Stanza 23
These boys...sila yung heart throbs sa school ah.
"Ariel duuude!"
"Aba andito ang chic magnet natin!"
"Anong ginagawa mo dito Buenaflor?" tanong nung isa.
"Ah. Wala. Nagpapahangin lang." sagot nya. Nabatukan naman siya nung isa, kamukha ni Jack Frost.
"Boplaks. Alam namin! Anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Jack Frost.
"Dito kami magdi-dinner. Travel ulit after." walang emosyon niyang sagot.
"Sarap mo itulak sa pool."
"Tss. Umalis na nga kayo! Nananahimik ako eh!" Ariel.
"Geh dude. Kita na lang ulit tayo." sabi nung isa na kamukha ni Kyuhyun.
"K."
Tapos nagsialisan na sila. Yung mga girls naman sumunod sa kanila. Sheeeesh. Nakasawsaw ang paa niya ngayon sa pool.
3RD PERSON POV
Nakayuko si Ariel ngayon habang pinaglalaruan niya ang tubig gamit ang kanyang mga paa. Napabuntong hininga siya at naalala niya yung pangyayaring nakita niya kanina bago sila umalis sa lungsod.
"OMG VINCEEENT!"
Tumakbo si Melissa at niyakap ng mahigpit yung lalaki.
'Sa ganoong dahilan nagseselos na ako?' Sigaw ng binata sa isip niya.
'Lalapitan ko siya.' Sabi ni Melissa sa sarili niya. Hindi niya maisip kung anong gagawin niya o anong sasabihin niya kay Ariel. Hindi niya alam ang dahilan kung bakit hindi siya kinakausap ni Ariel.
Hindi na nagdalawang isip pa, naglakad na siya papunta sa binata. Hindi siya nagmamadali. In fact, nahihiya siya habang lumalapit siya.
Napataas naman ulo ni Ariel mula sa pagkakayuko.
"Hey." sambit ni Melissa.
"Hey." ganti ni Ariel.
Umupo si Melissa sa tabi ni Ariel. Di malapit. Mga isang metro ang layo nila.
"Bakit di mo ako pinapansin?" tanong ni Melissa habang nakatingin sa binata.
"Ikaw nga yung di namansin kanina nung dumating ka dito." sagot naman ni Ariel.
"Eh paano po kasi napapaligiran ka ng fans mo tapos dumating pa yung mga sikat."
"Eh bakit andito ka na?"
"Kasi umalis na yung mga sikat."
"Wala na bang sikat na naiwan dito?"
Nanlaki ang mata ng dalaga pero hindi niya ipinahalata.
"K. Fine. Aalis na." Tatayo na sana si Melissa nang hawakan siya ni Ariel sa kamay.
"Uy. Dito ka lang please?" May pag-aalala at lungkot sa boses ng binata habang nakatingin naman ang mata nyang puno ng pagmamahal sa mga mata ni Melissa. Huminga ng malalim si Melissa at bumalik sa pwesto niya.
"Now will you tell me why are you ignoring me?" tanong ni Melissa.
"Nagsekgidjdklos ako." Medyo pabulong na sabi ni Ariel kaya di masyadong naintindihan ni Melissa.
"Ano yun?"
"I'm jealous. Okay?" She was taken aback. Bakit naman kasi magseselos si Ariel?
"Kanina bago tayo bumiyahe, niyakap mo ng pagkahigpit yung Koreanong namimicture sayo habang bumaba ka ng sasakyan. Tapos ansaya saya mo nung nakita mo siya tapo-" Hindi natapos ni Ariel ang sasabihin pa niya dahil inilagay ni Melissa ang hintuturo niya sa labi ng binata.

BINABASA MO ANG
A Song For You[ASFY]
Fiksi Remaja[UNDER EDITING] A typical love story of a typical boy and a not-typical girl who fell in love with each other since who-knows-when.