"chapter 29"

2 0 0
                                    

....
Habang nag aantay ang mag kumpare may hinugot na alak si mozimo galing sa dala nyang malaking telang bayong.

"Oh uminum muna tayo pare"

Sabi nya walang imik na inabot ni tolome ang alak saka binuksan.

"Ang tagal naman ng mga yun"

Sabi uli ni mozimo.

"Naku lasing yung dalawang yun may pagkakanibal yun pag lasing baka nilalapa na nila yung matanda."

Sagot ni tolome.

"Di bale baka may parte pa ng katawan ng matandang yun yung ipapasalubong sayo ng mga bataan mo."

"Hahahahahahahah..
Oo nga dati na silang ganyan may sampung taon na silang naninilbihan sa akin maloko ang mga yan pag nakainum."

"Buti naging tapat sa iyo ang mga yan."

"Oo naman pareng tolome tapat yan pag lasing na lasing yang dalawang yan tatay ang tawag sa akin haahahahaha.....!"

"Bakit kinupkop mo ba sila."

"Oo naawa ako kasi parang pasan ang daigdig ng dalawang yan nung makita ko e."

"Iba naman dito kay armando panghihiganti at sama ng loob sa mga tao ang dahilan kaya sumama sa akin pero kinupkop ko sya."

"Vakit? Ano bang pinagdaanan nya bakit rebelde yan?"

"Pareng tolome si armando dating taong normal yung lola at nanay nya mag ina yun e manananggal pala pinatay ng mga kabaryo nila pati yung tatay nyang may sakit sinunog ng buhay sa bahay dahil sa tinatawag sya ng kalugar nila sa labas ng tahanan e sa karamdaman di makatayo inakala ng mga tao na nagtatago ayun sinunog at ang puntong yun labing limang taon si armando sinagip ko sya at itinago ayan bente singko anyos na sya ngayong halimaw."

"Ang hirap kasi sa mga normal na tao kapag aswang ka papatayin ka agad pero pag sindikato ka papakulong ka lang mali yun pre.
Dapat patas patayin din diba?"

"E di ba sindikato rin tayo? Magpatayan din kaya tayo pareng tolome.?"

"Chee!!! Uminom ka na lang."

Sagot ni tolome saka abot ng bote kay mozimo.inabot naman ni mozimo at tinungga sakto pag baba nya ng bote ng alak nakita ni mozimo na pabalik na yung tatlo.

"Ui pareng tolome yung mga bata mo mukhang nakakuha ng bagong kaibigan haahahhahah hindi naman ata nag laban yan baka nag inuman lang tago mo toh baka mahingi pa."

Sabi ni mozimo saka inabot ang bote kay tolome bago magsalita si tolome inantay nyang makalapit sa kanila ang tatlong magkakasama.
Tumungga muna sya ng alak at ng nasa harapan nya na ang mga bagong dating kinausap nya ang mga ito.

"Anong nangyari kusa ba syang sumuko sa inyo.?"

"Oho gusto nyang manilbihan sa inyo amo"

Bungad ni zandro.
Napatitig si tolome kay arturo tumayo at kinausap sya.

"Gusto mong manilbihan sa akin sa anong dahilan?"

"Wala na po akong pamilya inubos sila ng mga lobo"

Sagot ni arturo.
Tinalikuran sya ni tolome ngunit muling nagsalita.

"Ang ibig mong sabihin maninilbihan ka sa akin upang makaganti sa mga lobo pagkatapos ano.?"

"Patuloy akong maninilbihan sa inyo mahirap pong mabuhay mag isa."

Paliwanag ni arturo na sinabatan ni mozimo.

"Oh e di tatlo na ang alalay mo oi manong sa akin gusto dadalhin kita sa lungsod daming magagandang dilag doon may mga sinehan at atbp. Pa ano?"

"Pare sa akin lumapit e hindi naman sayo."

"Hindi baka gusto nya lang masama bang mag alok.?"

Sabi ni mozimo.
Muling humarap si tolome kay arturo.

"Sige tatanggapin kita ngunit iharap mo sa akin si arturo kakailanganin natin sya sa pakikipag laban sa mga lobo kayong dalawa samahan nyo sya sa kinaroroonan ni arturo."

"Opo amo"

Sabay na sagot nina zandro at gardo.
Hinatid sila ng tanaw nina tolome at mozimo.

"Tinanggap mo agad sya na walang pag aalinlangan?"

Sabi ni mozimo.

"Oo sa tingin ko kailangan nya ako upang makapag higanti sa mga lobo."

"Kung duda ka maaari mo syang ibigay sa akin pare."

"Bakit? ba sa akin sya lumapit e ang kulit mo pare!"

"Nagbabaka sakali lang pare hahahaahahah....
..."

"Wala kang pagbabago pare makulit ka pa rin"

"Oo nga pala pareng tolome sa susunod na bakasyon dadalhin ko si omeng dito ah pag babakasyunin ko muna pasaway din e."

"Oo ba maganda dito pareng mozimo siguradong magkakasundo sila ni alfonso."

Sagot ni tolome.
Sabay pa silang natawanan ni mozimo.
Mga ilang minuto muling nagsalita si mozimo.

"Pare pag palagay mo mas maganda yung tahimik na bayan di ba?"

Sabi ni mozimo na ikinagulat ni tolome.

"Pare bakit ganyan kang mag salita? mamaalam ka na ba? may taning na ba ang buhay mo.?"

"Tang ina mo..! naman pare. Hindi sa ganun yung bang hindi kailangan ng digmaan para makapanakop ka ng bayan eh masasakop mo nga wala ka namang ikakayaman papaano'y napatay mo na yung mga taong magpapayaman sayo."

"Teka pareng mozimo ano bang gusto mong mangyari? di kita maintindihan e"

"Ipapaliwanag ko sayo ah..
Gusto ding makitang maunlad ang bayan na ito. Yung bang maliit na lungsod at yayaman tayo sa pamamagitan ng mga taong naninirahan dito."

"Sa papaanong paraan naman pareng mozimo.?"

"Sa pamamagitan ng pera may mga tao sa maynila na maaari nating maging ka transaksyon."

"Tulad ng...?"

"Kapag kailangan na natin ng pagkain sila ang mag dadala ng mga bihag dito at yung iba ipagbibili natin ng mahal upang ikayaman natin sa palagay mo pare.?"

Sabi ni mozimo.
Sandaling nag isip si
Tolome at biglang napangiti ito.

"Parang maganda yang naisip mo ah yayaman tayo riyan.sige kailan ang umpisa ng kalakalan.?"

"Itong darating na bakasyon."

"Sige aasahan ko yan."

Sagot ni tolome sabay lagok ng alak.

******************************************************************

TWO BAD WOLFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon