STANZA 6
Naree's voice: Short update.
Third Person POVNang makatalikod si Melissa kay Jethro, agad siyang tumakbo palabas ng gym. Hindi niya napansin na nakatingin sa kanya si Ariel at dire-diretso lang ang pagtakbo niya papunta sa student's kiosk na hindi pinapansin ng mga estudyante. Umupo siya sa isa sa mga kiosks. Sinundan siya ni Ariel at nagtago sa likod ng malaking puno. Pinanood niya ang pag-iyak ni Melissa.
"Huwag ka nang magtago." sambit ni Melissa habang pinupunasan niya ang mga basang mata niya. "Bakit mo ako sinundan? May game ka pa diba?"
Lumabas si Ariel mula sa pagkakatago, "M-mamaya pa naman yung game ko eh." Nilapitan niya si Melissa at umupo sa tabi niya, "Here, you might need this." inabot niya ang panyo niya.
"Hehe...Wag na. Nakakahiya. Ikalawang beses ko nang umiyak sa harapan mo." pilit siyang tumawa.
"B-bakit ka kasi umiiyak? Dahil ba doon sa nangyari?" tanong ng binata.
"Hmmm... Oo. Masakit kasi yung pagkakasampal ni Lianna eh." sabi niya at may dinagdag siya pero mahina lang, "Naaalala ko rin yung situation na ganun nung grade 3." pero narinig ni Ariel.
"Suuus. Pabayaan mo lang yun. Insecure lang yun sayo kasi marami kang kaibigan, mas sikat ka na kesa sa kanya, mas matalino ka at mas maganda-- uhmm." Di tinapos ni Ariel yung sinabi niya dahil nahiya siya. Napatingin naman si Melissa sa kanya.
"Thanks, Drei. for being there when i needed someone." umiwas ng tingin si Melissa dahil nilingon siya ni Ariel. "Hehe.. Ano ba tong pinagsasabi ko? Galit ako sayo dibah? Hehe." pagkatapos niyang sabihin yun, umiyak siya ulit dahil naalala niya yung ganoong sitwasyon rin nung grade 3 pa sila. Nasa school garden nga lang pero kasama rin niya si Ariel at kinocomfort siya.
Pinunasan ni Ariel ang mga tumutulong luha ni Melissa dahilan ng pagkagulat niya. Hinarap ni Ariel ang mukha ni Melissa sa kanya at sinabing, "Sorry. Di ako marunong magcomfort. Kakantahan na lang kita."
Melissa's POV
Natigil ang pag-iyak ko nang kumanta siya. Napatingin ako sa kanya, nakatingin lang siya sa kawalan. Sumandig ako sa upuan. Nabigla ako nang hawakan niya ang ulo ko at sinandal ito sa balikat niya. Hindi ako nakapalag. Wala akong lakas para pumalag, dala na siguro ng pag-iyak ko.I'll be your crying shoulder
I'll be love's suicide
Rinig na rinig ko ang boses niya mula sa dibdib niya. Pati na rin ang...heartbeat niya. Nabigla ako sa naisip ko. Teka! Bakit ko ba napansin yun? Diba wala na, Steph? Wala na!
I'll be better when I'm older
I'll be the greatest fan of your life
Hanggang doon lang ang kinanta niya. Maya-maya lang naramdaman ko ang thumb niya sa pisngi ko.
"Thanks, Drei."
"Anytime." tapos ngumiti siya. Yung ngiting hindi mayabang, yung ngiting sincere, yung ngiting Ariel na nakilala ko nung grade three. "Uhmmm. Tara, b-balik na tayo."
"Uh... ah sige. Mauna ka na. Baka pagchismisan tayo kapag magkasama tayo. Alam mo na yung pinagsisigaw ni Lianna kanina." tapos naghand gesture ako.
"Pabayaan mo na kasi."
"Hindi naman totoo yung sinasabi niya eh. Wala ka namang gusto sa akin."
"A-ah. O-oo naman!"
"Oh! Edi good! Di ako sasabay dahil baka magkagulo dahil magkasama ang heart throb at ang nerd."
"Eh hindi ka naman mukhang nerd eh. Mas maganda-- a-ah. Sige. Una na ako. May game pa ako." Sabi niya tapos tumakbo na. It was thoughtful of him to comfort me. Pero hindi pa rin magbabago ang lahat. Mahirap kalimutan yung ginawa niya.
Bumalik na lang ako sa gym para makapagfacilitate nang maayos.

BINABASA MO ANG
A Song For You[ASFY]
Teen Fiction[UNDER EDITING] A typical love story of a typical boy and a not-typical girl who fell in love with each other since who-knows-when.