Chapter 29: Do She?

8.1K 157 1
                                    

Kanina pa siya duwal ng duwal at isang salita ang pumupuno sa kanyang isipan. Buntis. Hindi pa naman siya sigurado kung buntis nga ba talaga siya pero ang lakas talaga ng suspetya niya na buntis siya. Kailan nga ba nung huli siyang dinatnan? 30th pa yun noong nakaraang buwan kaso ngayong 30 ng buwan, wala. Hindi talaga siya dinatnan. Nababahala tuloy siya.

"Paula... Ayos ka lang ba?" tanong sa kanya ni Clyde na nasa likod lamang ng pinto. Ni-lock niya ang pinto para hindi ito makapasok. Ayaw naman niya na makita siya sa ganoong sitwasyon dahil mag aalala lamang ito sa kanya. Ayaw naman niya ng ganoon.

"Oo. Ayos lang ako."sabi niya rito at saka nagmumog.

"Sige, ihahanda ko lang ang breakfast natin. Bumaba ka na lamang."
"Sige."

Narinig niya na isinara na nito ang pinto ng kwarto nila at ito na naman siya, nagsuka muli. Wala namang nalabas na pagkain o kung ano man. It is just plain saliva.

Naghilamos siya pagkatapos at saka niya tiningnan ang itsura sa salamin. Medyo halata na may iniinda siyang sakit. Idagdag mo pa na lalong naging maputla ang kanyang balat kaysa rati. Pero kahit ganoon, halata ang kakaibang kintab na makikita sa kanyang mata. She is happy and in pain. Nakakatawa pakinggan dahil nagmumukhang may tama siya sa utak pero iyon naman talaga.

Dalawqng buwan na rin ang lumipas ng umuwi sila galing Mexico. Halos napaginitan na nga niya ang trainees at isumpa siya dahil sa pinaggagawa niya pero alam niya na in the end of the day, may matututunan ang mga ito. Mas magiging magaling sila kaysa rati.

Nanirahan sila sa penthouse ng Fifth Avenue. Pansamantala lang naman habang inaayos nila ang kasal nila. Naayos na nila ang mga simbahan, pagkain at flowers para sa kasal. Gowns na lamang at ayos na ang lahat. Magiging asawa na rin siya ni Clyde. Malapit na.

Pagkarating niya sa baba ay nakahanda na ang pagkain. Clyde never fails her to be happy and contented. Kay Clyde niya lang naramdaman na napakaimportante niya. Alam niya na pinagiisipan na nito na huwag na siyang magpatuloy sa pagtanggap ng assignments ng agency kaso hindi nito sinasabi sa kanya. Maaari kasing magmukhang nanghihimasok at nandidikta na ito sa kanya. Alam naman nito na ayaw niya ng ganoon.

"Wow!"

Nakita niya na may nakahandang belgian waffles, orange juice at saka may cream of mushroom soup pa na talagang gustong-gusto niya. Specialty ng nanay niya ang cream of mushroon at sana masarap nga ang luto ni Clyde. Sana. Pero kahit hindi naman masarap kakainin parin niya. Pinag effortan ito ni Clyde.

"I hope you like it. Kain ka muna" hinalikan siya nito sa noo at nakahawak naman ang kamay nito sa balikat niya."Shower lang ako."

"Okay. Papasok ka ba ngayon sa company mo?" tanong niya rito.

"Yes. Baka mamaya kung ano-ano na ang ginagawa ng tropa ko roon. Mawalan pa tayo ng kita."natatawang sabi nito sa kanya. Kumindat pa.

Hindi niya napigilang hindi mamula ang mukha. Poker face nga lang ni Clyde gwapo na. Ngumiti, mas gwapo pero kumindat? Aba, pinakagwapo.

"Hindi naman siguro sila ganoon."

Clyde just chuckle at her and then immediately hug her.

"Sama ka sa akin." tmmesyo pautos ito pero alam naman niya na hindi ito i-uutos ni Clyde sa kanya. May tiwala siya rito.

"Sure."

Hinalikan muli siya ni Clyde bago ito tumaas para maligo. Kumain muna siya at parang dinaanan ng bagyo ang mga pinggan. Naubos niya kasi lahat. Iniayos na lamang niya at saka niya hinugasan. Tapos mabilis lang naman na naligo siya at saka nag ayos. Pagbaba nga niya nakita niya si Clyde na nakasuot na ng suit and tie. Nakangiti ito sa kanya at saka niya ito niyakap.

Billionaire's Only Rule (One Lie one Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon