Chapter 22: Painless Shot

9.8K 208 1
                                    

Iba ang mundo niya sa ginagalawan nito. Iyon ang palaging pumapasok sa isipan niya. Clyde has everything in this world. Kumbaga, he is a billionaire who can buy all the things that he wanted. Lahat pwede. Unlike her.

Kahapon, nakausap na niya si Croux regarding sa sulat at kung paano nito nalaman na ang binabantayan niyang mga suspects ay ang magiging target mula sa pagsabog sa bar. Ito pala ang naka assign kay Winston Froućhe, ang mastermind sa mga naging mass shooting at mga pagsabog sa iba't-ibang bansa sa mundo.

Sa totoo lang, hindi naging maayos ang simula ng pag-uusap nila. Halos humantong pa nga sa awayan dahil sa ugaling mayroon ang lalakeng iyon kaso syempre mas nanaig pa naman ang kanyang kalooban na magpasalamat rito kaya naging maayos na kahit papaano ang turingan nila.

"What are you thinking?" pag-usisa nito sa kanya. Magkasama sila ngayon dahil pagmamatyagan nila si Winston. Isang mayaman na negosyante ito kaya halos lahat ng nasa larangan ng negosyo ay kilala nito at ngayon lang ay may i-mi-meet ito na negosyante.

"Be calm." bulong sa kanya ni Croux at saka biglang bumukas ang pintuan at pumasok roon ang negosyanteng pagkakatagpuin nito. Napatikom ang kamay niya at halos lalabas na dahil ang lalakeng pagkakatagpuin nito ay si Clyde.

"There is no use of being calm. Aalis na ako." aalis na sana siya ng pigilan siya nito.

"Halika nga rito." hinatak siya nito paupo muli at saka hinawakan ang magkabilang pisngi niya.

"Clyde has his reason. Tsaka, don't you think na makikipagkita si Winston sa isang tao na hindi naman ganoon kilala? To be honest, siya ang gumagawa ng hakbang para sa atin. Kaya umayos ka dyan at huwag mag inarte. Hindi naman bagay" hindi na niya masyado narinig ang huli nitong sinabi dahil medyo hininaan na nito.

"Ewan ko sa iyo at sa pinsan mong walang kwenta."
"Teka nga, maiba tayo. Ano ba ang problema mo sa kanya?"
"Wala ka na doon."
"Mukhang hindi naman ikaw ang tipo ng babae na hinahabol siya. Sabi mo nga, siya pa ang humahabol sa iyo." ngumisi pa ito sa kanya.

"Do I need to state the obvious?"
"Malay ko ba. Baka nga ang gusto mo sa kanya e anakan ka. Maganda pa naman ang genes naming mga Sanchez." Pagmamayabang nito. Napairap na lang siya.

"Malakas ang hangin. Nakakatangay." sarkasmong sagot niya. Grabe. Kung ang pinsan nito ang sumambot ng kagwapuhan at kasupladuhan, itong si Croux naman ang sinambot ng kahanginan. Nakakatangay sa lakas!

"Totoo naman ang sinasabi ko. Marami nga ang nagtatangkang magpaanak sa amin."
"Edi, magapply ka bilang baby maker. Panigurado, malaki ang kita mo."
"Masyadong mahal ang semilya ko." pagmamayabang nito sa kanya.
"Bakit? Gawa ba 'yan sa ginto? Makamahal ka naman. Pare-parehas lang naman ang nasa loob ng sandata niyong mga lalake." inirapan na niya ito at saka tiningnan si Winston at Clyde na nag-uusap.

"You have a filthy mouth."

"I know. Pero kung ikukumpara naman sa iyo mas malala pa nga ikaw. Kaya, tumigil ka na."

"No. I won't. You know what, halos sumisigaw pa nga ang mga kababaihan everytime I use my mouth especially my tongue."

Inisip niya sa sinabi nito. Halos nag-init ang mukha niya. Panigurado namumula siya ngayon. Ang bastos naman kasi ng sinabi ni Croux!

"Bastos!" pinagpapalo niya ito at tumawa lang naman si Croux.

"Why?" pagmamaang-maangan pa nito.

Halos buong durasyon na nakabantay sila kay Clyde at sa kausap nitong si Winston hindi niya mapigilang matuwa dahil na rin kay Croux. Nang matapos na mag usap sila Clyde, may narinig siyang code mula sa connecting LD na binigay sa kanya ni Croux.

Code White

Halos tumakbo sila at sa bawat segundong lumilipas naririnig niya ang mga putok ng baril. Pumunta siya sa may likod ng isang pader at saka niya kinuha ang dalawang baril na dala niya. Kinasahan niya iyon at saka niya sinuot ang Eyesight. Sumilip siya ng konti at halos manlaki ang kanyang mata. Muntikan na siya. Lumuhod siya ng konti at saka sumilip at mabilis na nagpaputok.

Kulang-kulang walong tao ang nakikita niya na malapit sa kanya. Halos lahat ng walong iyon siya ang puntirya. Hindi na siya magtataka. That was Code White means, extreme danger. Naiinis siya. Ano ba naman kasing pag-uusap ang ginawa ni Clyde para mahalata siya ni Winston. Nakakainis. Now that he knew, their lives is in great danger. Thanks to Clyde and his failing meeting.

Sunod-sunod ang pagpapaputok niya hanggang sa nalalagasan na ang walo at naging tatlo na lamang. Lalagyan na sana niya ng magazine ang baril niya dahil naubusan na siya ng bala ng biglang may sigaw siyang narinig.

"Paula." binaling niya ang direksyon kung saan nanggaling ang sigaw at ganoon na lamang ng makita niya si Clyde na hawak-hawak ang tagilirang may tama habang patuloy pa rin sa pagpapaputok.

Mabilis niyang nilagyan ng magazine ang baril at kinasa. Pinaputukan niya ang tatlo kaagad at saka niya tinulungan si Clyde sa halos labing limang lalake na may baril. May mga napatumba na ito pero ang dami pa rin. Patuloy lang siya sa pagbaril hanggang sa bigla na lamang tumumba si Clyde dahil na rin sa dami ng tama nito. Ang suot nitong kulay puti na shirt na may coat ay tila kulay pula na. Nangingilid ang mga luha niya pero hindi niya alintana iyon dahil ang nasa isip lamang niya ay madispatsa na ang mga taong bumabaril sa kanila.

May mga natamong tama siya sa balikat at sa braso pero hindi katulad ng kay Clyde na halos sa tagiliran at dibdib. Ang isa pa nga roon ay fatal shot. Nang isa na lamang ang natitira na kalaban babarilin na sana niya iyon kaso nakita niya si Clyde na itinaas ang kamay at mabilis itong pinaputukan ng sunod-sunod.

Bang

Bang

Bang

Bang

Mabilis siyang tumakbo papunta kay Clyde at saka niya tinawag si Croux na siyang napatigil sa paglalakad dahil sa nakita nito. Kitang-kita niya ang bakas ng takot sa mata nito na siyang katulad rin sa kanya.

Umubo-ubo si Clyde na siyang lalong ikinatakot niya dahil puro dugo iyon.

"Clyde! Ano ba! Wag kang pipikit. Dadalhin ka namin sa ospital." naiiyak na sigaw niya rito.

"Croux! Dalhin natin siya sa ospital! Croux!"

Binuhat nito ang duguang katawan ni Clyde. Itinakbo nito sa loob ng sasakyan. Siya na ang nagdrive at talagang binilisan niya.

"Clyde! I hate you!"
"I... Love you.. Pa-paula." mahinang sabi ni Clyde na tila ay parang pipikit.

"Huwag ka na magsalita kang kupal ka! Galit ako sa iyo pero hindi ngayon pwede. Nag aalala ako sa iyo."

Nakita niya mula sa front mirror na ngumiti ito ng matipid. Kung meron lang sigurong enforcer nang oras na iyon panigurado huli siya dahil sa overspeeding. Halos 150 kmph na ang patakbo niya pero hanggang ngayon wala pa rin siyang nakikitang ospital.

"Ego Semper Amabo Te" iyon na lamang ang narinig niya at saka ito pumikit.

"NO!" Sigaw niya at saka tinapakan ang preno. Sa wakas nakarating na sila sa ospital.

"Clyde... No."

Billionaire's Only Rule (One Lie one Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon