Stanza 24
ARIEL's POV
Anlakas ng hatak ko sa ibang babae... napakaconfident ko sa ibang tao... pero pagdating sa kanya, nawawala yan lahat. Nauubos. Parang hinihigop niya. Nahihiya akong iapproach si Melissa dahil baka itaboy lang niya ako. Antaray kasi ng dating niya. Ako lang ba ang lalaking ganito? O ibang klase lang talaga si Melissa?
Andito ako ngayon sa beach ng resthouse nila Melissa. Mayaman pala talaga sila. Grabe. Naglalakad lakad lang ako sa tabing dagat. Hindi naman kasi mainit eh. Nagiisip kung bakit sa lahat ng babaeng magugustuhan ko, siya pa! I mean, since grade 3 ko pa siya napapansin eh, noong nerd pa lang siya napansin ko na siya. Tapos nung first year high school, narealize ko kung bakit napapansin ko siya dati. Hindi dahil sa hitsura niya pero sa personality niya... yun ay dahil crush ko siya? Then nung nalaman kong maraming nanliligaw sa kanya nung first year, uminit ang dugo ko. Mahal ko na pala siya. Akala ko ibang lalaki ang makakapagpasaya sa kanya kaya naging Mr. Sungit at Mr. Annoying ako sa kanya. Turns out na tinatago lang pala niya ang feelings niya.
Napangiti ako sa mga iniisip ko. I can't believe I loved, love and hopefully, will forever be loving Melissa Steph Tonde Marino.
"Lapad ng ngiti natin brother-in-law ah!" napatingin ako sa nagsalita.
"Kuya Kevin. Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Aba! Ako dapat nagtatanong niyan sayo!" sabi niya tapos umupo sa tabi ko.
"Ah. Nagiisip lang." sabi ko.
"Malamang si Melissa yan. Lapad lapad ng ngiti mo oh!" pangaasar niya.
Nakangiti na naman ako? Ay nako Melissa... lakas ng tama ko sayo.
"Huwag mong saktan si Steph ha? Palalabs ko yun sa lahat ng kapatid ko." sabi niya habang nakatingin sa dagat. Halatang pinapahalagahan niya si Melissa. "Ibang klase yun. Isip-bata pero kapag may problema ang mga tao sa paligid niya, nawawala ang bunsong Melissa... nagiging eldest yan." dagdag pa niya.
"She's been hurt a lot." napatingin ako kay kuya Kevin sa sinabi niya.
"Magaling siyang magtago ng feelings especially hurt, love, sadness and care. And she keeps her problems to herself."
"Yes she blurt out her problems dahil mababaliw siya kung di niya ilalabas. Pero di niya kayo dinadamay sa problem niya. Right?" tumingin siya sa akin. Tumango ako.
"Compared to the problems she complain about, tuldok lang yun kung ihahambing sa problemang matagal na niyang itinatago."
"Ano po yun?" tanong ko.
"Alamin mo." sabi niya tapos umalis na.
MELISSA's POV
"Wow. Matagal mo na syang gusto pero you acted like ayaw mo dahil sa ginawa niya nung gr.6 kayo?" Aris.
"Well... exactly." sabi ko na medyo nahihiya. Mababaw kasi yung rason eh.
"Kung di umamin yung kapatid ko sayo, itatago mo pa rin yan hanggang sa mawala?" ate Axie. I nodded.

BINABASA MO ANG
A Song For You[ASFY]
Novela Juvenil[UNDER EDITING] A typical love story of a typical boy and a not-typical girl who fell in love with each other since who-knows-when.