Stanza 7

429 10 1
                                        

Friday na at huling araw na ng intramurals. Ngayong gabi ang gabing pinakahinihintay ng lahat. Ang Mr. and Ms. Intramurals.

"WAAAAH! Steph! Kinakabahan akooo!" hinahampas ako ni Mariell. Andito siya ngayon sa harapan, sa media staff. Gusto daw niyang maglabas ng kaba. Kinakabahan daw siya mamaya, baka daw madapa siya, madulas, mabulol at malala na talaga, MAHUBARAN daw. Baliw na talaga tong bestfriend ko. 

"Uy! Steph! Wat if mapahiya ako sa harap ni Jethro? Ano na lang isipin niya? WAAAAH!" Panay Jethro ang lumalabas sa bibig. 

"Hoy! Babaita! May gusto ka kay Jethro noh?" i said with a grin. 

"H-ah? W-wala noh! P-pinagsasabi mo?" Masyadong halata. Alam niyo bang masamang nagsisinungaling sa bestfriend dahil bago pa nila itanong, alam na nila ang sagot? 

"Wag ka nang magsinungaling. Kilala kita since first year."

 "Tss." yumuko siya. "Oo na. Crush ko siya. CRUSH lang." Inemphasize talaga yung salitang crush. Wow. May love life na yung best friend ko. Siguro si Melisse ang sunod. Tapos si Troy. Ako? Baka maging 27 Dresses ang drama ko nito.

***

 4 pm na. Ito na ang oras na nilaan para sa paghahanda ng mga kandidato sa Mr. and Ms. Intramurals 20**. Ate syempre, mawawala ba naman kaming mga bestfriend ni Mariell sa kanyang dressing room, pati nga si Troy andito. Each candidate has their own dressing room, the classrooms were used as their dressing rooms.

Inaayusan na ng stylists si Mariell habang kaming mga besplens niya ay nakaupo lang. At dahil sa may duty pa ako sa school paper, kinuhanan ko ng pics si Mariell. Nagpaalam na rin ako na lumabas para makunan ko rin yung iba. Pumunta ako sa gym para matulungan ko na rin yung pagset-up ng mga lights, yung speakers na ilalagay all over the place, pati na rin ang chairs. Yung sashes at yung crowns rin. 

"Dongsaeng! Pakiremind si Anna at si Rean about sa awarding later ha. Sila ang magpapasa ng crowns." utos ni ate Kim sa akin.

"Neh, unnie." Sabi ko. Half korean kasi yan si ate Kim kaya napapaKorean din ako sa tuwing kausap ko siya. 

Pumasok ako sa dressing room ni Jethro dahil sure ako andito si Rean. Pagbukas ko ng door andoon silang tatlo. Ariel, Jethro and Rean. Infairness, pogi sila.

"Oy! Rean! Later ha! Bring your confidence. First ramp pa naman kayo ni besplen." sabi ko.

"Ohsure, Melissa." Para namang magpo-prom ang mga tao dito. Sinara ko na ang pinto tapos bumalik na ako sa dressing room ni Mariell at naabutan ko na rin na inaayusan na si Melisse. Ayos to ah!  

"Hoy! DJ Steph, don't tell me yan ang suot mo mamaya habang nagdi-DJ ka?" bulyaw ni Troy. 

  

Napatingin ako sa suot ko. Nagkibit balikat lang ako at umupo sa isa sa mga upuan.

"Eh! Troy! Wala naman akong damit na dala eh!" sabi ko.

Nagtinginan silang tatlo at ngumisi ng nakakaloko. "Lagi akong kawawa sa mga ngiting yan." sabi ko sabay tago sa likod ng dresses.

A Song For You[ASFY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon