Chapter 5: The Childhood Friend

13.8K 318 6
                                    

Nakauwi naman sila ng matiwasay sa mansion. Walang gasgas sa kotse pero medyo nadaplisan siya sa may bandang balikat pero hindi naman ganoon kalalim. Si Clyde, ayun tulog pa rin. Panigurado ay bukas pa ng umaga ang gising nito at kapag nagising ito alam niyang masakit ang ulo nito at magtatanong sa nangyari. Ganoon kasi ang epekto ng Faint away at masasabi niya iyon dahil naranasan niya ang epekto nito dahil kay Tristan.

Binuksan niya ang pinto ng sasakyan at saka niya inakay palabas si Clyde. Kahit nakapikit ang mata nito ang gwapo pa rin. Tiningnan niya ng malapitan ang lalake at saka hinawakan ang pisngi nito. Kapag gising ito tiyak hindi niya iyon magagawa. Napakasungit pa nito sa kanya kaya hindi niya iyon magawa tapos paiba-iba pa ng mood! Para talagang may dalaw e! Baka nga mas malala pa ito sa babae! Nakakaloka!

Habang hawak niya ang pisngi nito inilapit niya ang mukha niya sa mukha nito kaya medyo naaamoy niya ito. Aba! Ang bango! Ano bang meron sa amoy nito at nakakaloko at nakakabaliw? Gustong-gusto niya ang amoy nito. Pakiramdam niya kasi malaya siya at masaya. Oo, iyon ang nararamdaman niya. Nakakapanindig ng balahibo pero mukhang nagugustuhan niya ito. Hindi naman kasi mahirap mahalin ang mga lalakeng katulad ni Clyde.

Isa pa, yung mga katulad nito ang hinahanap hanap niya. Mabango, gwapo, masungit pero nandoon ang pagiging caring at higit sa lahat, totoo. Naniniwala kasi siya na kung sino ang mga taong mahirap pakisamahan nung una ay siyang mga tao na nagpapakatotoo. Pinapakita na kaagad nila ang katauhan nilang tinatago ng iba. Kumbaga, inilalabas na nila ang baho nila sa katawan.

Nang makarating na sila sa main door ay inakay niya ito sa may hagdan. Mabigat ang impaktitong ito. Grabe! Ano ba ang meron dito? Bukod sa abs nitong medyo nakasilip na tapos ang dibdib nito na medyo nakikita na niya. Idagdag mo pa ang mamuscle-muscle na katawan nito. Aba! May hahanapin ka pa bang iba? Panalo ka na rito. Mabango na. May itsura na. May katawan pa. Bonus na ang pagiging mayaman nito. Bongga talaga!

"I-ce" narinig niyang bulong nito. Mukhang nananaginip siya pero sino si Ice? Isinawalang bahala na lang niya ang sinabi nito kahit medyo nataranta siya. May kababata kasi siya na ang tawag sa kanya ay Ice. Pero baka iba ang taong iyon. Lampa iyon at mataba kaya malabong maging si Clyde ang kababata niya na iyon. Imposible!

"Pati ba naman sa pagtulog may binabanggit ka. Mainit ba? Gusto mo ng yelo?"

Para talaga siyang baliw. Bakit niya kinakausap ang tulog? Mukhang nawawala na siya sa huwisyo. Letse naman! Dinamay pa siya.

"Tapos ngayon hindi ka sasagot. Sige! Ganyan ka na lang! Mas maganda na hindi ka na lang magsalita. Dapat palagi ka na lang tahimik. Nagiging payapa ang daigdig. Haha!"

Nang makalampas na sila sa may hagdanan ay tinapik niya sa pisngi ang lalake. Hindi niya kasi alam kung anong kwarto ito. Bago pa lamang siya sa bahay nito hindi pa niya masyado naiikot dahil nga may pinagkaabalahan siya tapos dinamay pa siya sa pesteng convention na dapat ay dadaluhan nila.

"Clyde." tawag niya rito kaso hindi pa rin ito sumasagot. Great! Ang galing talaga. Pangalawa na iyan. Bakit niya nga ulit kakausapin ang lalakeng ayaw naman sumagot? Hindi na naman natuto. Kinutosan niya ang sarili niya at saka siya nagsalita sa may LD niya.

"Drew."
"Oh?"
"Saan ang kwarto nito?"
"Third door at your right."
"Thanks."

Wala na siyang narinig na sagot mula rito. Casual lang ang usap nila. Medyo maayos na din sila kahit na sinungitan niya ito noong gusto niyang i-hack ang security cameras ng kwartong tinutulugan niya. Maayos na sila pero sana bumalik na ulit sila sa dati. Makulit talaga siya. Pasaway pero mabait naman kaya dapat iniintindi siya nito. Mukhang hindi rin ito natuto sa kanya.

Inakay niya si Clyde papunta sa kwarto na binangit ni Drew. Pagbukas pa lamang ng pinto ay kadiliman ang bumati sa kanya. Binuhay niya ang ilaw sa pamamagitan ng switch na nasa gilid ng pinto. Nang bumukas na ang ilaw ay dali-dali niya itong inakay papunta sa kama nito. Inuna niyang ilapat ang pwetan nito at saka ang likod. Hindi gayon kaayos niyang nilagay ang lalake pero sapat na iyon para masabi niyang nakahiga nga ito.

Inilibot niya ang kanyang paningin sa kwarto. Kulay puti ang pintura tapos may itim na linings sa ibaba. Kulay beige na kurtina tapos may ilang libro siyang nakita sa shelves nito. Tatlong shelf ang naroroon. Sa unang shelf matatagpuan ang ilang libro na may kinaalaman sa forensic sciences tapos meron ring law books na malalaki at makakapal. Sa pangalawang shelf naman ay naroroon ang ilang folders. Panigurado ito yung mga cases na nasa CS Security Agency. May tatlong Parker pen na nakalagay sa may silver glass at saka may ilang notebooks. Sa pangatlong shelf naman may gadgets siyang nakita. Katulad ng Laser beam at Transmitter. Hindi puno ang pangatlong shelf katulad ng dalawang nauna. Inilibot niya pa ang kanyang paningin hanggang sa may nakita siyang apat na portraits sa ibabaw ng table nito.

Sa unang portrait, litrato ni Clyde na nakasuot ng blue tuxedo na may kulay itim na neck tie. Sa pangalawa naman nakita niya ang limang kalalakihan. Nasa pangalawa mula sa kanan nakatayo si Clyde. May mga itsura ang mga ito at yung isa sa may bandang kaliwa ay parang yung kaibigan nito na si Bryan, yung babaerong 'yon. Sa pangatlo naman ay may dalawang bata na nasa litrato. May nakalagay na lollipop doon sa babae tapos nakangiti ito ng malaki. Samantala, yung lalake naman halos nakadantay na ang ulo nito sa balikat ng babae. May katabaan ito pero ang cute. Aba! Para-paraan nga naman o.

Napailing na lamang siya at saka tumingin kay Clyde.
"Grabe ka pala ano? Bata ka pa lamang dumidiskarte ka na. Galing! Hokage!"

Pinagpatuloy niya ang pangtingin sa mga litrato. Sa pangapat naman kasama nito ang mga magulang nito. Hindi siya magtataka kung bakit ganitong kagwapo at katikas ang lalake. Nagmana kasi ito sa ama. Halos magkamukha nga ito. Carbon copy. Sa pang-limang portrait, isang puno ang nakalagay sa litrato. May ukit ditong mga letra sa gitna ng isang heart. C 💗 P. Napangisi na lamang siya roon at saka lumapit sa kama. Umupo siya sa gilid nito, pinagmasdan at saka niya sinuklay ang buhok nito. Napakalambot nito at hindi gaayong kahabaan. Sapat lang at bagay na bagay.

"Ikaw pala iyon. Ang laki ng pinagbago mo. Dati, mataba ka, ngayon ang macho mo na. Lampa ka pa nga noon e pero ngayon ikaw na ang nagmamay-ari ng isa sa mga kilalang security agency sa Asia. Ibang-iba ka na talaga Clydie. Ibang-iba na. Pero kahit lahat nagbago sa iyo, hindi pa rin magbabago na ako ang poprotekta sa iyo. I am willing to fire a thousand bullets for your safety. I will always be your guardian angel, your best of friend and your personal guard. I will always be here for you know."

Kinuha niya ang antidote para sa Faint Away. Inilagay niya iyon sa kanyang bibig. Inipit niya ito gamit ang mga ngipin niya at saka siya lumapit sa mukha nito. Binuka niya ng konti ang mga labi nito at saka niya inilagay ang antidote sa loob. Nagtama ang mga labi nila dahil kailangan sa loob talaga ito lumaglag.
Nakalapat parin ang mga labi niya sa labi nito. Nakapikit pa nga ang kanyang mga mata at tila ramdam na ramdam niya ang malambot na labi nito. Tatanggalin na niya ang labi niya mula rito ng bigla siyang hapitin palapit sa mukha nito.

Nataranta siya kaya inilalayo niya ang mukha niya rito kaso biglang gumalaw ang mga labi nito. Mapusok pero napakasarap. Hindi na nga niya mapigilang hindi tumugon sa halik nito.

"Ohhh" ungol niya. Lumalalim kasi ang halikan nila. Yung mga dila nila halos nage-eskrimihan sa loob at saka yung mainit na pakiramdam ng katawan ni Clyde, nakakabaliw talaga.
Hindi niya alam kung hanggang saan aabot ang halikan nila. Maaring humantong sa pagpasok nito sa kanya pero umaasa siya na sana hindi muna. H'wag sana talaga ngayon kasi panigurado hindi nito maaalala. Aba! Dapat kung gagawin nila iyon nasa katinuan sila. Ang hirap kaya 'nung hindi mo maaalala ang nangyari.

BILLIONAIRE SERIES HAS FACEBOOK GROUP.
FOR MORE UPDATES, QUERIES YOU CAN POST IT THERE.
THANK YOU!

SINCERELY,
JUNGLEEHYOWOO06

Billionaire's Only Rule (One Lie one Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon