Samantala habang naglalakad papunta sa dagat hindi mapakali si gardo.
Panay ang tingin nya sa paligid ng kagubatan.
Napatingin sa kanya si arturo at nag usisa."Ano bang nangyayari sayo kaibigang gardo? panay ang lingon mo sa paligid ng kagubatan ah.?"
"Baka kasi may mga lobo dito e....
Teka... Hindi mo ba alam na sumalakay ang mga lobo sa kampo namin? ngunit di kami ang inatake nila kundi ang mga hukbo ni mozimo."Sabi ni gardo sabay tawa si arturo.
"Ako pa syempre alam ko wag ka nang mabahala kaibigang gardo wala ng mga lobo dito umalis na silang lahat."
Sabi ni arturo.
Nagkatinginan sina zandro at gardo takang taka sila at nag isip ng malalim.
Natawa uli si arturo ngunit kailangan maging maingat sa lahat ng sasabihin upang di makahalata sina zandro at gardo.
Muling nag alibay si arturo."Ang mga lobo umaatake lang kapag may naghahasik ng lagim sa lupain nila aalis ang mga yun pag wala nang masamang loob na naghahasik ng lagim dito."
Paliwanag ni arturo.
Naging mabusisi ang dalawa sa mga sinasabi ni arturo panay ang tanong nila tungkol sa alamat ng mga lobo naging abala sila sa kwentuhan habang naglalakad.
Hanggang sa makita sila ng grupo ni itok habang nag aabang sa kanya kanyang sulok ng gubat.
Nagtataka lang sila itok na bakit kasama muli ni arturo sina zandro at gardo.
Kaya naisipan nya at ng grupo na salubungin sina arturo at ang dalawang kasama nito."Anong nangyari at bakit kasama nyo sina ka zandro at ka gardo."
Tanong ni itok ng sumalubong sa kanila.
"Muling nasira ang plano iba ang pang yayari ng pagdating ko doon buti bumalik ang mga kaibigan ko."
Sagot ni arturo.
Medyo nadismaya si itok."Ano ngayon ang balak mo amo.?"
"Mag antay ng tamang pagkakataon kahit na matagal basta sa galamay ko babagsak si tolome."
"Sa ngayon manunungkulan si arturo kay tolome isa na sya sa magpapanggap na tau tauhan ni tolome."
Sabat ni zandro.
"Tama upang madali natin silang masusukol."
Sabat ni gardo.
"Kayo pong bahala kami ay nag aantay lang ng inyong hudyat."
Sagot ni itok.
Lumapit si arturo kay itok at may binilin sa kanya.
Agad yun natandaan ni itok.
Sya naman ang humarap sa mga kasamahan nya."Mga kasama hindi tayo tatawid ng dagat ngunit dito tayo pang samantala habang nasa palasyo si among arturo ay mag aantay na muna tayo ng susunod na hakbang laban kay don tolome."
Sabi ni itok.
"Pinunong itok kahit ano pong ipag utos nyo basta po sa ikakabuti ng grupo susunod kaming lahat."
Sabi ng isang binatang lalaki.
Napatingin si itok kay arturo at ngumiti.tumango lang si arturo.nasa ganoong sitwasyon sila ng magtanong si zandro kay arturo."Kaibigan ano na ngayon ang gagawin natin hindi ba't pinapahanap ka mismo ni don tolome.?anong sasabihin natin kung sakali.?"
"Tatakutin natin si tolome upang hindi sya magbalak magpunta dito"
Sagot ni arturo sa katanungan ni zandro na ikinatuwa ng mga kaharap ni arturo kahit ang mga kawal.
"Anong klaseng pananakot ang gagawin mo among arturo."
"Sasabihin kong nawawala si arturo kuno' at pinamahayan na ng mga lobo ang abandonadong isla syempre para naman sa kaibigan nyang si mozimo sasabihin ko roon na ang hapunan ng mga lobo ay ang kanyang mga hukbong pang dagat."
"Hahaha..! Ano kaya magiging itsura ng mga yun kapag nag kwento ka na mang ruben ahahaahahaah...."
Masayang tawa ni gardo pansin yun ng kaibigan nyang si zandro at si arturo lalo na si itok kaya naki tawa na sila at lahat ng mga naroroon.
†******†*************************************************
BINABASA MO ANG
TWO BAD WOLF
HorrorNagkatuwaan ang magkakabarkada na mag roadtrip ngunit sa kasawiang palad nasira ang kanilang sinasakyang van at napadpad sila sa isang lugar kung saan magaganap ang isang bangungot sa kanilang buhay at doon din nila makakasalamuha ang dalawang mag k...