Stanza 13

361 7 1
                                    

STANZA 13

 

Ariel's POV 

Andito na kaming lahat sa roof top... 2:30 pm. Magpo-pool kami.

"Suus. Drei, if I know, gusto mo lang makita ang katawan ni Melissa." natatawang sabi ni Rean.

 "Hoyoy. Di ko magawang bosohin ang babaeng matagal ko ng mahal..." What? Sinabi ko ba yun? Ano ba? Epekto ba to ng labi niya? 

"I know Drei. I'm just messing with you." ginulo niya yung buhok ko tapos  tinulak niya ako papunta sa pool. Imbis ayaw ko pang maligo. Mabuti na lang at nakapagbihis ako kanina.

Tumawa silang lahat. "Tawa pa." tapos tinanggal ko na ung shirt ko.

"Kaw naman Drei! Don't worry... susunod kami." sabi ni Jethro sabay tanggal ng shirt niya tapos tumalon na sa pool. Ginawa rin yun ni Rean, Mervin at kuya Jared. Syempre yung girls nagtanggal lang ng cover ups tapos tumalon na sa pool. HOY! WALANG PANGET ANG KATAWAN SA AMIN HA! HOT KAMING TINGNAN LAHAT! Kaso, nakita ko si Melissa nakaupo lang dun sa upuan na pang-sun bathing. Naka bathrobe na medyo above the knee. Kahit kailan napaka conservative ng babaeng toh.

 "HUY STEPH! LIGO NA!" pag-aya ni Anna sa kanya.

 "Oo nga, kung ayaw mong itulak kita!" sabi ni Mervin.

 "I support you Merv!" sabi naman ni Rean. Si Melissa naman iling ng iling.

 "Ano ba bunsoy? May bisita ka ba?" tanong ni ate Lyza. Bisita?

 "KAKATAPOS LANG NOH! CHE! Ayaw ko maligo. Wala ako sa mood." sabi niya sabay higa.

 "Asuus. If I know, nahihiya kang maligo kasi naka two-piece ka lang. First time mo dba?" pang-aasar ni Mervin.

 "Wala na talaga akong takas sayo Troy. Ikaw na. Ikaw na ang may alam ng buong buhay ko." aba. First time ba talaga niya? Nakakatuwa naman. Masasaksihan ko. Hoy! Huwag kayong mag-isip ng masama ah. 

"Bakit ba kasi ayaw mong tanggalin yang cover up mo? At bath robe mo pa talaga? Bakit ka naman mahihiya? Ang ganda ganda ng katawan mo eh!" sabi ni Lisa. 

"OH? Nakita mo na ba katawan ko?"

 "Hindi. Pero obvious naman na maganda katawan mo."

 "Malaki ang legs? Malaki ang braso? Maganda ba yun?" maldita ni ateee!

 "Sa tingin mo kung maliit ang legs at braso mo, gaganda pa ba ang katawan mo?! DUUUH! It's a part of you! And those parts complete your figure!" Nosebleen naman kami doon. "Atsaka bagay sayo yan. Ganda nga ng curves mo eh." Dinidescribe ba niya katawan ni Melissa?  

"CGE NA! KUNG AYAW MONG ITULAK KITA HABANG NAKABATHROBE KA!" hala! lumabas na si Mervin ng pool... sumunod si Rean tapos tumabi sila kay Melissa, nasa gitna si Melissa. 

"H-ha?! W-wait. S-sige na nga! KAINIS NAMAN KAYO!" sabi niya tapos nagpatabi yung dalawang lalaki.

Hinawakan na niya yung tali ng bathrobe niya tapos...

Melissa's POV

A Song For You[ASFY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon