Stanza 31

200 5 0
                                        

Stanza 31

 

STEPH's POV

It feels good to be back.

"Steph? Oh my goooosh! STEEEEEPH!" Bungad ni ate Lyza sa akin, di pa ako nakakapasok ng bahay.

"I MISSED YOUUU! EOMMOOO!" she hugged me sooo tight.

"At—-te masyadong ma——mahig—pit!" sabi ko.

Bumitaw siya sa pagyakap. "Hehe. Sorry. I just missed my sister."

"And now you have two of them!" sabi ni kuya Kevin at dire-diretsong pumasok ng bahay.

"This is so freaky. Promise." sabi ni ate Lyza. Tumawa lang kami ni Shane.

"Masanay ka dapat." sabi ko at pumasok na kami ng bahay.

"KUYA NAAAAAAAAAT!" sigaw ko nang makita ko siya sa kusina. Dinamba ko siya at bumagsak kami dalawa sa carpet.

"HOY MABIGAT KA! Anong ginawa mo sa Korea at bumigat ka ng todo todo?"

"KUYAAAAA I MISS YOU!"

"Ito naman parang hindi mo ako nakita kanina sa school niyo." nakangiti niyang sabi.

"Eh hindi pa ako good vibes kanina eh. Hindi kita nahug. Hehe... KUYAAAAAAA!" niyakap ko siya ulit. MAHIGPIIIIT NA YAKAP!

"Oo na. I missed you too." sabi niya then pecked my forehead.

"Hoy andaya niyo! AKO RIIIN!" sumingit si ate Lyza.

"Kapatid rin ako! LANGYA KAYO!" sumali na rin si kuya Kevin.

Tumingin si kuya Nat kay Shane na sa ngayon ay nakangiti habang nakatingin sa aming magkapatid na nagyayakapan.

"Welcome to the family, Melissa Shane Marino." sabi ni kuya Nat. Bumitaw kami lahat sa pagkayakap at sabay na niyakap si Shane.

"Alam na ba ito ni Ariel?" tanong ni ate Lyza sa akin.

"Hindi pa. I have to start living like a stranger to him." sagot ko.

"Haynakooo. Steph, bakit ka nga ba bumalik dito sa Pinas?" tanong ni kuya Nat.

"Haaaay.. Para harapin ang katotohanan at tratuhing kaibigan si Ariel na parang hindi nasasaktan hanggang sa mawala ang aking nararamdaman." sabi ko. Kuya Nat knows that, actually. Gusto niya lang ipaalala sa akin.

"So paano natin iexplain na may kakambal ka na mag-aaral sa inyo?" kuya Kevin.

"Mag-aaral pa siya? She just graduated in Paris. Huwag niyo namang itorture!" sabi ko kaya natawa sila.

"Okay. Okay. So anong hitsura mo kapag pumasok ka na sa school?" tanong ni kuya Kevin sa akin.

"Nerd." sagot ko.

"NO!" sabay na sabi nina Kuya Nat, Ate Lyza at Shane.

"That was expected." nakasmirk na sabi ni kuya Kevin.

"She's long dead... sabi mo diba?" Shane.

"Hindi nerd ang nagpaiyak at nagsabi ng insulto pero katotohanan kay Lianna." kuya Nat.

"Hindi nerd ang muntik ng itakwil ang sarili niyang kambal." kuya Kevin.

"Hindi nerd ang kapatid ko." natawa ako sa sinabi ni ate Lyza.

A Song For You[ASFY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon