"chapter 24"

2 0 0
                                    

(Ang nakaraan ni arturo 4)
    ( pag babalik ng lobo)

Naging mabilis ang pagtakas nina zandro at gardo pagdating nila sa unang kuta hawak na ito ng hukbo ni mozimo.
Agad silang umalis at tulad ng unang kuta ay sakop na rin ng hukbo ni mozimo. Umalis silang dismayado.
Pag dating sa pangatlong kuta ay nagaganap ang digmaan kitang kita nila ang bangis ng hukbo ni mozimo ng magulat sila sa itsura ni itok nakabitin ito ng patiwArik agad yun nilapitan ni zandro na suportado ni gardo kung sakaling may sumalakay agad silang  nag palit ng anyo upang di makilala.
Paglapit ni zandro kay itok mabilis nya itong  nakalagan ng tali gamit ang matalas na kuko ganun din kabilis ang pagtakas nilang tatlo na wAla man lang nakapansin ni isa. Ng makapagtago ay kinausap si itok ng dalawa.

"Anong nangyari itok .?"

Tanong ni zandro.

"Ahhh.. Ahhh masyado silang malakas mabilis at mabangis hindi natin sila kaya."

Sagot ni itok sa dalawa.
Nagkatinginan ang dalawa at tumingin kay itok .
Isinama nila ito sa pinaka huling kuta nila ang mismong tanggapan nila .
Pag dating duon ay agad kumilos si gardo si zandro naman ay may inabot na batong itim kay itok.

"Isubo mo ito kailangan mong maging katulad namin hindi tayo magtatagumpay kung tao ka pang normal mamatay ka lang ng walang kalaban laban."

Sabi ni zandro ngunit nagdadalawang isip si itok.

"Kailangan mong gawin ito kapag hindi mo ito magagawa mapapahamak ang pamilya mo dito sa huling tinataguan natin"

Paliwanag ni zandro kay itok ng bumalik si gardo at may kasama itong lalaki.

"Ka zandro ito na po yung pinagagawa nyo sa akin tapos na po."

Sabi ng lalaki at binigay kay zandro ang damit na malaki.
May kabigatan ito at ibinigay kay itok.

"Oh ayan dalhin mo yan kay arturo sya ang gagamit nyan upang magpanggap na ekstranghero."

"Talaga po ka zandro.?"

"Oo proteksyon yan para di sya makilala ni tolome."

Sabi ni gardo.

"Ngayon itok hindi mo madadala yan kay arturo kung di mo kakainin ito."

Sabi ni zandro at muling inilahad ang itim na bato kay itok.

"Kung babay bay ka sa dagat makakasalubong mo ang hukbong pangdagat ni mozimo mawawala lang ng say say ang lahat.

Paliwanag ni zandro kay .
Sandaling nag isip si itok at pinagmasdan ang digmaan kitang kita nya ang mga kaanib na para bang nahingi ng saklolo at nakakaawa ang sitwasyon nahahabag sya at nagagalit.
Bigla nyang kinuha ang itim na bato at nilunok.

"Kailangan ng makabalik ng amo ko dito sya lang ang makakatalo dito sa mga hunghang na ito.."

Sabi ni itok at mabilis itong umalis kahit sya ay manghang mangha sa sarili parang ang lakas nya di sya hinihingal sa bilis ng kanyang takbo.
Ilang sandali lang ay nasa laot na sya kitang kita nya ang bangkang masasakyan nya ngunit para syang sinasakal naalala nya di na pala sya normal na tao.
Agad nyang isinuot ang nag sisilbi nyang gasmask. Naging mabilis ang lahat ng kilos nya tuwang tuwa si itok sa sarili. Pero natatakot sya kung malaman ng magulang nya na kung ano sya ngayon.
Samantala malayo pa lang natanaw na sya ni arturo.

"Sino ito isang bisita uli.?"

Sabi sa sarili ni arturo.samantalang si itok ay atat nagkakakaway sya kay arturo dun lang sya nakilala ni arturo nataranta si arturo tumakbo sya pakanan mula sa kinatatayuan nya sumenyas sya na gumawi sa kinatatayuan nya si itok sinunod naman ito ni itok.
Ilang saglit ay narating sya ni itok. Agad bumaba si itok.

"Amo ito pinadadala ni zandro para syo."

Agad na salubong ni itok kay arturo. may napuna si arturo sa mga kilos ni itok.

"Teka hindi ka ganyan nung una ah.?"

Usisa ni arturo kay itok hindi naman nagdalawang isip si itok na aminin ang lahat. Ng maipaliwanag ang lahat  ni itok ay naunawaan ni arturo ang ginawa ni itok.

"Kung gayon itok kailangan nating makarating ng maa.....
Teka ano yung mga yun. "

Sabi ni arturo habang nakatingin sa likod ng bahay nya nakita ni arturo ang pulutong ng mga bangkang itim napansin din ni itok ang mga bangkang paparating.

"Yan amo yung hukbong pandagat ni mozimo.

Sabi ni itok sandaling pinagmasdan ni arturo ang paparating na hukbo.
Bigla syang may naisip bumaling uli sya kay itok.

"Kung isang ganap na aswang ka lang hindi mo makakayanang harapin ang mga kalaban dapat mas higit pa sa pagiging aswang itok."

"Ano pong ibig nyong sabihin amo?"

"Ako ang magtatanong gusto mo bang lumakas tulad ko at kung oo isa ka ng ganap na mandirigma."

"Talaga amo aba'y oo gustong gusto ko sige po."

"Tumalikod ka itok."

Agad sumanod sa utos ni arturo si itok.
Bahagyang lumapit si arturo at tumingin sa kalangitan nakita ni arturo ang kabilugan ng buwan kahit may liwanag pa ng bahagya dahil sa sasapit na ang gabi
Nagpalit ng anyo si arturo.
Habang nakatalikod ay kitang kita ni itok ang malaking anino sa kanyang likuran lilingunin na sana nya ang dambuhalang anino ng may kumalmot sa kanyang likuran. Ininda nya ang sakit ngunit sadya nya talagang hinarap ang kanina'y nasa likuran nya.
Nagulat si itok ng makita ang malaking lobo

"Wahhhh
..!

"Masasanay ka rin itok gusto kong malaman mo na ito ang sikretong lakas ko ang kinatatakutan ng lahat.

"Amo ibig sabihin isa kang lobo.?"

" isinalin sa akin ng butihing kaibigan upang ipaglaban ang lupaing sinasakop ngayon ni tolome."

"Alin ang mala alamat na dating naninirahan dito.totoo bang sila ang unang nanirahan dito."

"Oo sila ang talagang nag hahari dito pero tulad ngayon nagkaroon ng digmaan at naubos ang kanilang lahi.
Itok alam mo bang tulad mo alalay lang din ako ng isang mandirigmang lobo.?

"Talaga parang alam ko na kung bakit mo ako kinalmot ah.?"

" mabuti't alam mo sa atin ang lupaing ito kaya ipaglalaban natin.
Teka sa kampo ilan ang mga hukbo ng mozimo na yun?"

"Sa tingin ko po amo nasa dalawangpung libo."

"At sa tingin ko itong hukbong pandagat ni mozimo at nasa sampung libo.
Hmmm... May napaka gandang ideya ako itok sa tulong mo may pag asa tayong manalo sa laban.marahil alam mo na ang binabalak ko."

"Parang ganun na nga magandang ideya nga ang naisip nyo".

Nagkaunawaan ang dalawa at pumuwesto na upang abangan ang pag dating ng mga kalaban unang nagpakawala ng palaso si arturo sapul agad ang unang bangka na ikinagalit ng mga kasamahan nito na bagay namang ikinatuwa ni arturo sa ganoong paraan sila ang puntirya ng hukbong pandagat. Imbes na didiretso ang mga ito sa bayan....

†***†***†***†***†***†***†**

TWO BAD WOLFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon