Stanza 15

373 8 0
                                    

STANZA 15

Ariel's POV


Umaga na at hanggang ngayon halos hindi ako natulog. Nakatulog nga ako pero putol putol naman. Parang andami kasing nangyari kahapon eh! At ang nagbo-bother sa akin ay ang paghalik ko kay Melissa pagkatapos kong kumanta. Actually, hindi ko alam na hinalikan ko pala siya. Alam niyo yung inuunahan kayo ng katawan niyo kesa sa isip niyo? YUN YUN!

  

Tiningnan ko yung watch ko... 5:45am pa pero may sun na. Sunrise na ata. Tumayo na ako at nagsuot ng jacket tapos lumabas. Mabuti pang maglakad lakad na lang muna ako para naman maclear yung isip ko.

Napadpad ako sa part ng villa malapit sa lake. 

  

"Si Ariel ay gwapo..*splash*"  Si MELISSA?! Nagsasalitang mag-isa habang nagtatapon ng bato sa lake.

 "Si Ariel ay sweet...*splash*" Totoo ba tong nakikita at naririnig ko? 

 "Si Ariel ay isang gentleman... *splash*" napabuntong hininga siya at umupo sa grass.

 "Si Ariel ay isang lalaking mayabang. He is so full of himself, he enjoys his popularity. Ewan ko anong meron sa lalaking yun kung bakit kahit ampangit pangit ng ugali niya...." napatingin siya sa langit. ".... nagawa ko pang mahalin siya.

  "Nakakatawa nga eh kasi tinatanong ko yung mga girls kung anong nagustuhan nila sa kanya tapos ang sagot nila.. MABAIT *splash*.. HUMBLE *splash* at GWAPO *splash*" humiga siya.

 "Anlayo ng mga sagot nila sa totoong Ariel Drei Buenaflor na nakilala ko. Since grade three ganun naman talaga ugali nun pero nasanay na rin ako. At siguro kaya ko siya nagustuhan kasi siya yung laging anjan sa tabi ko nung wala pa akong bestfriends. Siguro pwede ko na siyang ituring na bestfriend." bumunot siya ng grass at tinapon ito.

 "Kaso ang alam ng lahat galit ako sa kanya. Sa totoo lang matagal ko na siyang napatawad eh. Sinusungitan ko siya kasi ayaw kong masaktan ulit." napabuntong hininga siya, inunan niya yung mga palad niya. "Ayaw ko siyang paasahin. Hahaha.. Waw. Ayaw ko siyang paasahin pero pinapaasa niya ako. WTH. Pa-fall... halata namang pinaglalaruan na naman niya ako. Yung pagtatapat niya ng feelings? Psh." umupo siya at niyakap ang mga binti niya.

 "Pero ito lang ang masasabi ko sa lahat ng mga pinaggagagawa niya kahit mayabang siya at mapang-asar..." tumayo siya at humarap sa lawa "I love you Ariel Drei Buenaflor.

  

"I love you more."

 "A-ariel?" napaharap siya bigla sa akin. "K-kanina ka pa diyan?" halatang gulat eh.

Pero instead of answering her, i moved closer to her and kissed her gently. A kiss full of love. Then I let go. "I love you Melissa, I love you Steph, I love you DJ Ems..." I kissed the tip of her nose.

"Totoo ba yung mga narinig ko?" sabi ko while smiling. She nodded and blushed.

"Sorry. Di ko dapat yun nasabi." sabi niya habang nakatingin sa right side niya.

A Song For You[ASFY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon