Stanza 25
Christmas came and we all had to prepare.
"Guys! Company call!" tawag ng dad ko. Lahat nagsilapitan sa kanya at nakinig. Andito kami ngayon sa sala ng mansion.
"Today is Dec.24 at kailangan natin maghanda. Pero bago ang lahat, may darating na isa pang pamilya." sabi niya.
"Sino dad?" tanong ni ate Axie.
"Ang mga Asama." sagot niya.
Napansin kong nagiba ang expression ni ate Axie, pati na rin si Aris at ate Lyza. Si Loisa at maging si Brianna.. Ayaw ba nilang andito ang mga Asama? Si Brianna... ayaw ba niyang andito ang family niya?
"Okay guys. So yun lang. Back to preparations." sabi ng dad ni Melissa.
Nagsibalikan na kaming lahat sa trabaho. Assigned ako sa arrangement ng mansion kasama ang mga lalaki. Si Melissa naman assigned sa decorations kasama ang mga babae. At dahil doon, connected ang trabaho namin. Inuna namin ang loob ng bahay dahil retouches na lang ang kailangan sa labas. So yes... Nagrearrange kami ng postions ng furniturese at sila Melissa naman nagde-decorate ng walls and ceilings.
"Bakit pa pupunta sila dad dito? Sheeesh!" rinig kong satsat ni Bree.
"Ayaw mo ba?" tanong ni ate Axie sa kanya. Hey I'm not eavesdropping. Sadyang naririnig ko lang talaga sila.
"Baka kasi may ibang masabi si daddy na ayaw kong marinig ninyo especially now na pasko." Bree.
"Eh ano pala yun?" Ate Axie.
"Huwag mong ipagsasabi ha?" Bree. Medyo humina ang boses ni Brianna pero naririnig ko pa rin dahil nakafocus ako sa kanila.
"Ikakasal si Ariel kay Lianna for business." Natigilan ako sa narinig ko.
"ANOOO—" Ate Axie.
"Sssshhh... Huwag kang maging hysterical ngayon baka magtaka sila." Bree.
"ARIEL!" tawag ni Dominic. Hindi ko napansing tulala na pala ako. Umiling ako para kalimutan yung mga narinig ko.
"Ilipat mo yung center table doon." utos niya. Pero kahit anong gawin ko, mukhang natatak na siya sa utak ko.
MELISSA's POV
Andito ako sa likod ng divider ng living room at kitchen.. a meter or two away from Bree and ate Axie at opo.. naririnig ko sila. Narinig ko ang pinag-usapan nila. Inutusan ni Dominic si Ariel pero instead na gawin niya yun, lumabas siya. Narinig kaya niya?
"Anyare dun? Tss." Dominic.
"Ako na nga lang." pagprisinta ko. Nanlaki ang mata ni Bree at ate Axie nung nakita nilang galing ako sa likod ng divider.
"Narinig kaya niya?" bulong niya kay Brianna. Bumulong ka pa.
Inurong ko yung center table sa kung saan inutos ni Dominic. Buong araw kaming nagtrabaho at buong araw ko ring hindi nakita si Ariel simula nung nagwalk out siya.
"Lunch time!" tawag ng mommy ni Troy.
Nagsitakbuhan naman sila papuntang kusina. Ako? Naiwan sa sala. Nakatulala. Nakatingin sa phone ko.

BINABASA MO ANG
A Song For You[ASFY]
Teen Fiction[UNDER EDITING] A typical love story of a typical boy and a not-typical girl who fell in love with each other since who-knows-when.