(Ang mga bihag)
......
Nagulantang sa pagkakatulog sina emong at domeng dahil sa buhos ng tubig sa kanila ni felipe.
"Tang! Bakit ka ba namamasa di pa naman oras ng pagligo ah ?wala pa naman kaming almusal bwiset."
Sabi ni emong. Na sinagot ni alfonso.
"Almusal ba kamo sige bibigyan kita."
Sabi ni alfonso sabay binigyan ng walang kasing lakas na suntok sa tagiliran si emong.
Napahiyaw sa sakit si emong na ikinagalit ng husto ni domeng."Sira ulo ka ah bakit ka nananakit. Ha!?"
Sabi ni domeng na walang ano ano'y nakatikim din banat kay felipe.
"Ikaw..!"
Sabi ni domeng na walang ano ano'y umigkas ang paa nito sapul sa mukha si felipe.
Napansin yun ni alfonso kaya di rin nya namalayan ang pag tadyak sa kanya ni emong talsik sa may pintuan si alfonso namimilipit ito sa sakit na tinamo sa sipa ni emong kaya nagpumilit itong tumayo at humawak ng gulok agad na sinugod si emong."Pre... Wag kang ganyan wag kang pikunin asar talo ka lang."
Sabi ni emong na halos di alam kung anong ilag ang gagawin pag nakalapit si alfonso.
At nang makalapit si alfonso agad na sana nyang tatagain si emong ng may sumaway sa kanya."FONSO ITIGIL MO YAN,,,"
sabi ng nasa likod ni alfonso agad syang nilingon ni alfonso at ng makita kung sino ang sumaway sa kanya ay bigla itong umamo.
"Papa ikaw pala kailan pa kayo naka uwi..?"
Tanong ni alfonso sa kanyang ama.
Hindi umimik ang ama ni alfonso sa halip ay lumapit ito kay emong bahagyang inamoy ang parteng mukha ni emong wala namang imik si emong papaano'y takang taka ito sa kaharap medyo natawa si domeng na bagay na napansin ng ama ni alfonso.
Sya naman ang bahagyang inamoy nito at si emong naman ang natawa.
Maya may ay tinawang ng ama ni alfonso ang dalawang kasama nito na nasa labas ng kwarto."Zandro , gardo halika 'yo dalhin nyo ang dalawang ito sa aking tanggapan."
"Masusunod po don tolome"
Halos panabay na sagot ng dalawang alalay ni don tolome.
At agad na dinala ang mag kapatid nag papalag sila habang dinadala ng dalawang alalay."TEKA SAAN NYO KAMI DADALHIN..? SER WALA PO KAMING ALAM DITO BIKTIMA LANG KAMI DITO..."
sigaw ni domeng.
"SER. ! MUKHA LANG KAMING ADIK PERO NASA MUKHA LANG TALAGA HINDI KAMI NAGKAKALAT."
sigunda ni emong medyo natawa lang si don tolome.
At ng tuluyang nadala na ang magkapatid ang kanyang anak naman ang hinarap nito."Iho saan mo nakita ang dalawang iyon?"
"Sa may tulay po papa.
Bakit nyo po sila kinuha sa akin kaaway sila di ba.?""Oo anak pero mga bandido ang mga yun hindi pa sapat ang ating hukbo upang tapatan ang mga bandido. Malaking gulo kapag napatay natin ang mga yun."
"Ganun po ba patawad po papa kaya pala malalakas ang dalawang yun mga bandido pala."
"Wag kang mag alala mag eensayo ka rin upang malabanan ang mga yan iho antayin mo lang ang pag dating ng magtuturo sa iyo."
"Talaga po papa?"
"Oo iho wag ka lang mainip teka ipaghanda mo nga pala ako ng makakain yung paborito ko ah meron ba?"
BINABASA MO ANG
TWO BAD WOLF
HorrorNagkatuwaan ang magkakabarkada na mag roadtrip ngunit sa kasawiang palad nasira ang kanilang sinasakyang van at napadpad sila sa isang lugar kung saan magaganap ang isang bangungot sa kanilang buhay at doon din nila makakasalamuha ang dalawang mag k...