Chapter 28:Training Ground

7.1K 174 8
                                    

Nasa interrogation room sila at masamang nakatingin sa kanila si GB. Kanina lamang ay nahuli si Clyde at ang mokong na pinsan nito ay hinawakan ang magkabilang balikat upang pigilan kung sakaling sumunod ito sa sinigaw niya nang makita niya ito na nakikipag-usap sa mga elite agents at kabilang na roon si Roffer.

"Speak."malamig na utos ni GB sa kanila. Huminga lamang siya ng malalim at saka niya hinawakan ang kamay ni Clyde. Kailangan niya ngayon ng lakas loob.

"We were engaged."si Clyde na ang nagsalita sa kanilang dalawa. Panigurado kasi na walang salita ang lalabas sa kanya. Kinakabahan siya ng sobra!

"When?"

"Last week."

"What is your purpose Mr Sanchez? I will be direct to the point, do you love my sister or it is just a mere like contract like we did in shares? Choose one and I am hoping that it is right."

Tiningnan niya si Clyde at ganoon na lamang ng ngumiti ito sa kanya at hinigpitan ang hawak sa kamay niya.

"I do love your sister Gabrielle. That is the main reason why I want to marry her and be the mother of my child. If you think that it is like a contract, sorry but it is not." seryosong sabi nito kay GB. Kung may pangangatawanan siya sa sinabi ni Clyde ito ay mahal na mahal siya nito.

"Okay. Atleast we clear each other's mind." sabi ng ate niya kay Clyde. Tumingin sa kanya ito at saka siya binati.

"Congratulations, Paula. You finally found your true love."

Tumayo na ito pagkatapos at saka umalis ng interrogation room. Nginitian niya si Clyde at saka niya ito hinalikan sa pisngi. Masayang-masaya talaga siya ngayon.

"Halika. Samahan mo ako sa training. Magpapahirap tayo." aya niya rito. Clyde just chuckle and hold her hand.

"Halika na future Mrs Paula Sanchez."

"Sure." iyon na lamang ang sinabi niya at saka sila sabay na lumabas ng interrogation room.

Iniaya niya sa locker si Clyde. Kumuha siya ng plain white shirts, camouflage pants para kay Clyde and shorts naman para sa kanya. Bukod pa roon kumuha rin siya ng military boots, ear muffs, gloves na siyang kita yung daliri, shades, gun holster at mga baril na gagamitin nila.

Binigay niya ang iba kay Clyde at sinabihan na magbihis muna. Ganoon rin ang ginawa niya nagbihis muna siya. Hinubad niya ang damit niya at nagpalit. Tinack-in niya ang shirt sa shorts at saka siya nagsuot ng belt. Nilagay naman niya ang holster sa kanang hita niya. Nilagay niya ang baril niya roon at saka niya sinuot ang boots. Pinony niya ang mahaba niyang buhok at saka niya sinuot ang salamin.

Paglabas niya naghihintay na sa kanya si Clyde. Nakasandal ito sa pader at tipong may photoshoot! Siya na. Ang gwapo niya talaga! Lumapit siya rito at saka siya inakbayan.

Nang makarating sila sa training ground, nakahilera na ang mga trainees. Sumaludo ito sa kanila at saka niya tinanggal ang salamin na suot niya.

"Count!"sigaw niya at nagsimula nang magbilang ang mga trainees.

"Dalawampu't siyam, Mam!"sigaw nung sa may huli.

Ngumisi na lamang siya at rito magsisimula na ang delubyo na siyang sinimulan at tatapusin niya.



Halos lahat ng trainees tinamaan na niya ng paint gun na nakita niya kanina sa may tabi ng drum. Nagpaputok siya at kawawa agad ang natamaan dahil ang matamaan niya ay may karampatang parusa. Pinatakbo niya ang mga ito at may nakataling bakal sa kanila. Paunahan ang ginawa niya roon. Tapos nagpractice din ng baril. Talagang nagiiba ang anyo niya kapag hawak niya ang baril at nasa training ground. Halos awayin na nga rin niya kanina si Clyde dahil nililibang siya.

Gusto niyang nililibang siya nito pero sana lumugar naman at umayos sa oras kung kailan hindi na niya kailangan maging seryoso. Mamaya niyan wala na naman siyang midnight snack! Mahirap 'yun!

"1...2...3... Fire!" pagkatapos ng bilang niya ay sabay sabay na nagpaputok ng baril ang mga trainees. Hawak kamay sila ni Clyde habang naglalakad sa likod ng mga trainees.

"Ang sungit ata ng ma'm niyo."sabi nito sa mga trainees. Sinamaan niya ng tingin si Clyde at ganoon na lamang ng hinampas niya ito sa braso.

"Oo nga po Sir. Kaya sana sir, huwag niyo nang pakakawalan si Ma'm. Mabait na po siya ngayon."

"Agent 852! 40 push ups. Now!" utos niya sa nagsabi kay Clyde niyon.

"Baby..."hinigpitan nito ang hawak sa kanyang kamay at saka hinalikan.

"Whoa!" halos lahat ata napasigaw nang bigla siyang halikan ni Clyde sa labi. Miski ang puso niya sinisigaw ang pangalan niya.

"Guys.. Close your eyes. Mahiyain ang ma'm niyo. Now!'' Clyde order to the platoon.

In just a snap pumikit lahat at kabilang na siya.

"Of course baby, not you. Now you may claim your punishment for being rugged at them." hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya at saka muli siya hinalikan. Kung punishment ito, magiging pasaway na lamang siya para palaging may parusa.

Billionaire's Only Rule (One Lie one Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon