Stanza 12
Melissa's POV
Nagising ako dahil sa sakit ng leeg ko. Napansin kong wala na ako sa kabilang dulo ng likod. Napansin ko rin na nakasandal pala ako kay Drei! Gumalaw ako para matauhan at magising siya. Nakasandal rin kasi siya sa akin. Parang nag teo-different-worlds-collide.
Namalayan naman niya ang paggalaw ko kaya nagising siya at umayos ng upo. "S-sorry, napasandal ka kasi sa balikat ko eh." sambit niya. Ako pa ang sumandal? Di ko yun alam ah! O gawa gawa lang niya yun? Ay ewan! Kahit na ilang beses na niya ako niligtas, galit pa rin ako sa kanya.
"Andito na tayo! Guys! Wake up na!" ginising ni Jethro yung iba.
Binuksan ni manong driver yung door kaya nasilawan yung mga tulog.
"Guys! Tara na sa resthouse. Daliii!!!" excited na sabi ni Lisa. Aba? Mukhang nakascore to kay Jethro ah. Ansaya saya naman niya.
Napatingin ako sa katabi ko. Inaayos niya yung buhok niya. Napatingin siya sa akin at kumindat. Wow, cute ka na niyan. Bumaba na kami sa van at pumasok sa resthouse. Anlaki naman nito! Ganda! Parang garden landscape na life size. Sarap tumira dito ah! Answerte naman ni kuya Jared at ni Jethro.
"Uy! Para masaya, one room lang ang girls.. one room lang rin ang boys. Game?"
"GAME!"
Nagtakbuhan na lahat papasok ng bahay tapos sa rooms na. Yung room ng girls is nasa left side ng stairs tapos sa right naman yung boys. Malaki yung room namin. Kasya kami lahat! WATERBED pa! Kaso tatlo lang yung bed.. pero magkasya naman ata kung dala-dalawa.
"Ano kaya mga gagawin ngayon noh?" binagsak ko ang sarili ko sa waterbed.
"Uy! Melissa, kayo ha! May pa sandal sa balikat pa kayong nalalaman ni Drei. Kayo na ba ni bestfriend?" Napabangon ako sa tanong ni Loisa at sumimangot.
"Hindi noh! Malabong mangyari yun. Accident lang yung pagsandal ko sa kanya. Sorry naman, tulog ako." Sabi ko. Napansin kong nagbibihis sila. "Oy! Bat kayo nagbibihis?" tanong ko.
"Magtotour daw tayo sa villa." sabi ni Lisa.
"Magbihis ka na Steph."
"Okay."
Ang gagara ng mga suot nila. Napaka vacation-looking. Samantalang ako nakashorts, hoodie at sneakers lang. Pagkatapos naming magbihis, lumabas na kami. Tumambay doon sa front yard. Ang ganda ng tanawin.
"Tara na! Tour na tayo!" sabi ni kuya Jared.
"Kuya, wait lang. Wala pa yung tour cart. Nukaba!"
"Soreh naman. Excited ako! Ngayon lang ulit nakapunta." ang cute ng magkapatid.
***
Namangha ako sa laki at ganda ng villa. Seriously, para siyang yung mga pictures na nakikita ko sa Architecture and Design. Dream house, dream place... it's like a freakin dream! Nagstop kami sa field. Magpicnic daw eh. Naglatag na sila tapos yung food inaayos na habang ako andito sa puno. May lahing unggoy na yata ako, napasarap ako sa pag-akyat akyat ng mga puno.

BINABASA MO ANG
A Song For You[ASFY]
Teen Fiction[UNDER EDITING] A typical love story of a typical boy and a not-typical girl who fell in love with each other since who-knows-when.