Chapter 7: Her Black Past

13.5K 275 7
                                    

Nasa cafeteria sila ngayon ni Clyde. Iyon yung cafeteria kung saan siya naghintay noon para gawin ang plano niya. Speaking of, yung plano niya na magkaamnesia, itutuloy niya iyon kahit na magalit ito sa kanya. Iyon lang naman ang solusyon upang mabantayan niya ito. Pero yung pagiging girlfriend nito, nagdadalawang isip na siya kung itutuloy pa ba niya o hindi.

"Mukhang malalim ata ang iniisip mo."

Napatingin siya kay Clyde at nakangiti iyon sa kanya. Ngumiti siya ng tipid para ipakita na ayos lang siya. "Ayos lang ako."

Unti-unti ng nagbabago ang pakikitungo nito sa kanya. Isang linggo na ang nakaraan nung huli siyang nakipagsagupaan doon sa mga lintik na magco-corner sa kanila sa may toll gate. Yung sugat niya sa may balikat maayos na din at tuwing naliligo nga siya at nagsasabon naaalala niya ang nangyari. Nag-iwan kasi ito ng maliit na pilat sa balat niya.

"Paula..."
"I am Clyde. Ayos lang ako. Naalala ko lang yung panahon na bata ako at naglalaro ng duyan at see saw. Iyon lang. Promise." Pagdadahilan niya rito. Medyo naalala niya nga rin yung panahon kung saan masaya silang naglalaro ni Clyde at ng iba pa niyang kalaro. Masayang-masaya ang kabataan niya kaso biglang naging bangungot na lamang ang lahat sa isang iglap.

"Childhood memories. Tell me about it."

Hinawakan niya ang dulo ng straw na kanyang iniinom at saka inikot ito. Tumingin siya rito at saka siya muli tumingin sa mata ni Clyde.

"Konti lang ang naaalala ko. But I will try. Ayos lang ba iyon sa iyo?" Ngumiti siya ng tipid rito at nakita niya na ngumiti ito pabalik sa kanya tapos ay hinaplos nito ang kanang pisngi niya gamit ang kamay nito. It is indeed intoxicating and very sensual that she need to shut her eyes slowly.

"Ayos lang iyon Paula. Ayos lang." Clyde said in a husky voice and sexy tune. Binabaliw talaga siya ng binata. To the point that she close her eyes and feel that electrifying feeling in hers.

"Okay. My childhood, I can say that it was one of the happiest day in my lifetime. Meron ako naging kaibigan. Palagi niya akong pinapasaya. Naalala ko nga yung time na halos mapaiyak ako kakatawa dahil sa nahulog siya sa duyan. Ang epic nun! Talagang tumalbog siya. Alam mo yung bola ng basketball kapag nahuhulog? Ganun!" Sinayahan niya ang tono ng pananalita niya. Natutuwa siya dahil naalala nga niya ang pangyayari na iyon.

"What did you laugh at him?" tanong nito sa kanya. May kutob siya na may hinala na ito kaya gagawin na niya ang plan b niya. Ang plan b niya ay ang pagiiba ng topic at ipupunta niya iyon kay Clyde. Papabayaan niya na magkwento ito sa kanya. Bukod pa roon ay aakto siyang nahihilo para makauwi na sila at tuluyan ng maiba ang nasa isipan nito.

"I do not know the reason. Hindi.. Hindi ko maalala. Ah!" and the acting session begins. Hinawakan niya ang magkabilang gilid ng noo niya at saka siya pumikit-pikit. Pinakunot niya ang noo niya para magmukhang masakit iyon at mukha namang epektibo dahil nakita niya sa mga mata nito ang pag aalala. Tumayo pa nga ito at saka pumunta sa tabi niya. Minasahe nito ang noo niya. May diin ang bawat pagdiin nito kung kaya nasasarapan siya. Kaso, mapanganib iyon. Baka kasi makita nito ang LD na suot niya. Nasa may bandang loob ito ng tenga niya. Mas maliit na LD ang suot niya ngayon. Improved and updated version na nga daw ito sabi ni Drew sa kanya nung nagpunta muli siya sa headquarters.

"Kaya mo pa?" tanong nito sa kanya. Umiiling siya bilang sagot. Ayaw niyang ibuka ang bibig niya kasi baka hindi lamang normal na salita ang lumabas kundi pati na ungol! Ang sarap nitong magmasahe. Nadadala nga siya.

"The cheque please." sabi nito sa waitress at saka ito dali-daling tumungo sa counter. Ibinigay nito ang cheque sa kasama niya na ngayon ay minamamasahe pa rin ang kanyang ulo.

"Handle it Paula. Bear it at this moment.''

Buhat-buhat siyang ipinasok ni Clyde sa sasakyan. Mabilis nitong ipinaharurot ang sasakyan papunta sa ospital. Nagsisigaw pa nga ito pagkarating nila roon at saka siya inasikaso. Nang makapasok na siya sa may emergency room ay agad niyang kinausap si Drake tungkol sa plano niya.

"Please Drew! I need you to help me. Mabibisto tayo nito e."
"Paula Joice Matiag! Ano na naman ba ang balak mo?" tanong sa kanya ng isang pamilyar na boses. Shit! Si GB.
"GB! Code Red!''
"Tumigil ka nga dyan. Anong code red! Problema mo 'yan. Pakiusapan mo ang doktor sa abot ng makakaya mo."
"GB naman e! Dali na."
"Paula. Ikaw ang gumawa ng sarili mong problema. Nako! Umiiral na naman 'yang pagiging troublemaker mo e. Akitin mo!"
"GB! Anong akit naman? Gusto mong magtwinkle eyes ako?"
"Hindi. Magtwerk ka! Haha."
"Langya! Kita mong di naman ako kasexy gawa ng pwetan ko e. Lahat napunta sa unahan." pangiinis niya rito. Mas malaki kasi ang hinaharap niya kumpara sa kapatid. Pero mas malaki naman ang pwetan nito kaysa sa kanya. Bale, magkabaligtad sila. Kung ang kapatid niya ay malaki ang pwetan at hindi gaano kalakihan ang hinaharap, siya naman ay malaki ang hinaharap at hindi gaano kalakihan ang pwetan.
"Nang iinis ka a!Bahala ka dyan!"
"Gabrielle Beverly naman!"
Narinig niyang tumikhim ito at saka napa-oo. Shoot! Kailangan niyang bumawi rito.
"Merci GB! Arigatou gozaimas."
"Oo na! Ano pang trip mong lengwahe ang gagawin mo?" may inis na sagot na ito sa kanya. Yung kapatid talaga niyang iyon ang daling mainis pero kahit ganoon ay masaya siya dahil naging kapatid niya iyon. Sa oras kasi na nangangailangan siya ng tulong, tinutulungan siya nito. Tsaka, simula noong namatay ang kanilang mga magulang ay ito na ang tumayo upang maging bantay at tagapagalaga niya and she is very proud of her.

"Wala naman. Thank you ate."

Naging maayos ang nangyari sa ospital. Tinulungan siya ng kapatid niya na makalusot sa gusot na ginawa niya. Nasa bahay na sila at binabantayan siya ni Clyde. Hinahaplos pa nga nito ang buhok niya habang ang ulo niya ay nakapatong sa binti nito. Ibang-iba na talaga ang lalakeng ito. Nagiging mabait na ito sa kanya at nahihirapan siyang pigilan ang sarili na mahulog rito. She is definitely falling for him.

"Natakot ako kanina. I thought you would leave me."
"Clyde. Walang namamatay sa sakit ng ulo dahil nakakaalala siya."
"Nakakaalala ka na?" Tumango siya at saka nakita niya ang pagkislap ng mata nito. Idagdag mo pa ang ngiti nitong napakatamis.
"What happened from your life back then?"
"Misery."

Iyon naman talaga ang totoo. Her life was full of misery and hardships. Lalo na noong nasaksihan niyang pinatay sa harapan niya ang kanyang ina. Samantala ang kanyang ama naman ay naliligo na sa sarili nitong dugo. Nakahiga ito sa sahig habang may hawak na baril at nakatutok iyon sa kalaban nila. Nang ipuputok na nito ang baril ay narinig niyang sunod-sunod na putok at tama papunta sa lupasay na katawan ng kanyang ama. Halos maubusan siya ng tinig kakasigaw sa pangalan ng kanyang ama na mabuhay ito kaso walang nangyari. Namatay parin ito.

Ang kanyang ina naman ay giniitan sa leeg. Binalatan pa nga ang pisngi nito at madaming tumutulong dugo mula rito. Magkasamang luha at dugo ang umaagos papuntang sahig at sa isang putok na hindi niya alam kung saan nanggaling ay tinamaan ang sintido nito at tuluyan ng bumagsak. Ang buong akala niya ay papatayin na rin sila ng kanyang kapatid na si GB kaso biglang dumating ang kuya niyang si Patrick Rake ang nakakatanda sa kanilang tatlo. Iniligtas sila nito mula sa mga kaaway nila kaso ng bigla na lamang ito bumagsak sa sahig habang sabay silang tatlong tumatakbo. There they bid goodbye to him. Wala na ito. Ligtas silang nakatakas kaso ang kapalit nito ang buhay ng tatlong taong importante sa kanya. Ang mga magulang niya at ang kanyang kuya.

BILLIONAIRE SERIES HAS FACEBOOK GROUP.
FOR MORE UPDATES, QUERIES YOU CAN POST IT THERE.
THANK YOU!

SINCERELY,
JUNGLEEHYOWOO06

Billionaire's Only Rule (One Lie one Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon