"chapter 15"

2 1 0
                                    

.....
Nagmamadali sa pagtakas si lorna hanggang may natanaw syang bahay agad agad syang pumunta duon ginalugad ang paligid.

"TAO PO..!!! Tao po tulungan nyo ko.

"WALANG TINDANG YELO DITO PASENSYA NA...!!!"

sagot ng taong nasa loob ng bahay binale wala yun ni lorna agad nyang binuksan ang pintuan nabungaran nya ang dalawang kalalakihan.
Nagalit ang isa.

"Hala pasok ka ng pasok ni hindi ka man lang marunong kumatok.!"

"Lumabas ka nga uli kumatok la muna"

Sabi ni emong .
Sumunod naman si lorna sa utos ni emong. Agad ngang lumabas si lorna at kumatok.

"Tuloy bukas yan Haaahahhaaaaahahahahah."

Sabi ni domeng ma sinabayan ng tawa ni emong
Pagpasok ni lorna di nya inintindi ang kapilyuhan ng dalawa agad syang humingi ng tulong dito.

"Pakiusap tulungan nyo ko nasa panganib ang mga kasama ko."

"Sino si ador ikaw ba yung kasintahan nyang si grace"

Tanong ni emong kay lorna hindi agad makasagot si lorna sa sobrang taranta sinakyan na lang nya ang tanong ni emong .

"Oo matagal ko na syang hinahanap maaari nyo ba akong tulungan.?"

"Galing ka ba sa tulay?"

Tanong ni domeng na tinangohan naman ni lorna
Sa puntong yun nagkatinginan ang magkapatid.

"Sa makatuwid sa tagal ng panahon may nakabalik na galing sa tulay at ikaw yun ...? Teka sino ka nga palang babaeng nakatapis.?"

Sabi ni emong.

"Ano ka ba kasasabi mo pa lang kanina."

"Ay ako ba? Tanga ko naman hay! Teka papaano ka nakabalik?"

"May tumulong sa aking manong."

"Alin yung matangkad maskulado na mahaba ang buhok balbas sarado na artistahin."

"Oo sya nga kilala nyo sya?"

"Hindi!"

Sagot ni emong.

"Tatay namin yun"

Sabat ni domeng.

"Ano bang nangyari at ganyan ang itsura mo?"

Tanong ni emong kay lorna ipinaliwanag ni lorna lahat pati ang pagligtas sa kanya ng ama ng dalawang kaharap.

"Kailangan nating iligtas si ador baka mapahamak sya."

Sabi ni emong sabay tayo sa kinauupuan.
Na inawat naman ni domeng

"Kuya paano yung bilin ni tatay sa atin na wag na wag tayong tatawid sa tulay.?!"

"Domeng may kaibigan tayong dapat iligtas hayaan mo ng magalit si tatay kahit papaano mailigtas natin si ador ngayon pa na alam na natin kung ano ang meron sa tulay na yun."

"Sige pagnagalit si tatay ikaw ituturo ko ah.?"

"Bakit ako lang sasama ka diba eh dalawa tayong yari kay tatay."

"Ay! Di na dito na lang ako bahala ka dyan!"

"Ano ba kayo magkapatid kayo dapat nagtutulungan kayo sa lahat ng bagay."

Sabat ni lorna.

"Bakit ikaw di ka magpalit ng damit ang panget ng itsura mo sa suot mong yan e."

Sagot ni emong
Di naman makaimik si lorna tinignan din nya ang sarili na gulagulanit ang damit.

"May mga damit ba kayo dyan?"

"Meron pumili ka dun sa aparador may maisusuot ka dun."

Sabi ni domeng .
Habang abala si lorna abala rin ang magkapatid sa paghahanda ng mga dadalhin nilang gamit dala ang sasakyang gagamitin nila.
Paglabas ni lorna galing sa kwarto nakahanda na ang magkapatid.

"Tara na hanapin natin si ador."

Sabi ni emong.
Tumango lang si lorna at sumunod kay emong palabas ng bahay.
Nagulat sya sa nakitang sasakyan.

"Wow! Hammer saan galing yan "

"Sa dati naming kaibigan bago sya mawala ibinilin nyang alagaan namin ang sasakyang yan kaya ayan alagang alaga."

Sagot ni emong.

"Oh tara na"

Sabi ni domeng agad sumakay si lorna kasunod si emong.

*****************

TWO BAD WOLFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon