Stanza 29

209 6 0
                                    

Stanza 29

 

ARIEL's POV

Pinagmasdan ko siya habang tumatakbo palayo.

"ALISA? ALISA TEKA LANG!" hinahabol ko na pala siya. "SINO KA BA TALAGA? SANDALI LANG ALISA!"

She doesn't stop. Nakaheels na pero tumatakbo pa rin. Grabeng babae to.

"ALISA!"

Tumigil siya at nilingon ako bago pumasok sa sasakyan at tuluyang umalis na. Napabuntong hininga ako at tumigil sa paghahabol.

"Tsk. Bakit ko ba yun hinahabol? May niligawan naman ako. AAAARRGGHHHH ARIEL BALIW!" sinapak ko ang sarili ko. Faceslap. May napansin akong kakaiba sa sahig. Kulay blue. Pinulot ko ito at pinagmasdan.

"It can't be." sabi ko sa sarili ko. Agad akong tumakbo sa kotse ko at pinaharurot ito.

There's only one girl I know who owns that thing. Siya ba talaga yun? Eh diba nga Ariel nakapink si Melissa?! Malay mo nagbihis. Pero bakit ka niya hinalikan? Diba pinagbawalan siyang makipagrelasyon sayo sabi ni Mervin?! Baka bumalik ang alaala. Pero imposible! Tumigil ako sa pagmamaneho.

"Alisa? Sino ka ba talaga?" tanong ko sa sarili ko habang nakatingin doon sa bagay na napulot ko.

~

"Talaga?! Hinalikan mo siya?!" naiintrigang tanong ni Rean sa akin.

"Oo eh. Pati ako nagulat." sabi ko.

"She's a stranger. You shouldn't have done that." sabi naman ni Loisa sa akin.

"Kilala niya ako." sabi ko.

"Pero hindi mo siya kilala." sumbat niya.

"I feel like I know her!"

"You feel?! Eh paano kung lumabas si Melissa at nakita niya kayo?"

"Eh wala namang patutunguhan 'tong panliligaw ko eh! WALA NA! WALA NA SI MELISSA SA BUHAY KO! NAKALIMUTAN NIYA NA AKO! OKAY?!"

Medyo malakas na pala ang pagsasalita ko dahil tumahimik sa cafeteria. Pinakalma ako ni Jethro.

"Drei. Hahanapin na lang natin siya okay? Estudyante naman yun ng school eh kung nakapasok siya sa venue. Bawal ang gate crashers diba. Alam mo yan, SC ka." sabi niya habang pinapaupo ako.

Oo nga no. Ibig sabihin yung Alisa na yun eh 4th year. Kung hindi, 3rd year. Ano Ariel? Are you ready to accept the challenge and find that girl?

"Kung gusto mo, hahanapin natin siya sa lahat ng 4th year and 3rd year sections. Tutulungan ka namin." sabi ni Jethro.

"May hinahanap na babae si Ariel?!" biglang sulpot ni Melissa.

"Ah.. eh.."

"Uhmm...."

"Kas-Kasi ano..."

Nagkatinginan kaming apat.

A Song For You[ASFY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon