..... Sa lugar naman ng di gaanong kilala oh kaya naman matatawag natin na lugar na wala sa mapa. Napaka maaliwalas at magaganda ang tanawin nito.malinis ang mabubungaran mo ngunit sa kabila ng ka aya ayang lugar na ito may lihim itong natatago.isang misteryo na kahit sino man ay di aakalaing mangyayari sa kanila. Katulad na lang ng nangyari kay ador na naliligaw sa lugar na ito . hinahanap nya ang mga kasamahan nyang riders. Akay akay nya ang kanyang motorsiklo. Habang naglalakad sa haba ng nilakbay nya matinding pagod,gutom,at pag aalala sa mga kasama nya ang nasa isip nya. Nabuhayan sya ng loob ng may makita nya na may dalawang kalalakihang naglalakad papasalubong sa kanya. Masaya nya itong sinalubong at ng magkasalubong ay agad nya itong kinausap.
"Mga igan maaari bang magtanung.?
Salubong ni ador bigla naman sumagot ang matangkad at morenong lalaki ng medyo may kapilyuhan."Oo ba pwedeng pwede magtanung wag nga lang math..
Bwuahhaahahahh......Sagot ng matangkad na lalaki napahagalpak din ng tawa ang kasama nito na may kaitiman ang balat matangkad din at maskulado.
Napaisip ng malalim si ador kung bakit ganun ang salita ng lalaking kaharap nya habang natawa ito sa harapan nya di sinasadyang naamoy ni ador ang hininga nito."Mukhang sabog naman itong isang ito sa hininga pa lang hindi maitatangging nag weeds ito eh."
Sabi sa sarili ni ador pero kahit ganun sadya talagang kailangan nyang mag tanong.
"Ah eh may mga napansin ba kayong napadaan dito na may mga motorsiklo? Ilang araw na silang nawawala eh. Nasiraan kasi ako eh kaya napahiwalay ako sa kanila.
Paliwanag ni ador sa dalawa.
Pero bago sumagot tulad ng una kapilyuhan na naman ang sinabi ng isang lalaki."Haah hahahaha! Nasiraan daw sya mate eh buti kaming dalawa lakas tama lang ikaw nasiraan ng bait hahahahaha...."
Sabi ng negrong maskulado.
"Ah hindi ako yung motor ko nasira ang makina.
Sabat ni ador.biglang natahimik ang dalawang kaharap nya. Bahagyang lumapit ang lalaking matangkad
BINABASA MO ANG
TWO BAD WOLF
HorrorNagkatuwaan ang magkakabarkada na mag roadtrip ngunit sa kasawiang palad nasira ang kanilang sinasakyang van at napadpad sila sa isang lugar kung saan magaganap ang isang bangungot sa kanilang buhay at doon din nila makakasalamuha ang dalawang mag k...