*******
Samantala naabot ni sarah ang piraso ng bubog .
"Ayan tama nga ikaskas mo sa nakatali kong kamay"
Sabi ni ador sumunod naman si sarah may 15 minuto rin bago tuluyang nalagot ang tali sa kamay ni ador at agad sya kumawala una nyang pinakawalan si sarah sumunod ay si warren.
"Salamat ador."
Sabi ni warren at agad tumayo sa pagkakaupo.
"What now?"
Sabi ni sarah .
"Humanap tayo ng sandata baka nariyan lang sila sa labas ng pintuan."
Sabi ni ador sabay sabay silang humagilap ng maaaring panlaban sa mga kalaban.
Ngunit nagulat sila sa isang tinig."Ano sa tingin nyo ang ginagawa nyo"
Sabi ni ana.
Sabay sabay silang tumingin sa pinanggalingan ng boses.natigilan sila sa ginagawa ng si ana naman ang nagulat paano'y imbes na ang kaharap ang sumagot sa likod ni ana naggaling ang boses."Eh di tatakas tanga ka ba?"
Sabi ni emong.
Paglingon ni ana isang ubod ng lakas na suntok ang inabot ni ana lipad sa ere si ana at bumalandra sa mga lumang gamit at hindi na muling nakatayo.
Gulat na gulat ang tatlong magkakasama.
Nakilala agad ni ador ang mga bagong dating."Kayo na naman."
"Oi! Tol si ador oh buhay pa hahahahahahaha "
Bulalas ni domeng
"Kaibigan kamusta bakit bigla ka namang umalis ng di namin alam"
Sabi ni emong.
Bahagyang lumapit si ador sa dalawa bago nagsalita."Kayo yung biglang nawala kaya umalis ako baka may balak kayo sa akin e."
"Wow! Ah ador hindi kami rapies ah.."
Sabat ni domeng.
"Pambihira naman pati ba naman pangongobeta ipapaalam pa namin sa iyo ador."
Sabi ni emong.
"Bakit sabay kayong naglaho ng kapatid mo?"
"Hindi talaga kami naghihiwalay kung nasaan yung dapat nandun din yung pangalawa"
Paliwanag ni emong.
"Wait guys magkakilala pala kayong tatlo?"
Sabat ni sarah.
Ng tignan sya ni emong may anung kislap sa mga mata ang lumabas kay emong wari nya isang anghel ang nasa harapan nya. Ni hindi na nakapagsalita si emong.kaya si ador ang sumagot." oo magkakilala kami nung panahong nawawalay ako sila ang unang nakakita sa akin kinopkop nila ako nag karoon lang ng di pagkakaunawaan."
"Ah mga kaibigan mo pala sila mababait ba sila.?"
Muling tanong ni sarah.
Hindi pa rin makaimik si emong titig na titig ito kay sarah. Muli si ador ang sumagot."Hindi ko alam di ko pa sila kilala masyado"
Sabi ni ador at doon lang umapila si emong.
"Eow! Walang laglagan naman ador kung tutuusin hindi kami talaga manghihimasok dito kundi lang sa.... HALA......! Yung jowa mo yun yung nagsabi na nasa peligro ang buhay mo yung si grace."
"Totoo ba yang sinabi mo emong?"
"Sa tingin mo ?"
"Katunayan nga nung pumunta sa bahay yun humahangos pa at naka panty at bra lang parang nag shower lang pero binigyan namin ng damit kawawa naman e"
Sabat ni domeng
"Oh mabait naman pala e"
Sabat ni sarah.
Sa sinabi ni sarah bumilis ang pintig ng puso ni emong.
Kinapa nya pa ito. Sabay bulong sa kapatid."Tol kinakabahan ako pagnagsasalita ang babaeng yan. Bakit kaya?
"Tol in love ka sa babaeng yan ."
"Ganun? Di naman siguro."
Napansin yun ni sarah kaya nag usisa ito.
"Anong pinag uusapan nyo.?"
Tanong ni sarah na ikinagulat ng magkapatid.
"Ah wala wala tara umalis na tayo"
Sabi ni emong ng bigla silang may maamoy na parAng may niluluto.
"Ano yun .?"
Tanong ni warren na sinagot agad ni emong.
"Yung kasamahan nyo yata niluluto na yung pata."
"Anong ibig mong sabihin si abel ba ang tinutukoy mo?
Tanong ni sarah na di masagot ni emong kaya siniko nito ang kapatid at sya na ang sumagot.
"Ganito kasi yun may narinig kaming hiyaw agad naming hinanap nung nakita namin nabungaran namin yung lalaki na wala ng dalawang hita. Bago sya malagutan ng hininga nagbilin sya na iligtas namin kayo tapos ayun natepok na dami kasing nawalang dugo sa kaibigan nyo e."
Paliwanag ni domeng. biglang naiyak si sarah sa sinabi ni domeng si warren naman ay nanlumo.
"Kailangan na nating makaalis dito sa lalo't madaling panaho."
Sabi ni ador.
"Tara na baka maabutan tayo ng kusinero dito."
Sabat ni emong.
Agad namang sumunod ang lahat mabilis ang pagkilos nila ngunit maingat bawat kanto ng paligid sinisiguro nilang malinis bago pumuslit. At ng marating nila ang garahe pumili sila ng masasakyan. At ng makapili nadismaya sila paano di nagana ang makina muli silang pumili pero lahat ng sasakyan ay sira ."Bwiset..! Paano ito anong gagawin natin.?"
Sabi ni warren.
"E di maglakad."
Sabi ni domeng
"Maaabutan tayo ng mga yun."
Sabi ni ador
"Ganito maiiwan kami dito ador bumalik ka sa bahay namin. Kumuha ka ng mga kailangan nyo para makabalik sa lugar ninyo."
Sabi ni emong
"Baka magkita kayo ng bata mo dun siguro sa mga panahong ito naroon sya sa bahay"
Sabat ni domeng.
"Sige salamat mga kaibigan"
Sagot ni ador.
Napangiti si emong sa narinig kay ador."Sige sana magkita pa tayo uli alam mo naman yung papunta sa aming bahay e.
Muling wika ni emong.
Agad umalis sila ador huling sumunod si sarah bago tuluyang tumalikod nag iwan ito ng isang matamis na ngiti kay emong.
Biglang na shock si emong animo'y nag yelo ang buong katawan nito.hanggang sa tuluyan ng nawala si sarah sa kanyang paningin."Tol anong balak natin.?"
Sabi ni domeng saka lang muling bumalik ang ulirat ni emong.
"Ano nga ba....?"
"Ay punyeta..! Nag paiwan tapos wala palang plano...!"
"Meron engot."
"Ano?"
"Mangalkal ng mga sasakyan baka may mga mapapakinabangan sa mga yan."
"Sus! Hindi na nga nagana ang mga yan eh papaano natin iuuwi yan.?"
"Hindi natin iuuwi ang mga yan kakahuyin natin."
"Sige tara"
Sagot ni domeng sabay kanya kanya silang sasakyang pinasok at naging abala sila sa pangangalkal ng mga gamit sa loob ng mga sasakyan.
†******************†††
Wew nagpaiwan kaya pala mangangalakal lang ano kaya makakalakal nila duon...
Salamat po sa pag babasa kahit di ko na eedit yung mga wrong spell pasensya na.....
BINABASA MO ANG
TWO BAD WOLF
HorrorNagkatuwaan ang magkakabarkada na mag roadtrip ngunit sa kasawiang palad nasira ang kanilang sinasakyang van at napadpad sila sa isang lugar kung saan magaganap ang isang bangungot sa kanilang buhay at doon din nila makakasalamuha ang dalawang mag k...