Stanza 4

511 13 0
                                        

STANZA 4 

"O-oo na... a-ako na lampa."  Napalingon ako nang marinig ko siyang magsalita. "S-sayang k-kagwap--puhan m-mo." Napabuntong hininga ako at nilapitan siya. Umupo ako sa gilid ng kama. This is so weird. Nasa isang department store ng mall, nakatitig sa babaeng matagal ko nang gustong mahila pabalik sa akin. Hindi ko alam kung romantic ba 'to o sadyang sabog ang imagination ng author.

She was never mine, but I want her to be.  Hindi dahil maganda siya, kundi dahil kilala ko siya. Nerd look kasi yan si Steph dati. Brace-faced, bangs-styled, four-eyed girl.

 

"Uy. Uy. Nakita niyo na yung Melissa Steph na kinaiinisan ng girls ng level natin?"

 

"Oo! Sabi nila nerd face daw pero nung nakita ko siya, grabe! Talbog pa niya si Lianna."

 

 

Iisa lang naman ang Melissa Steph na kilala ko. Kaya ayun, di nga sila nagkamali, ang ganda niya. Mas lalo siyang gumanda. Yung nerdy face niya nawala pero yung totoong Melissa di nawala. Inaapi pa rin, humble, matalino at talented, yun nga lang, sinusungitan na niya ako dahil sa ginawa ko nung grade six. 

Grade three pa lang kami, crush ko na siya. Sabi nila siya yung pinakapangit sa aming batch but the way I see it, she's the most beautiful. Oo, nakakabading magkagusto sa isang babae. Iba siya eh. Mabait, mapagkumababa, matalino at di siya lumalaban sa bullies niya. Kada magklase tinititigan ko siya. Maganda siya kapag wala ang braces and eyeglasses niya, konting ayos lang, mas maganda pa siya sa diwata. Mabait na mabait pero kung sobra na, get ready to be hurt ka. Kasi one time nung grade 5, nainis na yata siya sa paglalait ni Lianna at Brianna sa kanya kaya sumagot siya.

  

"Ikaw, kung makapanlait ka akala mo ang ganda ganda mo." sigaw niya.

 "Maganda naman talaga ako! Ikaw ang panget!" pagtataray ni Brianna. 

 "Oo nga. Tingin tingin ka nga muna sa salamin." pagsang-ayon ni Lianna.

 "Kayo ang tumingin sa salamin!" hinala na niya yung buhok nung dalawa kaya napa-aray sila tapos patuloy na nagsasalita si Melissa. "Maganda nga kayo, pangit naman ugali nyo. Siguro kung binase lang ang hitsura ng tao sa kanilang mga ugali malamang kayong dalawa ang pinakapanget. Sayang mukha niyo, karma will hit your dmn faces." sabi niya tapos binitawan niya yung buhok nila. Natahimik ang buong klase at nakatingin lahat sa kanila. Nahiya yata yung dalawa kaya napaluha sila at tumakbo palabas. Tumingin si Melissa sa amin tapos tinarayan kami, "Oh. Sinong manlait pa?

 

Since that day, wala na masyadong nambully kay Melissa dahil siguro sa takot at dahil na rin sa nagustuhan siya ng iba. Wala kasing nilalang ang makakatapat sa kamalditahan ni Lianna at Brianna until dumating siya. Nagkaroon na rin siya ng bestfriend, si Anna yata yun. Tapos nung first year siya nadagdagan ang bestfriends niya, si Mervin at si Lisa. Ayoko nang ikwento pa ang grade six life ko at niya dahil masamang ala-ala yun. 

***

A Song For You[ASFY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon