Stanza 10

434 9 0
                                        

STANZA 10

 

Ariel's POV 

Hindi niya ako nilingon at lumabas na ng gym. Napahilamos na lang ako. Mabuti na lang nasalo ko siya kung hindi eh... wala na akong babaeng susundan kada breaktime. Oo, sinusundan ko siya kaya parating nagtatagpo ang landas namin.

"Ayos ka rin bro! Nakachansing ka na sa lifetime crush mo!" sabi ni Rean sabay akbay sa akin.  Alam na nila. Actually kay Rean ko pa lang yun nasabi eh. Ewan ko na kung paano umabot sa bestfriends ni Melissa. 

Preparation time na para sa pageant mamaya. Magkatabi ang "dressing room" ko at sa bestfriend ni Melissa. Sa isang room na lang kaming tatlong magbestfriends, ako, Rean at Jethro. Sa tingin ko ganun din yung ginawa nila Lisa at Anna sa kabila. Lumabas si Rean sa ewan ko anong dahilan at naiwan kami ni Jethro.

 

"Drei, crush mo si Melissa noh?" nabigla ako sa tanong niya.

"Hah? A--ah... Hindi noh." sana di niya napansin na nautal ako.

"Kilala kita since grade 1, Drei. Alam ko kung nagsisinungaling ka. Tumitingin ka sa taas." sabi niya habang nilalagyan niya ng wax yung buhok niya.

"Hah? H-hindi naman ako tumingin sa taas ah!" pero oo, tumingin ako.

"At nauutal ka." nilingon niya ako at nagsmirk. 

 

Okay, talo na ako. Nahuli na ako. Tapos? Ano naman ngayon kung alam na niya? Mag may-the-best-man-win kami? Talo na ako. Alam ko namang magkakagusto si Steph kay Jethro dahil nasaktan ko siya at wala siyang planong patawarin ako. 

 

"Tss." umiwas ako ng tingin at umupo sa isa sa mga desks. "Ano ngayon? Makikipag may-the-best-man-win ka?" tapos humagalpak siya ng tawa. AS IN TAWA! Ngayon ko lang siya nakitang tumawa ng ganyan kagrabe! Nung medyo kumalma na siya, kinausap ko na. "Tapos ka na? Pwede na ako magsalita?

"HAHAHA... Drei, grabe ka! HAHAHA... Alam ko na. Hindi mo na crush si Melissa." sabi niya. BOBO! Kasasabi ko lang eh! "Kasasabi ko lang na crush ko tapos sasabihin mong hindi! Bopols!"

 "May pa may-the-best-man-win ka pang nalalaman! HAHAHA... yung sabi kong feelings ko kay Melissa, kalimutan mo na yun! Hininto ko na yun nung inapi siya ni Lianna nung first day ng intrams." hah? bakit? Eh dibah ni-love knot sila? Edi ang saya dapat niya! Dapat nagtake advantage siya! Bobo na lalaki!  

"Oh, tapos?" Biglang nag-open yung door at bumulaga sa amin ang tatlong bestfriends ni Melissa, si ate Lyza at si Rean.

 "Jethro, hawakan mo yan!" sabi ni Lisa sa kanya. Aba! At hinawakan nga talaga ako ni Jethro. Ano to? Ambush? Raid? May warranty of arrest ba? 

"Drei, nasabi ko sa kanila na crush mo si Melissa. Sorry ha, nadulas ako. Eto kasing si Anna eh." at nakatanggap siya ng batok galing kay Anna. 

"Ariel Drei Buenaflor, crush mo nga ba talaga ang kapatid ko?" seryosong tanong ni ate Lyza.

 "Hindi niya crush si Melissa." sabi ni Jethro. Aangal na sana ako kaso tinuloy niya yung sasabihin niya. "Mahal na niya. Obvious naman eh! Kasama ko lagi tong taong to at napansin ko na kung saan pumupunta si Melissa, dun din punta niya." Best friend rule number one, never lie to your best friend. 

A Song For You[ASFY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon