Chapter 33

7.2K 169 3
                                    

"Approve only when you finish the task?"tanong sa kanya ni GB.

Binigay na niya ang resignation letter niya rito at pinaliwanag niya ang gusto niya ang kaso nga lang hindi ata nito naintindihan. Ang bilis niya kasing ipaliwanag iyon dahil malapit na si Clyde. Tumawag kasi ito kani-kanina lang na papunta na ito sa headquarters at ayaw naman niyang mahuli nito. Surprise.

"Bibitawan ko ang field tasks."

"Kasi. Pinagbawalan ka ni Clyde?" tanong nito sa kanya. More likely, intriga.

"Hindi." she breathe out a sigh after.

Halos lahat ng taong pinagsasabihan niya na bibitawan na niya ang field tasks, ang sinasabi sa kanya ay dahil pinagbabawalan siya. Ayaw naman niya ng ganoon kasi pinapalabas lamang nito na masama si Clyde. Na selfish ito. Hindi na maisip yung mga pagkakataon na pagbinitawan niya iyon mawawalan ng tinik sa dibdib si Drake na siyang palaging ninenerbyos dahil magigiitan ng ate Gabrielle niya o kaya ay panatag na ang loob ni Clyde dahil wala siya sa kapahamakan.

"But why? You know you are one of the agents that we value here. Paula, I am speaking as your head in this agency. I need to know why."

"I want to settle up and build up my family—our family. Ayoko naman na mapahamak ang mga anak ko pagnapagbuntuan ako ng mga sindikato o ng mga masasamang loob. Siguro nga, this is being motherly like. I want my children, husband and life ones be safe and I do not want to be the reason why they are in danger. Uunahan ko na kung sakaling dumating ang puntong mangyayari nga ang ganoon." she explain.

Nakita naman niya na gumuguhit sa mga labi ni GB ang ngiti at pagkamangha at natutuwa siya roon. Siguro nga hiyang niya si Clyde. Hindi naman talaga siya ganito noo. She was reckless and doesn't care if she was wounded or not.

Simula nung nakilala niya si Clyde, umayos ang buhay niya. Patapon na niyang ituting ang buhay na meron siya at nagkaroon lamang ito nang saysay ng nakilala niya at minahal niya ito. Everything seems to be in place. She think.

"You know I will always support what will you do." niyakap siya ni GB at hindi niya mapigilang hindi mapaluha. Her sister has that effect on her and still she is.

Lumayo ito at tiningnan siya. Ito pa mismo ang nagpahid ng luha niya. Nakakahiya.

"Huwag ka ng umiyak. Ang laki na natin e!" natatawang sabi ni GB habang may natulong luha rin.

Kita mo nga naman. Sino ang nagsabing huwag umiyak? Hahaha! Parehas lang talaga sila.

"Ate."
"Yes, Paula."
"Ipaghihiganti ko sila mommy, daddy at kuya Patrick." determinong sabi niya. Nagtiim bagang ang ate niya at kita niya kung paano biglang magswitch into fierce look ito. Nakakatakot.

"Count me. I will shed his life. Hindi sapat ang buhay niya sa 20 years na hindi natin kasama sila mommy and daddy and kuya Patrick."

Habang hindi pa dumarating si Clyde ay pinag usapan na nila ang maaaring maging aksyon nila para materminate na sa mundo ang Winston na iyan. Tama na. Sapat na ang mga buhay na nagbuwis. Ayaw na nila na madagdagan pa ang bilang ng nito. Ayos na yun.

"Ako ang bahala sa mga agents natin." presinta ni GB.

"Ate, laban ng pamilya natin ito. Bakit pati ang agency isasama mo?" tanong niya rito.

"Pamilya naman natin sila kaya bakit hindi ko sila idadamay? Tsaka, kung tayong apat lamang ni Clyde at Croux ang gagawa ng aksyon, imposible na manalo tayo. Panigurado ako na maraming tauhan na nagbabantay sa kanya. Kilala siya hindi ba? Kaya, halos lahat ng maaari niyang bayaran kukunin niya upang maging depensa laban sa atin." paliwanag nito sa kanya. Totoo naman. May punto ito. Hindi nila kakayanin ang puwersa ni Winston.

Kaya sa bandang huli wala na siyang nagawa. Damay kung damay na. This would be a big operation that every agent in the agency needs to participate. This is a battle of a life time. It is battle for survival and peace.

Nang dumating si Clyde sa agency, halos magtatatalon siya. Paano ba naman, may dalang Hershey's kisses hugs chocolates ito na siya namang nilantakan niya agad. Tumabi ito sa kanya at si GB na nasa harapan, ang sama ng tingin. Ewan ba niya. Dapat binibigyan na ng love life ito e. Para naman hindi na ganoong kasungit. Mamaya niyan, tumandang dalaga ito.

"Gusto mo?" alok niya rito.

Baka gusto nito at nang sa ganoon ay hindi na masama ang ang tingin sa kanya.

"No thanks. Kulang pa 'yan." nakataas ang kilay nito habang sinasabi iyon kaya napanguso na lamang siya.

"Oo na. Ito na."

Sa bandang huli walang nagawa si GB. Kumuha ito ng isang pack ng chocolates at saka kinain. Panigurado nagkaroon ng suspetya ito na iiyak siya na hindi naman talaga. Trick niya iyon para makuha ang gusto niya. Ang maganda sa buntis. Hahaha.

"Gabrielle." tawag naman ni Clyde sa ate niya. Seryoso ang mukha nito at ganoon rin ito. Mukhang may problema.

"Speak up. Anong nangyari?" halos yelo na sagot ni GB.

Napatigil siya sa pagkain ng chocolates at saka niya pinakinggan ang sinabi ni Clyde.

"Nakatanggap ako ng letter galing kay Winston."

Napatikom ang palad niya sa narinig. Anong? Bakit naman nito pinadalhan ng sulat si Clyde?

"And?"

May kinuha si Clyde sa loob ng coat nito at saka iyon inilapag sa mesa. It is a red envelope. Hindi na selyado dahil binuksan ni Clyde ito kanina para malaman kung kanino nanggaling. Inilabas nito ang kulay itim na papel na maaaring sulat. Kinuha iyon ni GB at binasa.

"Fuck!" mura ni GB. Agad niyang hinablot ang sulat para basahin ang nilalaman nito. Panigurado pag hindi niya agad hinablot ay hindi na niya mababasa ang sulat dahil sinira na ito.

I didn't know that someone like you would be wedded a lady like Paula.

I really like her mother. Paulina's alluring eyes, pointy nose, kissable lips and gourgeous face was exactly like her daughter, Paula.

I love it and I think I cannot live without having her.

I will make her mine.
I will steal her from you.
Even it took me years to have someone like Paulina and it is Paula.

From the one who was obsess with,

Mr Winston

Gusto niyang magwala. Obsess naman ngayon sa kanya si Winston dahil magkamukha silang dalawa ng ina niya. Bakit hindi niya naisip na maaaring siya nga ang gusto nito kasi nga talagang baliw na baliw ang lalakeng iyon sa ina niya? Damn! That son of a bitch!

Billionaire's Only Rule (One Lie one Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon