"chapter 20"

2 1 0
                                    

......

Samantala malapit ng matapos magluto si alfonso at felipe ng magpaalam saglit si alfonso na may pupuntahan lang saglit ngunit si sarah ang pakay nito batid naman yun ni felipe.
Dali daling pumunta si alfonso sa pinaglalagyan nila sarah.
Samantala si don tolome naman ay tumuloy sa kanilang silid ng kanyang may bahay.
Pagpasok nya nasanay na syang sumalubong sa malungkutin nyang asawa.

"Hay! Naku kailan ba kita makikitang masaya hmmm teka babalik ako ha sa tingin ko ito ang magpapasaya sa iyo."

Sabi ni don tolome sabay labas ng silid.
Tumungo na agad ito sa pinagdalhan sa dalawa pagbukas nya ng pinto hinagilap nya ang dalawa sa paligid wala ito sa lahat ng sulok ng silid bigla nyang tinawag ang dalawang alalay.

"Zandro gardo asan kayo?"

Sabi ni don tolome.
Biglang sumulpot ang dalawa. Sa harapan ni don tolome.

"Ano po yun don tolome?"

Si zandro.

"Natakasan kayo ng bihag maari nyo bang hanapin?"

"Opo"

Sabay na tugon ng mga alalay ni don tolome.
Di pa sila nakakaalis ng makasalubong nila si felipe at alfonso .

"Ano iho nakapagluto ka na ba?"

"Opo papa pero.... May problema po eh "

"Ano nakatakas din yung mga pagkain natin?"

"Papaano nyo po nalaman papa?"

"Nawawala din kasi yung dalawang bandidong kinuha ko sayo e sa tingin ko magkakasamang tumakas ang mga yun"

"Alam nyo papa kapag nahuli ko yang mga bandidong yan kakatayin ko sila pati si ana pinatulan"

"Bakit iho anong ginawa nila sa kapatid mo.?"

"Ayon walang malay durog ang panga."

"Pambihira malilintikan sa akin mga gagong yun dalhin nyo sa akin ang dalawang yun ng buhay ako ang huhusga sa kanila."

Galit na galit si don tolome habang nagsasalita ng malaman ang ginawa ng magkapatid sa kanyang dalaga.
Agad nag alisan ang apat na kalalakihan.
Samantalang si don tolome ay bumalik sa kanyang silid nag hihimutok ito pag pasok sa silid na ipinagtaka ng kanyang asawa.

"Anong nangyari't halos papatay ka pag dating mo.?"

"YUNG DALAWA MONG ANAK NA HINAYUPAK SINAKTAN ANG ANAK KONG BABAE AYUN DUROG ANG PANGA NI ANA...!!!"

pasigaw na sagot ni don tolome sa kanyang asawa.
Na ikinagulat ng huli.

"Anong ginagawa ng mga anak ko dito asaan sila?.
Pakiusap tolome wag mo silang sasaktan."

"Ano?!! Wag sasaktan bakit hindi mo ba anak si ana para mag alala sa kalagayan nya mas matimbang ba sayo yung anak mo kay arturo ha?!!"

"Ngunit nangako ka hindi ba?"

"Oo hindi ba dalawang put limang taon di ba? Tinupad ko naman ngunit yung ginawa nila kay ana ano palalampasin ko lang ba?!!"

"Kapag sinaktan mo sila at  nasugatan siguradong hahanapin sila ni arturo."

Sa sinabi ng asawa biglang natahimik si don tolome. Bigla itong umalis . pag alis ni don tolome biglang sumilip sa bintana si aida bakas sa kanyang mukha ang pag alala sa dalawang anak nag iisip sya ng paraan upang iligtas ang dalawang anak ngunit naisip din nya si arturo.

"Nasaan na kaya si arturo sana magkita kita pa kami ng dalawa kong anak lalo ng mahal kong asawa."

Sabi sa sarili ni aida. Muli nyang naalala ang nakaraan nung panahong nagkakagulo ang mga bayan dahil sinugod sila ng pangkat ni tolome nalipon ang mga taga bayan sa kanila.
Samantala itinakas ni aida ang kanyang mga anak tanging si arturo ang kanilang bantay upang hindi sila mahabol ng kalaban.
Nang maitawid ni aida ang dalawang anak mahigpit nyang ipinagbilin na wag na wag susunod pabalik ng bayan susunduin lang daw ng kanilang ina ang kanilang ama .pag balik ni aida nakatingin lang sa kanya ang dalawang bata yung mas bata iyak ng iyak tanging nakatatandang kapatid ang nagpapatahan dito.
Pagbalik ni aida marami syang nakitang mga bangkay kahit ang mga malalapit na kaibigan nila ay kasama sa mga napaslang. Muli syang naglibot hinagilap nya ang kanyang asawa ng may nakita syang nakatayo sa may kadilimang lugar inakala nyang ito ang kanyang asawa  at ng malapitan at nakita sa bahagyang liwanag nagulat sya na di pala iyon ang kanyang asawa.
Hinawakan sya nito at hinila pinupog ng halik at ipinasok pilit ang mahabang dila sa bibig ni aida na halos umabot sa kanyang lalamunan. At mga sandaling yun hindi na nakapalag si aida gustuhin man nyang manlaban ngunit di na gumagalaw ang kanyang katawan. Takang taka sya bakit di sya makagalaw . hanggang sa tuluyan na syang napag samantalahan ni tolome pagkatapos ng lahat dinala sya nito sa malayo.
Samantalang si arturo naman ay abala sa pakikipaglaban hanggang nagsi atrasan ang ibang kalaban nito hindi kasi matalo si arturo sa lahat ng klase ng labanan na kahit si tolome ay natatakot kahit pangalan pa lang nya ang binabanggit.
Kilala si arturo bilang sikat na mandirigma sa kanilang bayan kaya ng subukan ni tolome ay napatunayan nyang malakas talaga si arturo.
Nang matapos ang labanan hinagilap ni arturo ang asawa't mga anak hindi nya ito makita tumawid sya ng tulay nagbaka sakali syang duon nya makikita ang pamilya. Naglakad lakad sya hanggang sa nakita nya ang dalawang anak na natutulog sa may damuhan nilapitan nya ang mga ito.hinaplos nya ang mga ito hanggang sa magising ang batang si emong.
Tinanong nito ang kanyang ama kung nasaan ang kanyang ina muling nagbilin ang ama sa anak na wag babalik sa bayan hanggat di sila nabalik mag asawa .
Dalawang araw muling nagbalik si arturo na di kasama ang asawa tinignan nya ang mga anak.
Naawa sya sa mga ito dahil gutom na gutom ang mga ito at nangangayayat pa may karamdaman pa ang bunsong anak na si domeng
Inaruga nya ang dalawang anak ng ilang taon na walang tulong ng asawa may mga pagkakataon na hinahanap ng magkapatid ang ina ang tanging sinasabi lang ni arturo ay abala ang ina sa trabaho minsan umaalis si arturo maghahanap ng mga bagay na kunwari ay pasalubong ng ina sa dalawang anak hanggang sa magbinata ang magkapatid.
Naisip ni arturo na iwanan muna pansamanta muli ang dalawang anak upang hanapin ang asawa.
Nang nagbalik sya sa bayan nakita nya si tolome. Agad nya itong sinugod. Bago sya makalapit ay nagsalita si tolome.

"Papatayin mo ko hindi mo na sya makikita."

Biglang natigilan si arturo.

"Nasaan na sya anong ginawa mo sa asawa ko"

"Arturo sabihin na nating nasa tagong lugar sya pero wag kang mag alala buhay reyna sya duon"

"Anong balak mo bakit mo kinuha ang asawa ko"

" hmmmm.... Kilalang kilala ka arturo bilang pinaka mabagsik malakas at beteranong mang dirigma. Sinubukan kung alamin at subukan kung totoo nga ang tungkol sa 'yo at aminado ako arturo na totoo nga ang nabalitaan ko .
Nguniy syempre mas inalam ko kung ano ang kahinaan mo.at yun ay ang iyong pamilya.!

Sabi ni tolome habang palakad lakad samantalang si arturo ay nakatayo lang at nakikinig sa kanya nag patuloy si tolome sa pagsasalita.

"Alam mo arturo talagang pinagplanuhan ko ito yung paghiwahiwalayin kayong mag asawa at mga anak mo at alam mo ba arturo kung ano ang balak ko syo?
Simple lisanin mo ang bayang ito. At ipinapangako ko pangako walang mangyayaring masama sa asawa't mga anak mo.at ang dahilan kung bakit kita pinapalisan ay yung palalabasing natalo kita sa digmaan at ang alamat mo ay sadyang magiging alamat na lamang."

Sabi ni tolome sabay tawa.
Nang biglang nagsalita si arturo.

"Ang sama mo ang dami mong pinatay tapos papalayasin mo ko pagbabayaran mo to.!"

Muling susugod si arturo ng magsalita muli si tolome.

"Arturo..! Wag kang makakalimot kapag napatay mo ko at hindi ako nakabalik sa loob ng bente kwatro oras giniling na karne ng asawa't anak mo ang babalik sayo."

Sabi ni tolome.
Muling natigilan si arturo at binitawan nito si tolome at lumakad paatras .saka muling nagsalita si tolome.

"Kapag ako nangako talagang pangako kaya  mangako ka din na lilisanin mo ang bayan na ito.sinabi ko na sayo ang dahilan hindi ba?
Uulitin ko uli kailangang mawala ang iyong pamamayani dito magiging isang alamat ka na lamang arturo."

Sabi ni tolome agad tumalikod si arturo ngunit tinawag syang muli ni tolome.

"Arturo teka may lugar akong pagdadalhan sa iyo ihahatid ka ng aking mga alagad si zandro at si gardo sila ang mag hahatid sa iyo sa lugar na iyon.
Agad sumunod ang dalawang alalay sinamahan si arturo kung saan man sya dadalhin ng mga ito....

******\\\††††††

TWO BAD WOLFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon