"CHAPTER 11"

5 1 0
                                        

(Tony.darwin.lorna)

Samantala nasa kalagitnaan na sila ng kabayanan takang taka sila sa kanilang nakikita parang isang lugar lang din ito sa maynila na mataong lugar may pamilihan may mga bahay na akala moy sa tabing ilog mo lang makikita.

"Ano toh' nasa lungsod na tayo? wow ah.

Sabi ni darwin.

"Hindi nasa divisoria tayo haaahaaaa.

Sabi ni lorna.
Samantalang si tony tila ba'y may hinahanap sa karamihan ng tao.

"Ui! Ano ba ang hinahanap mo dyan.?

Sabi ni darwin.

"Eh di mekaniko.

Sagot ni tony.

"Eh di magtanong ka.

Sabi ni darwin.

"Eh di magtanong.

Sagot ni tony saka naghanap ng matatanungan.
Isang binatang lalaki ang dumaan sa kanyang harapan at ito ang kanyang tinanong.

"Ah pogi may kilala ba kayong naggagawa ng sasakyan dito.?

Tanong ni tony

"Ah wala po ang mamang nakatayo sa plasa maraming kakilala yun dito at marami din yung alam sa ibang bagay.

Sabi ng binata habang nakayuko.na bagay na pinagtataka ni tony.

"Alin dyan? Yung mamang yun na naka sando na may edad na?

Tanong ni tony.

"Opo sya nga po yun sige po mauna na ako may pupuntahan po kasi ako.

Sabi ng binata at nagmamadali na itong umalis.

"Bakit? Ganon ang mga tao dito.

Sabi ni tony. Sinubukan nyang lumapit sa itinuturong lalaki ng binata.dito nagtanong si tony.

"Ah manong may kakilala ba kayong nag aayos ng sasakyan?

Tanong ni tony sa lalaking nakasando.magsasalita sana ito ng may biglang dumating.

"Ah ano bang kailangan natin kaibigan baka may maitulong ako?

Sabi ng bagong dating na lalaki.nahihiwagaan naman si tony sa mga itsura ng mga taong nakikita nya sa baryong yun parang mga taong di nasisinagan ng araw mapuputla ang mga kutis at nanunuyot ang labi.pero para di mapahiya ang kaharap ito ang kanyang hinarap.

"Eh naghahanap po kami ng mga kasama ko ng taong marunong mag maintain ng sasakyan.

Sagot ni tony na nililingon ang unang lalaking kaharap nya medyo nailang si tony pano ba naman nakakatakot ang tingin nito para ba syang aatakihin nito sa sama ng tingin sa kanya.
Napansin yun ng kanyang kaharap kaya niyaya si tony ng kanyang kaharap.

"Halika't pupuntahan natin yung sinasabi mong manggagawa ng sasasakyan.

Sabi ng lalaking kausap ni tony habang hawak hawak sya sa kanyang braso.takang taka naman si tony sa unang mamang lalaking kakausapin sana nya.ng biglang humangin ng malamig biglang may sumabay na tinig na sumagi sa tainga ni tony.

"Mag iingat ka kanya iho.."

Sabi ng isang tinig at ng lingunin na ni tony ang unang mamang lalaki na lalapitan nya ay wala na ito sa kinatatayuan.

"Tara na ayaw nyo bang maayos yung sasakyan nyo?

Sabi ng mamang kasama nya.

"Yung mama nawala sya nakita nyo ba?

Sabi ni tony sa kaharap.

"Anong mama tayo lang ang tao dito e ay naku! marahil nagugutom kana halina't kayo ay makakain tara sa bahay.

Sabi ng mamang kaharap ni tony.
Kahit nagtataka ay mas minabuti ni tony na sumama sa lalaki.

"Hmmm oo nga pala ako nga pala si omeng duon lang sa kabilang dako ang bahay ko.

Sabi ng nagpakilalang si omeng

"Ah ako naman po si tony ayun po yung mga kasama ko nag aantay sila duon.

Sabi ni tony at itinuro yung dalawang kasama nya na walang kamalay malay ang pagdating nila nagulat pa sina lorna at darwin sa kanilang pagdating.

"Oh ito na pala si tony.

Sabi ni darwin.
Napansin naman ni lorna ang kasama ni tony.

"Sino sya?

Tanong ni lorna

"Ah si omeng sya yung may kakilalang mekaniko dito sa lugar nila inanyayahan pa nga akong kumain sa kanila eh.

Paliwanag ni tony na syang ikinatuwa ni darwin.

"Sus! Nagyayaya palang kumain tara na saan ba sa inyo ng makakain.

Sabi ni darwin.

"Ah duon lang sa kabilang kanto sumunod kayo.

Sabi ni omeng at nauna na itong lumakad.

"Sigurado ba kayo dyan.?

Tanong ni lorna sa dalawang kasama.

"Dami mong kuda kasama mo naman kami matakot ka pag ikaw lang ano tara na nagugutom na ko.

Sabi ni darwin at sumunod ito kay omeng.
Napahawak na lang si lorna sa braso ni tony at saka na lang sila sabay na sumunod.

*********************************************************************************

TWO BAD WOLFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon