Stanza 3

650 12 1
                                        

STANZA 3

Mabuti na lang at may extra clothes si Mariell dito. Isa rin kasi siya sa mga models di nga lang siya na-assign sa akin. Nasa locker room kami ngayon. Nagbibihis ako sa likod ng isang... basta yun na yun... yung tulad sa pinagbihisan ni Cinderella.

"Ano ba kasing nanyari sayo at naisipan mong magswimming abiir?" pagsesermon ni Troy.

"Hindi ko naisipang magswimming noh! Kasalanan to ng unggoy na nagngangalang Ariel Drei Orento Buenaflor."

 "Ano ba kasing ginawa niya?" tanong ni Melisse.

 "Hinawakan niya yung dalawang wrist ko tapos nagpupumiglas ako tapos naout balance ako ayun natumba ako papuntang fountain at nadamay rin siya kasi ayaw nga niyang bitawan ako." sagot ko. Paglabas ko ng dressing room nakagrin sila. "Nakakatakot naman kayo. Parang may masamang balak yata kayo."

 "Bakit ka ba kasi niya hinawakan?" tanong ni Mariell. 

"Kasi daw bakit ako masungit sa kanya? Bakit ko daw siya tinatarayan. Sus. Paki ba niya!" sagot ko habang pinapatuyo ko yung buhok ko. 

"Yun lang? Eh bakit di mo kasi sabihin sa kanya?"  

"Alam naman niya eh! Inasar pa nga ako! Kaya panget talaga siya kahit kailan!" tapos sinuklayan ako ni Mariell. 

"Eh bakit ba kasi ayaw mo yun kalimutan?" tanong ni Melisse sabay upo sa sofa sa tabi ng salamin. 

"I was humiliated infront of our whole batch." sabi ko. "It's not that simple to forget lalong lalo na kung buong buhay mo, ikaw ang paborito nilang inaaway." 

"Hay naku, Steph. Yang inis mong yan mawawala kapag mawala na si--" Pinutol ko yung sinasabi ni Troy.  

"Oo, mawawala kapag nawala na siya. Kaya dapat ngayon pa lang mawala na siya para naman maging masaya na ako."

 "Di mo ako pinatapos." sabi ni Troy. "Sabi ko mawawala yang inis mo kapag mawala na siya dahil mapapalitan yan ng MISS.

Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya at feel ko kinilabutan ako doon. Feeling ko pa nga masusuka ako. "Hinding hindi ko mamimiss yung unggoy na yun!"  

"Dahil sanay kang mainis kapag nakikita mo siya tapos kung nawala na siya mamimiss mo rin ang naiinis sa kanyang mukha." sagot ni Troy. "Someday you'll miss him." dagdag pa niya.

"Troy, imposible yan. Walang someday sa calendar eh." sabi ko. "Thanks, Mar."

  

***

  

Three days ang nakalipas magmula noong nagswimming ako sa fountain. Mabuti na lang at class hours yun. Wala masyadong nakakita at walang nakapagvideo. Naku! Kung nagkataon at meron, ako na naman ang paboritong nerd ng bayan.

 "Di ka ba maka get-over, Steph?" tanong ni Troy. Siya lang kasama ko ngayong lunch time kasi busy yung dalawa sa ewan. Kaya andito kami sa kiosk.

 "Pano ba kasing di ako makaget over eh first time kong magswimming sa isang school fountain. Tsk." sabi ko sabay kagat ng sandwich ko. "Lagi ko pa siyang kasama dahil sa photoshoot at kailangan ko pang siyang kausapin. Leche flan." dagdag ko pa.

A Song For You[ASFY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon