Chapter 18: Her Existence

10.5K 223 9
                                    

Kanina pa niya sinusubaybayan ng tingin si Bernadette Trinidad, yung babae na target niya sa mission. Kakarating lang nito at nakasuot na ito ng uniporme. Kailangan niyang pagmatyagan ang target niyang maigi lalo na at hindi lamang pala assault ang kaso nito.

Batay sa lens na suot niya, may kasong estafa, perjury, murder at kidnapping ang nasasakdal. Sa edad na bente sais ay marami na pala itong kaso na nakabinbin na tinatakasan ng babae. Napailing na lamang tuloy siya.

"Hey.'' bati sa kanya ng isang lalake na tumabi sa stool na kinauupuan niya. Pinukulan niya ito ng masamang tingin at saka niya ito tiningnan pababa.

May suot itong salamin na siyang tumatakip sa mata nitong nakakatusok. May matangos na ilong, mapupulang labi medyo madilaw na complexion magulong buhok pero bagay na bagay sa mukha nito na makikitaan mo ng kakaibang aura. Nakasuot ito ng white polo na medyo hapit sa dibdib nitong mabato.

"Did I satisfy your taste?" tanong nito sa kanya. Inirapan niya ito at saka siya ulit uminon ng tequila.

"No.'' madiin niyang sagot. To be honest,may maipagyayabang naman ang kampon ng demonyo na ito e. Ang kaso nga lang simula ng makilala niya ang lalakeng nagpaluha at sumira sa kanya parang alalay na lamang ang lahat ng lalake. Syempre, maliban na lamang kay Roffer na mas nauna niyang makilala kaysa kay Clyde.

Ngumisi ito sa kanya at saka nito tinawag ang bartender. "One tequila and rum."

"You are drinking two different cocktails?" tanong niya rito.
"Thank God. Napansin mo ako." Inirapan na lamang niya ito. Nakakasura naman.
"Huwag ka nga dyan. Masyado kang papansin."
"That is the reason why I am here."
"The. Heck."

Tumango ito sa kanya at saka nito ibinigay ang tequila. Ngayon niya lang napansin na naubos na pala niya iyon.

"Why are you here?" tanong niya. Kung hindi niya talaga ito kilala ay malamang ay kanina pa niya ito nilayasan.
"Mission."
"What?"
"I am in a mission. I am a secret agent under Golden Key Organization. Agent Paige."

Nagulat na lamang ang kausap niya at saka inubos ang baso ng rum. Great God. Walang chaser pa iyon a.

"I didn't know that someone like you is a secret agent. Noong nakita ka namin ni Clyde patawid ng kalsada at muntikan ng mabangga, you look so harmless."

Napangiti na lamang siya.

"That is one of my tactics."
"Yeah. Tactics. We fell into your trap."
"You two should be. That is the only way that I can be close enough with him." Nagtiim ang bagang nito pagkasabi niya. Anong masama naman sa sinabi niya? Iyon lang naman talaga ang motive niya.

"It is that what you want Paula? Iyon ba?"
"Definitely."

Nakita niya na nalungkot ang ekspresyon nito at saka may kinuha sa bulsa nito. Ibinigay nito iyon sa kanya. Nagtatakang kinuha niya ang USB na kinuha nito sa bulsa.

"Anong meron rito?"
"Nakuha ko 'yan sa database ng airways na pinagtatrabahuan ko. Binigay ko yan kay Clyde noon kasi nagdududa ako sa katauhan mo. Well, kala mo ikaw lang ang magaling na artista? Tsk. Nagkakamali ka." Sinamaan niya ito ng tingin.

"So what. Pakealam ko kung magaling kang umarte? Letse." naiinis na sagot niya. Ngumisi naman sa kanya ito at saka ulit nagsalita.

"Wala lang. Sinasabi ko lang." medyo natatawa pa ito habang nagsasalita kaso bigla na lamang naging seryoso muli ang mukha nito. Ang bipolar! Parang kanina natawa at nangiti-ngiti tapos ngayon malungkot na medyo poker face. Wow naman.

"Naglalaman iyan ng mahahalagang detalye tungkol sa pagkatao mo."
"What do you mean?
"He knew who you are."
"Fuck!"

Napamura na lamang siya sa sinabi sa kanya. All this time, alam na ni Clyde ang pagkatao niya but how come does that airways have her data? Isang malaking karanungan pa rin iyon para sa kanya.

"Alam niya ang lahat tungkol sa iyo. He even cooperated with you. Pinagkatiwalaan ka niya kahit nga wala kang sinasabi tungkol sa kanya. He even broke his own rule para sa iyo. Nagsinungaling siya sa sarili niya. Pinaniwalaan niya na wala siyang nalalaman tugkol sa iyo. Lahat ng iyon ginawa niya. Then now, you are telling me that your motive only is to be close to him. Sorry Paula pero putangina. Nakakainsulto iyon para sa aming mga lalake. Tang ina talaga!''

Nabigla siya sa sinabi sa kanya ni Bryan. Yes. It was Bryan. Hindi niya inaakala na ganoon ang ginawa ni Clyde for her.Gusto niyang umalis kaagad at hanapin si Clyde. Both of them need to explain. Kailangan niyang malaman ang side nito. Kailangan niyang malaman ang dahilan kung bakit nito ginawa. Pero sumisigaw ang bahagi ng isipan niya na huwag. Kailangang pagsisihan nito ang ginawa sa kanya. He even took advantage of her. Kailangang magdusa iyon.

"Think of it Paula. As of now complete your mission." iyon na lamang ang sinabi ni Bryan sa kanya at tuluyan na ito umalis. Yes. Katulad nga ng sinabi nito sa kanya kailangan niyang pag-isipan ang sinabi sa kanya.

Clyde has a very good friend. Maaasahan mo pa ano mang oras. May matalas na dila pero may saysay ang bawat salita na lumalabas. Ibang-iba sa dating Bryan na nakilala niya noong anim na buwan na ang nakalilipas.

Pinagpatuloy niya ang pagbabantay kay Bernadette at nakakgulat lang dahil papunta ito sa kanya. Great! Umaayon sa kanya ang tadhana.

"Mam, may nagpapabigay nga po pala." sabi nito.
"Sino?"
"Isang lalake na parang model."
Kinuha niya ang envelope na nasa plate na dala nito at saka niya ito binuksan.

The bar you are into will suffer underworld's fire. At exactly 10:10 pm the bomb will be activated. B.T and T. R are the target of this. Go on and save them.

P.S: Don't ever use Faint Away for T.R

-Agent CxS

Tiningnan niya kaagad ang suot niyang relo at ganoon na lamang ang paglalaki ng mata niya na two minutes na lang bago ang itinagkdang oras.

Kaagad niyang sinabi kay Drake ang nilalaman ng sulat. Tiningnan nito kung tama nga ba ang sinasabi ng agent na iyon at totoo nga kaya napamura na lamang siya. Ngayon kailangan niyang ilabas ang dalawa. Nakasisigurado siya may mali at may nakatagong mabahong katotohanan. Maliwanag na gustong patayin ang dalawa para hindi isiwalat ang nalalaman nito. Tiningnan niya ang relo at halos magwala na siya dahil isang minuto na lamang ang natitira.

Agad niyang tinungo ang kinatatayuan ni Bernadette Trinidad at saka niya iyo hinila papunta sa isang gilid na medyo madilim. Doon ay tinurukan niya ng Dream star, isang gamot na pampatulog. Mabilis umepekto ang gamot na iyon dahil nangangailangan lang ito ng limang segundo at siguradong makakatulog na kaagad ang tuturukan nito. Mas malala pa ito sa pampatulog ng elepante sa bilis emepekto.

"One down. One to go." mahinang sabi niya ng makatulog na si Bernadette. Ipinasok niya ito sa isang pasukan na alam niya ay ang labasan ng basura. Ayos na yun kesa naman masunog siya.

Nagmamadali siyang hinanap si Timothy Raven. May kasama itong babae at tila ay palabas na ng bar. Good! Mas madali iyon. Kukunin na sana niya ang Faint Away kaso naalala niya ang nakalagay sa sulat. Pero kung hindi niya gagawin iyon sigurado matatagalan siya at malamang ay masasama siya sa pagsabog ng bar.

Walang hesistant na nilagay niya ang Faint away at saka siya patakbong lumapit kay Timothy at saka ito hinalikan. Naramdaman na lamang niya na bumibigat ang katawan nito at tuluyan nang nakatulog.

''Fuck!"rinig niya pero tuloy pa rin siya sa pagdampi ng labi niya kay Timothy. Kailangan makasigurado na epektibo.

"You bitch!" akmang sasampalin siya ng babaeng kasama nito kaso agad niyang kinuha ang baril niya sa may hita niya at tinapat sa noo nito.

"Anong sabi mo?" tiim bagang tanong niya rito. Natahimik bigla ang babae at alam niyang natatakot ito. Wala siyang pakealam kung iputok man niya ang bala. Maganda nga yun mas mauuna pa itong mamatay kesa sa mga tao sa loob. Mga pinapatay ang sarili sa alak at sigarilyo.

Pagkalabas niya ay biglang sumabog ang bar. Sumiklab ang nangangalit na apoy na tipong lumalamon sa mga sumisigaw na tao. That's life. May namamatay, may naliligtas at tsaka una-unahan lang 'yan. Parang puso niya, unang namatay kaysa sa kanya. 

Billionaire's Only Rule (One Lie one Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon