Stanza 27
ARIEL's POV
"Dude! Naamnesia daw si Melissa?" bungad ni Rean sa akin pagpasok ko ng gate ng campus.
"Oo daw." sagot ko.
"Sad ng life mo." pang-aasar niya.
Nagkaamnesia si Melissa. Nagkaamnesia si Melissa. Ibabalik ko si Melissa. Her memories. Everything!
"Drei si Melissa!" turo ni Ariel doon sa babaeng kabababa lang ng sasakyan. So hinahatid na siya ngayon. Haaaaaaay. Lalapitan ko na sana siya nang biglang hinila ako ng "fiancee" ko.
"Goodmorning hubby!" sabi niya.
"Hubby mo mukha mo." sabi ko sa kanya at kinalas ang magkakakapit niya sa braso ko.
"Date tayo mamaya ah?"
"Ayoko."
"Magdedate tayo sa gusto't ayaw mo. Tandaan mo Ariel nagagawa ko lahat ng gusto ko." sabi niya.
She's threatening me. Ayokong tinethreaten ako ng ibang tao maliban kay Melissa. Pero kailangan ko siyang sundin dahil... I have a reason.
"Fine." pagsusuko ko.
Well I have a date with a witch later. But as for now, I'm doing my move. Sinundan ko si Melissa sa pub office. Pagpasok ko doon, nagiisa lang siya habang inaayos ang pictures na kagagaling ng dark room.
"Yes? May kailangan ka?" tanong niya nang hindi man lang lumilingon sa akin. I took a step closer to her.
"Uhmm... Di mo ba talaga ako nakikilala?" tanong ko.
Napatigil siya at nilingon ako. Inayos niya ang glasses niya na parang inaadjust ang camera para mafocus ang subject.
"Ahmm.. Aniyo." inosenteng sabi niya. Yung glasses niya, dork glasses na black. Nakapigtails siya at yung bangs niya nasa mata na niya.
"Well.. Hi. I'm Ariel Drei Torento Buenaflor." inilahad ko ang palad ko. Tiningnan niya ito tila nagdedesisyon kung tatanggapin niya o hindi.
"Im Melissa. Melissa Steph Reeya Tonde Marino." she said smiling. "So andito ka para magpass ng article?"
"Ah eh... hind—"
"Well... bibigyan na lang kita ng topic. Gumawa ka ng feature story about sa isang sikat na tao dito sa school natin. Isubmit mo sa akin after prom." sabi niya kinuha niya ang bag niya.
"Pero—"
"Make it catchy para chos." she winked and lumabas na ng office.
Kung hindi lang kita mahal, nasapak na kita! Pero dahil mahal kita, gagawin ko yung pinapagawa mo sa akin kahit hindi ako writer ng school. —"
~
Andito ako sa room namin ngayon, kinakagat ang ballpen ko at nakatingin sa taas habang hawak hawak ko ang yellow paper ko.
"Wooow. Kailan ka natuto magisip na parang si Melissa kung nagsusulat?" tanong ni Jethro sa akin.

BINABASA MO ANG
A Song For You[ASFY]
Teen Fiction[UNDER EDITING] A typical love story of a typical boy and a not-typical girl who fell in love with each other since who-knows-when.