Stanza 11

354 8 0
                                    

STANZA 11


Lyza's POV


Lyza Shaina Marino, ang nag-iisang sister ni Melissa Steph Marino.... syempre kasi brother na yung iba. XD Hahaha.... Steph described me as a busy girl, right? :) Well, that was just a part of the desrcription.

Dito lang magsisimula ang maliit na part ko sa story na to. Kay bunsoy tong story eh, hindi akin. XD

Ayan, nakasakay na kami sa van papunta ng villa ng tito nila Jared. Si Jared Manalo po ay aking bestfriend. :D Lalaki yan ah! Di yan bading! Isang lalaking magaling sumayaw. :) Matalino at gwapo rin yan.

So, 6 hours ang travel. Anlayo naman! Grabe! Time check, it's 11:00 pm

"Huy! Jethro! Wala ka bang roadtrip gig diyan?" kinuhit ko si Jethro.

"Ate Lyza... kanta na lang tayo!" energetic niyang sinabi. 

"Abnoy! Hindi naman ako magaling kumanta eh.

"Si Mervin!" sabay tingin niya kay Mervin.

 "Oy! Nanahimik ako eh." Laging walang buhay tong taong to.

 "Si Melissa pala!" sabi naman ni Rean.

 "Oo nga. OY! Melissa! Kanta ka naman!" napalakas ata ang pagkasabi ni Jethro. Lumayo si Lisa eh.

 "Ano naman kakantahin ko?" At talagang kakanta si kapatid? or bored lang siya? ganyan yan eh. kapag bored kahit ano papatulan. ANO ha.. hindi SINO.

 "Just the Way You Are, Steph!" suggest ni Anna.

 "Oo nga." nag-agree yung iba.

  

Umiwas ng tingin si bunsoy. Tumingin siya sa labas. Wrong suggestion ang Just the Way You Are. Ayaw na away niyang pinaparinig yan sa kanya.

"Ehh... Mag-acapella ako? Para naman akong tanga nun!

 "Mag gi-gitara ako , Steph." papre-presenta ni Mervin. Maluwag naman sa van eh kaya walang problema.

 "Kailangan yun ang kanta?" napansin kong napatingin si Ariel kay bunsoy. Hala! 

 "Magaling ka naman kumanta nun eh!" pagpuri pa ni Lisa.

 "Oh! Tapos may digital piano ako dito sa ipad ko. Pwedeng sabayan ko si Mervin para mas maganda pakinggan lalo na pag kumanta ka." sabi naman ni Rean. 

 "Di ba pwedeng ibang kanta na lang?" halatang iniiwasan niya yung kanta ah.

 "Bagay naman sayo yung kanta eh.

  

Natahimik lahat at tumingin kay Ariel.

  

"What? I'm just stating a fact." sabi niya sabay tingin sa labas. Nakakatawa tong dalawang to. Dulo-dulo talaga ang position sa upuan. Halatang may something. 

"Steph, kanta na kasi." Pagpilit ko. Tumingin siya ng masama kay Ariel na nakatingin sa labas, tapos sa amin.

 "O sige na nga lang." Pagsuko niya. Tiningnan ko si Ariel at nakita kong napangiti siya.

A Song For You[ASFY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon