Stanza 14

382 9 2
                                    


STANZA 14

Ariel's POV

 Naiyak ako. First time kong umiyak dahil sa babae. Dahil sa babaeng mahal ko. Nang masabi ko ang dapat kong sabihin, tumalikod na ako para bumalik sa taas. Narinig kong bumukas ang pinto at ang boses ni Steph.

"WAIT!" sigaw niya, humarap akong gulat kasi di ko yun inaasahan. "AAAAAH!" napatakip siya bigla ng mata tapos binato ako ng tuwalya. "TAKPAN MO YAN!" ha? Anong takpan? Hawak ko yung tuwalya tapos napaisip ako kung ano yung pinapatakip niya....

Yung aking oh so seducing abs. Paano ko to takpan gamit ang tuwalya?! ITATAPIS KO NA PARANG BABAE?! TAE LANG.

"Nagmomoment ako tapos bigla kang sumigaw kasi nakita mo akong walang damit." sabi ko tapos tumawa ako. Ancute talaga niya. 

"Ikaw kasi eh! Bakit ba sumunod ka ng walang damit?" sabi niya. 

Lumapit ako sa likod niya tapos nagbend konti para magkalevel kami. Nilapit ko yung mukha ko sa likod ng ulo niya sabay sabi ng , "Tapos na. Pwede ka nang humarap." actually, di ko ginawa yung sabi niyang takpan. Pagharap niya, saktong magkalevel ang mga labi namin at hinalikan ko siya. Smack lang. Ramdam ko ang pagkagulat at paninigas niya. 

"I love you." sabi ko nung hiniwalay ko ang labi ko sa labi niya. Di siya gumalaw. Ancute niya! Gusto ko tuloy halikan ulit. "Uy." pinitik ko yung noo niya. "Galaw galaw baka mastroke. Nasarapan ka no? Halikan kita ulit, gusto mo?"smirk. Sinamaan niya ako ng tingin.  

"CHE!" tapos tumalikod siya at nagdabog papasok ng kwarto. Ancute niyang mainis!

Bumalik na ako sa rooftop. Naabutan ko silang may sinusugba, pork ribs ata. Then nagset ng table ang girls. Kinuha ko yung polo ko na isusuot ko sana kanina bago ako tinulak ni Rean sa pool tapos sinuot ko para matakpan yung aking oh so seductive abs. Baka mamaya makita na naman to ni Steph at mamula na naman siya. Baka di ko mapigilang halikan siya ulit.

"Drei, para kang timang diyan." anu raw? Nakaupo ako ngayon sa side ng pool at nakalublub ang mga paa.

"Drei...HUY! DREI!" aray naman! SIGAWAN daw ba ako sa tenga?!

"DI AKO BINGI!" sabi ko kay Loisa. Si Loisa pala yun....

"Di daw? Eh ano yung sinabi ko sayo? Ulitin mo nga." paghahamon niya. Ano nga ba yung sinabi niya? Di na ako nakinig eeh.

 "H-ha? A-ah... S-sabi mo..."

 "Di ka talaga naakikinig. Wala akong sinabi sayo kanina... inaalog lang kita kasi parang nalunod na kasama ng paa mo yung utak mo. Anyare? Anlapad ng ngiti mo eh."

 "Wala lang,nakapagtapat na kasi ako. Kulang nalang sabihin niyang mahal niya rin ako, edi kami na." sabi ko.

 "Yabang mo rin noh. Sa tingin mo magkakagusto yun sayo? Siya lang at ako ang dalawang babae sa buong school ang hindi nababaliw sa pagmumukha mong sinasabi nilang gwapo." si Loisa ba talaga to? Parang hindi eh.

A Song For You[ASFY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon