Chapter 19: Investigation

9.6K 218 8
                                    

Sinalpak niya ang USB na binigay sa kanya ni Bryan kanina at katulad nga ng sinasabi nito ay naroroon ang data tungkol sa kanya.

Name: Paula Joice Matiag y' Perez
Sex: F
Age: 25
Birthday: November 6
Height: 5"7
Weight: 48 kilos
Parents: Sebastian Cyan Matiag
Paulina Elize Lyrre Matiag
Current Work: Elite Agent in GKO

Pinagpatuloy niya lang ang pagbabasa at halos mapamura na lamang siya. Saan kaya halos nakuha nito ang data niya? Hindi naman kasi kapanipaniwala na sa airways lang nito nakuha iyon. Malabo. Napaka....

"Paula!'' bati sa kanya ni Drew. Lumapit sa kanya ito at saka tiningnan. Pinabayaan niya na tingnan nito ang nakikita niya.

''What's with the data all about? Paano 'yan napapunta sa iyo? Diba na kay GB iyan dapat?"

Humarap siya rito at saka niya sinagot ang mga katanungan nito.

"Drake, alam na ni Clyde kung sino ako." madiin niyang sabi rito. Nakita niya na kumunot ang noo nito. Mukhang hindi nito naintindihan ang sinabi niya.

"Yes. He knows you. Hindi ba nagpakilala ka sa kanya." Napamura na lamang siya sa sinabi nito. Hindi nga talaga naintindihan ang sinabi niya.

"Drake naman e!" ngumisi ito sa kanya at saka tinapik ang balikat niya.

"I got it. Iniinis lang kita. What's the big deal kung ano ang malaman niya? Hindi na naman kayo nagkikita."
"Yeah right.'' napairap na lamang siya. Kainis.

"By the way, may kilala ka bang Agent CxS? Siya kasi ang tumulong sa akin. Nakalimutan ko lang sa iyo sabihin."

Hinawakan nito ang baba at saka umaktong nag-iisip.

"Parang narinig ko na iyan noon. Hmm. Titingnan ko sa database mamaya. ''

Tinaasan niya ito ng kilay at saka siya bumewang.
"Seriously Drake? GB keep it. Hindi mo ma-aaccess iyon."
"Kaya 'yan. Ako pa. Maayos na kaya kami nun.'' pagmamayabang nito sa kanya.
"Sabi mo e. Bahala ka na nga dyan.'' Iniwanan niya ito sa loob ng kwarto at saka naman siya pumunta sa investigation room.

Habang papunta siya roon hindi talaga mawala sa isipan niya ang letter na natanggap niya sa isang agent. That person save her from the fury of tremendous fire. Kung hindi siguro ito sumulat ay malamang ay natupok na siya sa loob ng bar. Gusto niyang makilala kung sino iyon.

Pagpasok niya sa kwarto ay bumungad sa kanya si Roffer na tila naghain ng pagkain sa dalawang tao na siyang tinuturing na suspects pero sa ngayon hindi ito pwede maturing na suspect kundi ay target.

"Nag abala ka pa para sa kanila.'' sabi niya rito habang nakapamewang ang isa nitong kamay. Humarap sa kanya si Roffer at saka ito lumapit sa kanya at inialok ang juice na sobra para sa dalawa.

"It is nice to entertain our guests."
"Do they look guests to you?" mapanguyam niyang sabi. Ngumiti lang ito sa kanya at saka muli inialok ang inumin.
"Here."
Tiningnan niya pa muna ito at saka inirapan. Wala na siyang nagawa kundi tanggapin ang inaalok nitong inumin. Humigop siya ng konti at saka niya ito tiningnan muli.

"Why are you here?" tanong niya rito.
"To fascinate them. Tsaka, make them feel like home."
"Ewan ko sa iyo Kyrt."Natatawang sabi niya. Ngumiti ito sa kanya at saka lumapit. Napatigil siya dahil sa sinabi niya. No... No...

"I miss you calling me Kyrt, Joice." bulong nito sa kanya at saka umalis. It is a mistake. Hindi niya inaasahan na tatawagin niya muli ito sa pangalan na iyon. Kyrt ang tawag niya rito noong boyfriend niya ito. Siya naman, Joice. Minsan nga kapag magkasama sila KJ ang tawag para isang bagsakan na lang. Natatawa na lamang sila roon pero nakaraan na iyon. Hindi na pwede.

Sinawalang bahala na lamang niya iyon at saka lumapit sa dalawa na ngayon ay nakatingin ng masama sa kanya.

"I am Agent Paige. I am the one who rescued you two from the trap."

Hinila niya ang katapat na upuan ng dalawa. Si Timothy ay nakangisi sa kanya samantala si Bernadette naman ay tila naaasiwaan sa presensya niya. Pwes kung ito ay naasiwa sa kanya mas matindi naman siya. Kung hindi lamang sila ang target ng pagsabog hindi niya iyon sasagipin.

"I love your lips into mine." mahinang sabi ni Timothy. Tinaasan niya ito ng kilay at saka ngumisi.

"Really?"
"Yes. In fact, I want to taste it again."

Napaikot na lamang siya ng mata. Talaga pa lang babaero ang lalake na ito e. Parang kahapon lang may kasama at kalandian ito ngayon naman siya ang lalandiin.

"You can have some."sarkasmong sabi niya.
"Good." masayang sabi nito. Inilagay na niya ang kanyang kamay sa may hita niya na siyang katapat lamang ng baril niya. Tumayo ito at akmang lalapit sa kanya kaya hinila niya kaagad ang baril niya at itinapat sa noo nito.

"The heck."mura nito na siyang ikinangiti niya.
"But not at me." ngumisi siya pagkatapos. Tuwang-tuwa siya na inis na inis si Timothy. Walang taong babangga sa kanya kundi makakatkim sa kanya ng bala.

"Any ways, nandito ako para tanungin kayo. We already knew that both of you are the suspects behind the assault of Mr Trinidad Parvo. Actually, I was there last night to put both of you in jail but what happened was a surprise. Someone wanted both of you to perish. Mukhang may nalalaman pa kayo bukod pa roon, hindi ba?"

Iyon ang konklusyon niya. Marahil gustong patayin ang dalawa dahil marami itong nalalaman na maaaring makapagturo kung sino ang pinaka mastermind. Karaniwan kasi na dinidispatsya na lamang ng isang mataas na pinuno ang mga subordinates niya o kaya tawaging galamay. Sa oras na pumalya ay pinapatay kaagad ito ang kaso nga lang base sa pag-iimbestiga niya, talagang assault lang at walang murder na magaganap ayon kay Drake na siyang nagtanong sa dalawang sinagip niya.

"No. Wala." natatarantang sabi ni Bernadette. Tinaasan niya ito ng kilay na lalong nagpatindi sa pagtaranta nito.

"Really?"
"Winston." sabi ni Timothy. Binalingan niya ito at binigyan ng nagtatanong na mukha.

"Who is he?"
"He wanted us to perish. Siya ang mastermind."
"Timmy!"pigil ni Bernadette pero hindi siya pinansin nito.
"Saan siya naglalago?"
"Sasabihin ko pero isang halik."
"Gusto mo halik ng bala? Umayos ka."gigil na sabi niya rito.
"639426''

Tumayo siya at saka umalis. That was a code. Alam niya 'yon. Kung hindi man nito sasabihin ng direkta ang sagot na hinahanap niya, pwes babasagin niya ang code na iyon.

Kinabukasan ay nagpabook siya ng flight papuntang Mexico. Nabasag niya kagabi ang code na binigay sa kanya ni Timothy at ngayon ay ang kailangan niya na lang malaman ay kung sino ang agent na tumulong sa kanya. Pumunta siya kay Drew na ngayon ay nakikipag-usap kay Dane na isang agent rin na nasa experiment field at ang eye ni Roffer.

"Drew.''
'Why?"
''Agent CxS"
"Oh. Teka kunin ko lang."

Tumayo ito at saka may kinuhang folder na nasa mesa katabi ang iba pang folders na ang alam niya ay para sa ginagawang experiment nito.

"Here. Agent CxS is a guy by the way. Kaedaran mo lang. A photographer and model."
Binuksan niya ang folder at iyon nga ang nakita niya but walang picture.

"Anong itsura niya?"
"Hindi ko macrack ang firewall para makita ang picture niya pero isa lang ang masasabi ko, magaling siya para sa isang field and experiment department."

Billionaire's Only Rule (One Lie one Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon