pakshet! Kinikilig tuloy siya.

''Sa iyo lang.''

''Asus! Ewan ko talaga sa iyo Mr Clyde Ryan Gregory Sanchez. Ewan ko na lang talaga.''

''Mahal mo naman.'' sabi nito sabay akbay sa balikat niya. Hinila siya nito palapit sa katawan nito at hindi niya mapigilang hindi hawakan ang kamay nitong nakaakbay sa kanya.

''Oo naman!'

Sabay silang tumawa pagkatapos niyon at saka ipinagpatuloy nga ni Clyde ang hiling ni Bryan noong nagpunta sila.

''Eh ikaw, ano ang hiniling mo?''

''I wished to finally meet the one that I will keep not just to everyone but also to myself. At ikaw iyon, Paula.''

Hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi at saka siya nito hinalikan sa noo.

Kalokohan na naman ito! Bakit hindi sa labi? Umaasa pa naman siya!

Napanguso tuloy siya. Pero, ngumiti lamang si Clyde at saka hinalikan rin siya sa may tuktok ng ilong.

Pakshet! Ito na! Malapit na!

Ipinikit niya ang kanyang mga mata at saka niya naramdaman ang pagdampi ng labi nito sa kanya. Inilagay niya ang kanyang braso sa batok nito na siyang pumipigil sa para hindi lamang dampi ang mangyari kasi sa ngayon, panigurado, mapapatay niya ito kung mabibitin siya sa mga halik nito.

Hindi naman siya binigo ni Clyde dahil hindi lamang dampi ang nangyari kundi ay halik. Sa bawat segundo na lumilipas, lalong palalim ng palalim ang halikan nila na miski siya ay tila nalulunod na. If there is one word that could describe her right now it is the word, addiction. She is addicted to Clyde. Kung ganito ba namang kabait, maalalahanin, mapagmahal, bonus na lamang na mayaman ito at may itsurang hindi dapat itago at ikahiya dahil miski ang ipis ay paniguradong lalabas sa kinalu-lunggaan nito para makita lamang siya. Eww. Kidding aside, gwapo kasi naman talaga ito.

Nang ihiwalay na nila ang kanilang labi, halos nakipagkarerahan siya at sumali sa marathon dahil hinahabol niya ang kanyang hininga. It was a breath-taking kiss she ever had!

Naglibot lang sila sa Chichen Itza, nakita nila ang iba pang magagandang pyramid ng mga Malays ng Central Mexico. Minsan naman ay tumatambay sila sa may tapat nito at saka uupo sila sa sahig at magtitinginan sa isa't-isa at bigla na lamang tatawa. Ang saya na kahit sa ganitong kasimpleng pagtitinginan nila, hawak lamang ng kamay ay masaya na sila. Iba nga siguro ang nagagawa kapag mahal mo ang isang tao. Kahit simpleng gestures lang, kuntento ka na.


A/N: Demanding ako ngayon a. Hahaha. Sabi na magcomment e. Pero kapag ang comment update please, ipapatapon ko sa ilog pasig! Nakakaloka pagbibigyan ko kayo ngayon pero soon di na. Kaya comment na.

5 comments na matino

DARE?

Billionaire's Only Rule (One Lie one Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon