"chapter 28"

3 0 0
                                    

...
Tahimik na naglalakad ang magkumpare nasa likuran nila si armando.
Ng madatnan nilang natutulog sa ilalim ng puno parehong nakahubad ng pang itaas na damit at maraming nakakalat na bote ng alak.

"Pambihira hanggang ngayon lasing pa rin sila.?"

Sabi ni mozimo
Nilapitan naman ni tolome ang kanyang dalawang alalay. Napansin nyang mayga galos at pasa ang dalawa kaya ginising nya ang mga ito.

"Magsibangon nga kayo.!"

Sabi ni tolome.agad nagsitayuan ang dalawa nagpanggap na nagulat at kunwari may tama pa ng alak.

"Ay amo kamusta may alak pa ba kayo dyan.?"

Sabi ni gardo.
Napailing si tolome.
At si mozimo naman ang tinignan ng dalawa.

"Ah duon sa pasilyo may alak doon mas mabuting doon na lamang kayo uminom baka mapahamak lang kayo dito."

Sabi ni mozimo.walang imik na umalis ang dalawa na kunwari ay pasuray suray upang kapani paniwala ay nag panggap na nadapa pa si gardo.

"Ahhnoh bah lashing kah bah..hik*"

Sabi ni zandro.

"Ahnong laashing tinulak mo ko e.hik*"

Sagot ni gardo habang kunwaring nagtatalo iniwan sila nina tolome at mozimo.

"Sa ganyang sitwasyon nila e di sila makakalaban ng maayos tayo na lang ang magpunta sa kampo ng kalaban.

Sabi ni mozimo habang naglalakad di naman naimik si tolome.
Nang malayo na ang nararating nila tolome muling pomormal sina zandro at gardo.

"Ano na gagawin natin ngayon?"

"Magmasid lang tayo sa palagay ko gardo nakahanda na rin si arturo sa pagdating ni tolome."

"Maaari ba natin silang panoorin.?"

"Oo kailangan nasa malayong lugar tayo gardo."

"Hmmm.. Zandro may naisip akong paraan bumalik tayo ng palasyo kumuha tayo ng alak saka tayo sumunod sa kanila."

"Anong balak mo gardo.?"

"Akong bahala tara na."

Walang ng tanong na lumabas sa labi ni zandro naisip din nya na baka maganda ang gagawing paraan ni gardo.
Samantala habang naglalakad ang tatlo huminto agad si armando.

"Teka..!"

"Ano yon armando?"

Mahinahong tanong ni mozimo.

"Dito lang kayo."

Sabi ni armando saka humakbang ng anim na hakbang.

"Lumabas ka harapin mo ko"

Sabi ni armando.
Di naman nagtagal ay lumabas sa tinataguan si arturo.
Napangiti si mozimo.

"Pare halika dito tayo maupo sa malaking bato panoorin natin ang laban."

"Maganda pa nga."

"Ano pustahan."

"Sige pareng mozimo dalawang tipak ng pilak."

"Bakit dalawang tipak lang?"

"Eh dehado ako e duon ka kasi pupusta sa bata mo e."

"Ahahahha sige pag nanalo yung matanda doble ang matatanggap mo pagtalo ka e iuuwi ko yung apat na dalaga na bihag mo."

Nag isip ng malalim si tolome bago magdesisyon.
Paano'y nanghihinayang sa apat na dalaga.

"Ok sige laban"

TWO BAD WOLFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon