Chapter 3:Deny

17.8K 289 2
                                    

Nailagay na niya ang Trix kagabi dahil na rin sa tulong ni Drew. Aaminin niya na medyo natakot siya rito. Matagal na ng huli niyang maencounter na nagalit ito sa kanya. She even prayed for her soul last night! Sadyang dinaan na lamang niya sa pagkukunyariang inis ang takot niya. She is an agent. She shouldn't be seen any emotion. Especially afraid or being weak.

"Kumain ka na?" tanong sa kanya ni Clyde pagkababa nito sa hagdanan. Mukhang kakagising lamang nito dahil nakapartner na kulay itim na panjama at saka t-shirt. Medyo magulo pa ang buhok nito at mapungaw pa ang mga mata.

"Hindi pa. Kumain ka na." She invite him for breakfast. Nakakahiya naman kasi diba kung siya pa ang mauunang kumain gayong nakikitira lamang siya rito. She keep on waiting for his reply but silence conquered the place. Ni ha o what, wala siyang narinig mula rito. Aba! Ang impaktito talaga! Mas malala pa sa nirereglang babae.

Sinamaan niya ito ng tingin at saka siya nagpunta sa dining room. Nakita niya na nakaupo na roon ang inpaktito na kala mo ay pipi! Aba! Hindi kaya nasagot. Baka naman hindi nito narinig. Ano iyon? Pipi at Bingi?

Napapatawa na lamang siya sa pinagiisip niya tungkol sa lalake. Pipi at Bingi. Pfft. Kawawa naman. Pinapasaya na lamang niya ang sarili niya. Iniisip niya na ganoon nga ang lalake kahit alam naman niya ang totoo. Hindi naman talaga pipi o kaya bingi iyong lalakeng iyon. Katunayan nga, nakakahumaling at nakakaakit ang boses nito. Sa tuwing naroon ito sa tabi niya ay iba ang kanyang nararamdaman. Hindi niya maipaliwanag.

"Paula is your name right?" tanong nito sa kanya. Aba! Ano ang nakain nito at ito ang nagtanong. Panibagong pasabog na naman ng impaktito na iyon.

"I do not know." she said. Kahit anong mangyari hindi siya pwede magpahalata na wala siyang amnesia at nakakaalala ito. Lalo na ang plano niyang pagbantay rito para hindi ito mapahamak at mamatay sa mga pagtatangkang pagpatay ng mga katunggali nito hindi lamang sa negosyo kundi pati na rin ang mga kawatil.

"I guess it is your name. It was written in your necklace." paliwanag nito sa kanya. Hinawakan niya ang suot niyang kwintas. Nakalimutan niyang tanggalin iyon at iwan sa headquarters upang paltan ng Xystrim. Ang xystrim naman ay hugis kwintas na nay sari-saring tools na nakakabit. Kayang magtrasnform ng xystrim bilang isang rope na may hook, may laser beam din ito at mayroon itong dead wish potion.

Ang dead wish potion naman ay malapulburang potion na kung saan kaya nitong patigilin ang pagtibok ng puso ng isang indibidwal. Sa pamamagitan lamang ng pag-ihip papunta sa taong gusto mong mamatay kaya na nitong patigilin ang pagtibok ng puso nito at ang pagkakaroon agad ng malignant lymphoma. Napakatapang ng potion na ito na siyang ginawa ng nga experiment department.

"Hindi ko alam... Paula... Paula.. Paula?" she keeps on acting that she doesn't know anything and at that moment she hope that he will believe it.

"Okay. But I will call you Paula anyway. Haha."

Medyo nagulat siya sa ginawa nito. He laugh. Well yes, she knew that it is a fake one but at least he do laugh. Sapat na iyon para sa kanya dahil alam niya na hindi ito robot.

"Okay." Pumunta na siya sa isang upuan. Umupo siya rito at saka may dumating na isang babae na nakasuot ng puti at may itim na palda. Hindi ganoon katanda ang babae. Mukha nga itong bata at mga nasa edad na bente hanggang bente cinco anyos. Naglagay ito ng pagkain sa harap niya. Tatlong longganisa, scrambled egg, garlic rice at dalawang hati ng pipino.
"Thank you." she whispered. Ngumiti iyon sa kanya at saka umalis na din kalaunan.

"Eat well. Later we will go somewhere." She just answered with a nod. Mukhang bumabalik na naman sa dati ang pagiging cold nito. Nako! Nagiging impaktito na naman ang lalakeng ito! Anong nangyari? Kung may dumaan na anghel at pinabait siya kahit sandali nako malamang hahablutin niya ito at pananatiliin sa impaktong lalake ito na hindi mo mapapansin dahil napakagwapo nito. Gwapo nga kumag naman.

Nailagay na niya ang LD, Pierce at ang Dripe sa parte ng katawan niya. Nilagay niya din ang SIG niya. Sig ang tawag niya sa pistol gun niya. Ikinabit niya ito sa may bandang itaas na gilid ng hita niya. Para kung may mangyari lamang na masama may magagamit siya na panangga.

Hindi naman makikita ang Sig niya dahit nakasuot siya ng kulay itim na dress. Medyo palabas ang palda nito. Sa may bandang loob naman ay nakasuot siya ng partner na itim na sports bra at mini black cycling shorts. Inilugay niya ang kanyang buhok at ang kulot niya sa may bandang ibaba ay talagang nagbibigay ng tingkad sa gandang taglay niya.

Pagdating niya sa ibaba ay nakita niyang may tina-type si Clyde sa laptop nito. Nakasuot pa nga ito ng clear eyeglasses na siyang nagbibigay lalo ng tingkad sa kagwapuhang taglay nito. Mula sa kinatatayuan niya na sa may hagdanan ay kitang kita niya ang jawline nito na lalong naembosed. Ang ilong nito na talagang matangos at ang katawan nitong hindi gayon kabato sa may bandang braso pero bagay sa katawan nitong talagang hahabulin ng mga kababaihan. Hahabulin ng angkan ni eba!

"Nandyan ka na pala." sinarado agad nito ang laptop. Mukhang sa negosyo na naman ito. Ilang beses niya kasi nahuli ito kanina at ganoon na lamang palagi ang ginagawa nito.

"Ahm. Halika na? Mukhang tapos mo na ang ginagawa mo." sabi nita rito. Tumayo lamang si Clyde papunta sa kanya at saka kinuha ang kaliwa niyang kamay. May isiniksik ito sa loob ng kanyang palad. Sa bandang una ayaw niya pang tanggapin ang inilalagay nito kaso talagang pinilit siya nito na buksan ang palad niya. Bandang titingnan niya ang inilagay nito sa kanya kaso pinatungan ng kabilang kamay nito ang kamay niya na siyang naging dahilan kung bakit hindi niya ito makita.

"Don't look at it immediately. Mamaya. Just keep you hands close. Keep a grip on it and do not be intimidated of having that thing in your hands." paliwanag nito sa kanya. She just nod anyway and with her hands closed she went into the garage and there Clyde open the door for her.
Mukhang may nakain nga yatang kakaiba ang lalake na ito. Kanina lamang masungit tapos tumawa, naging cold tapos ngayon may pasurpersa pa sa kanya at pinagbuksan pa siya ng pinto ng sasakyan! Aba! Dapat iyon na lang palagi ang kinakain nito. Para palagi na lamang ito sweet kaso hindi naman magiging si Clyde ito kung hindi magiging masungit na siyang dinadaanan palagi ng buwanan.

BILLIONAIRE SERIES HAS FACEBOOK GROUP.
FOR MORE UPDATES, QUERIES YOU CAN POST IT THERE.
THANK YOU!

SINCERELY,
JUNGLEEHYOWOO06

Billionaire's Only Rule (One Lie one Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon