Stanza 40
MELISSA's POV
GRADUATION DAY.
"Melissa! Yung cap mo! Ano ka ba!" Sigaw ni manang. Tumakbo ako pabalik ng bahay at kinuha ito.
"Thanks manang! Aylabyu!' Sigaw ko noong palabas na ulit ako.
Nasa sasakyan na ako ngayon. Yung van ang ginamit namin dahil buong pamilya ang pumunta. Hehehe. Si mommy, daddy, kuya Nat, kuya Kev at ate Lyza all here together to watch me cross one of the bridges in life.
"Hindi naman ako honor tulad noong dati ah. Medyo full force ata kayo?" sabi ko habang inaayos yung buhok ko. Hindi ko pa suot yung toga. Ang init kaya. Nagskater skirt lang ako at denim top tapos yung 3-inch stiletto ni ate Lyza na color white. Yun kasi ang requirement eh pero may dala akong sneakers syempre no.
"Kahit hindi ka honor, basta gagraduate ka ng high school, isa sa mga pinakamagandang parte ng buhay, kahit buong Marino clan pa pauwiin ko galing ibang bansa. Kaso busy sila so tayo na lang, happy family." sabi ni dad.
"AWWWWWE. Thanks dad."
Yeah. I am graduating without honors. Hahahaha. Okay na yan basta nakagraduate. Si Ariel with honors. Matalino yun eh. Kainggit. Hehehe. Sa SMX Convention Center yung venue. Sosyal no? Maarte yung parents eh. Chos.
Pagdating sa venue agad akong pumunta sa linya ko. Buti nalang hindi kami magkalayo ni Melisse, tabi naman kami ni Mariell at Loisa. Si Brianna at Lianna naman na sa unahan ni Melisse. Mga pandak eh. Hehe joke. According to height eh. Tapos nasa kabila naman yung boys. Ito na yun mag mamartsa kami papuntang harap, nakatoga at grad cap. I can't believe we are really graduatin already.
Valedictorian's speech. Pagkatapos ng valedictorian's speech, magsasalita na sana yung master of the ceremony nang biglang umakyat si Ariel sa stage at kinuha yung mic sa emcee.
"WHOOOO!"
"KYAAAAAH!"
Yan ang reaction namin mga seniors.
"Hindi ako valedictorian kaya hindi ako makapagspeech. Pero give me a chance." sabi niya. Naginhale siya tapos nagsalita muli. "Okay. Here it goes."
"Sa high school life ko, nakakita ako ng mga taong matalino pero itinatago ito, bobo at proud pa nito, matalinong ipinagmamalaki, matalinong patago magmalaki, mga babaeng maganda pero di marunong mag-ayos, mga babaeng maganda pero napasobra sa pag-aayos, lalaking basagulero dahil sa mababaw na dahilan, lalaking ang bestfriend ay puro babae pero hindi bakla... lahat nang yan nakilala at nakahalubilo ko." Tumingin siya sa akin, "Ngayong high school rin naranasan ko magmahal ng sobra..."
"AYIEEEEEE...."
"...akala ko magiging one sided love ito pero hindi pala. Sa high school ko naranasan maging single pero taken. Huwag niyong ideny, marami akong kilalang ganyan. Single na taken. Naranasan kong maging busy na halos isang minuto na lang ang tulog. Naranasan ko rin masaktan dahil sa mga pangyayari. Natutunan kong magappreciate ng effort at mag-effort."

BINABASA MO ANG
A Song For You[ASFY]
Teen Fiction[UNDER EDITING] A typical love story of a typical boy and a not-typical girl who fell in love with each other since who-knows-when.