Stanza 26
ARIEL's POV
Nagpahuli ako sa paguwi dahil may ibibigay ako kay Melissa na I'm sure, sasaya siya. Tinawagan ko siya at sinabing pumunta sa rooftop. 6:30 na pero wala pa rin siya. Hmmm... Baka may meeting sa orgs niya. Hintay pa Ariel. Be patient. The bell rang for the last time for this day, ibig sabihin ay 8:30 pm na at wala pa rin siya. Tinext ko ang president ng dance troop, sabi niya wala daw silang workshop ngayon. Yung school paper naman every Wednesday pa ang meeting. Yung ibang clubs sa Tuesday pa nagsisimula ang meetings. MONDAY NGAYON! For pete's sake. Nag-aalala na ako. Nasan na si Melissa?
I checked my phone. No call nor text from her. Imposible namang umuwi siya dahil sabay naman kami lagi. Bumaba na lang ako mula sa rooftop at nagbabaka sakaling nasa school garden si Melissa. Nang pababa na ako mula 2nd floor, nakasalubong ko si Lianna.
"Oh Ariel. If you're looking for Melissa, well, she went home already." sabi niya.
"Teka... paano mo nalaman?"
"Duuh.. Nagpaalam siya sa akin Sabihan daw kitang huwag mo na siyang kausapin." I smirked.
"Si Melissa, nagpaalam sayo? Hah. Ganyan ka na ba kadesperada Lianna? Ganyan mo ba talaga kagusto na paghiwalayin kami? Well, NEWS FLASH. Kahit pa engaged ako sayo ngayon, si Melissa pa rin ang mamahalin ko. I'm engaged to a woman I don't love."
She slapped me with what I said. Natapakan ko na ang pride niya. Halata naman eh! Insulto naman talaga yung sinabi ko. But that's the truth.
"You're slap won't change a thing." sabi ko at naglakad na palayo.
Nakarating ako sa parking lot at pumasok sa kotse ko. Tinawagan ko si Melissa pero walang sagot. Tinawagan ko na lang si ate Lyza.
"Hello?" sagot niya sa kabilang linya.
"Ate Lyza! Si Melissa?"
"Oh. Hindi mo ba kasama?"
"Wala siya sa bahay niyo?!"
"Actually, ako pa lang at ang maids ang nasa bahay ngayon." sagot niya.
"Okay sige salamat Ate Lyza."
WHERE IS MELISSA?!
VINCENT's POV
"Ya Melissa eodika?" tanong ko sa kanya sa phone.
Every person she knows kept on calling me, asking me if I knew where she was.
"Somewhere." walang gana niyang sagot.
"Melissa.. lahat ng taong nakakakilala sayo na kilala ko ay tumatawag sa akin! Eodika?!" pagaalala ko.
"Kapae."
Binaba ko agad ang phone at nagpaalam kay dad na pupuntahan ko si Melissa. She only goes to one coffee shop and that's Starbucks. Pumunta ako sa Starbucks sa kanto ng village. She's probably there. And I was right. Sa malayo pa lang kitang kira ko na siya. I ordered coffee lang then sat with her.

BINABASA MO ANG
A Song For You[ASFY]
Подростковая литература[UNDER EDITING] A typical love story of a typical boy and a not-typical girl who fell in love with each other since who-knows-when.