Stanza 32
ARIEL's POV
Huwag mong sabihing inlove si Mervin sa bestfriend niya!
Matapos akong nagpatuyo at nagbihis, lumabas ako ng kwarto ni Mervin at naabutan kong nagtatawanan silang dalawa ni Melissa sa kusina.
"Ehem.."
"Oh sa wakas tuyo ka na rin! Patay talaga ako sa kapatid ko pag nagkataon." sabi ni Melissa. Tiningnan niya si Mervin. "Kakausapin ko muna to ah?" Dagdag pa niya tapos tumango lang si Mervin.
Hinila niya ako papunta ng terrace. Dala dala ang isang tasa ng hot choco.
"Oh. This is yours." inabot niya sa akin yung tasa.
"Thanks." sabi ko. Giniginaw na rin kasi ako.
"Hi I am Melissa —" I cut her thought.
"Alam ko."
Tumawa siya ng mahina.
"I am Melissa Shane Marino, Steph's older twin." nakangiti niyang sabi.
Oh. So kambal siya ni Steph...Naibuga ko yung hot choco na iniinom ko.
"Eommo! Masyado pa rin bang mainit?" natataranta niyang sabi habang hinihimas ang likod ko.
"ANO?! KAMBAL KA NI MELISSA STEPH?!"
Mukhang nagulat siya sa reaksyon ko dahil napaatras siya.
"Ehem... uhmm.. S-sorry." sabi ko.
"Hmm.. Okay lang. Sanay na ako sa ganyang reaksyon." sabi niya. Ngumiti na naman siya.
So totoo kaya na nagpanggap siya bilang Melissa... Steph?
"Oo. Nagpanggap ako para di kayo mabigla sa pagalis niya." sabi niya.
Nagbabasa rin siya ng isip?
"Masyado ka lang malakas bumulong."
"Ay. Hehe. Kaya pala wala akong naramdaman nung tinulungan mo akong hanapin yung Alisa girl." sabi ko.
"Talagang love mo si Steph no? Alam mo ang pinagkaiba niya sa ibang babae."
"Oo. Mahal ko talaga siya." napayuko ako.
"Remember know that girl in blue? Noong prom?"
Napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya. Lagi ba tong nakangiti? Awkward naman nito kasama. -_-
"Alisa is Melissa." sabi niya. "Uhmmm.. Steph." dagdag pa niya.
So hindi ako hindi kasalanan na hinalikan ko siya! Tama ang sabi ng isip at puso ko!
"That night, nagdesisyon siya na hindi na talaga babalik ng Pilipinas after going back to Korea dahil nakipaghalikan ka sa babaeng hindi mo kilala."
![](https://img.wattpad.com/cover/1238955-288-k461438.jpg)
BINABASA MO ANG
A Song For You[ASFY]
Teen Fiction[UNDER EDITING] A typical love story of a typical boy and a not-typical girl who fell in love with each other since who-knows-when.