"chapter 25"

1 0 0
                                    

(Ang pag babalik ng lobo 2)
*****
****
***

Samantala abala sa pakikipag laban sa ikatlong kampo sina zandro at gardo
Pansin nilang dalawa ang unting unting pagkalagas ng
Hukbo.

"Zandro malapit na sila sa ikaapat na bakuran kapag nakapasok na sila doon tiyak na malilipon nila tayo."

"Teka nag iisip ako ng paraan hmmm duon tayo sa pintuan ng pang apat na kampo."

"Sige zandro."

Sabi ni gardo agad silang lumapit sa pintuan.
Bago makalapit ay may humarang sa kanilang dalawang halimaw mukha itong mga tinanggalan ng balahibo na pusa.
Agad namang nakipag laban ang dalawang mag kasama.
Nagapi nila ang unang kaharap ngunit may dumating ng dumating pa.nahirapan sa pag lapit sa pintuan sina zandro at gardo sa dami ng kalaban kahit na ba malakas sila ay unti unti silang napapagod dahil sa sobrang dami ng kalaban may mga pagkakataong nasusugatan sila ng mga kalaban at muntik pang mapahamak si zandro ng may biglang magtangkang sumakmal sa kanyang leeg buti na lang at maagap si gardo sinalubong nya ng matalas na kuko ang nagtangka kay zandro sirit ang dugo sa leeg ng kalaban.

"Maraming salamat gardo niligtas mo ko."

"Walang ano man zandro .
Kunti na lang at makakalapit na tayo sa pintuan."

"Kailangan gardo makarating tayo sa pintuan bago nila masira ang mga harang nun."

"Oo sisikapin natin makarating duon tara na zandro."

Sabi ni gardo muli silang lumapit at tulad ng una ay napalaban silang muli ngunit ganun pa man ay nagtagumpay silang makarating sa pintuan.
Duon lahat ng lalapit ay sila ang humaharap .
Sakmal dito sakmal duon kalmot dito kalmot duon ang ginawa nila ngunit parang di nauubos ang mga kalaban hanggang sa mapagod silang dalawa.
Kahit papaano ay may mga kasamahan pa sila na natulong sa kanilang pakikipaglaban.
Pero katulad nila ang iba ay napapagod na at nauuhaw nagugutom pansin yun ng dalawa.

"Gardo kapag nasukol tayo mas mainam na mamatay na lang tayo dahil kapag nagkataon na mabuking tayo ni tolome sigurado akong idadamay nila ang mga mahal natin sa buhay."

"Sang ayon ako dyan zandro pero hanggat makakaya natin lalaban tayo."

"Marahil napahamak na si itok ilang oras na lumilipas wala pa sya."

"Wag kang mag isip ng ganyan zandro baka nagkukubli lang sya upang di mapahamak."

Sagot ni gardo sa pagdududa ni zandro .
Nanlambot sila ng makitang may parating pang hukbo ng mga kalaban mas marami ito kaysa sa kanilang sinasagupa.

"Wala na zandro.magpatiwakal na tayo "

"Hindi lalaban tayo hanggang sa huli."

Sabi ni zandro. Nasa ganoong sitwasyon sila ng di nila alam na pinagmamasdan lang sila ng tumatayong kapitan ng hukbo ni mozimo.
May tinawag itong isang kawal.

"Sa tingin mo ilang kalaban pa ang makakaharap natin.

"Nasa anim na raan pa kapitan samantalang ang hukbo natin ay nasa labing limang libo pa."

"Ganon ba? sige durugin na ang mga yan....!"

Utos ng  kapitan agad nagsisugod ang kanyang mga kawal .
Ilang hakbang na lang ay makukuyog na ang grupo nina zandro at gardo ng biglang umalingawngaw ang isang alulong.
Natigilan ang lahat kahit na sina zandro at gardo.napatingin sila sa parteng kaliwang kagubatan sa mismong kinatatayuan dahil duon nila narinig ang alulong.
Isang minuto muli sanang susugod ang hukbo ni mozimo ng may umalulong uli sa gawing kanang gubat. naman mula sa kinatatayuan nila.

"WAG NA KAYONG MAGPATUMPIK TUMPIK DURUGIN NA ANG MGA YAN....!!!"

Sigaw ng kapitan ng hukbo ni mozimo.
Hindi pa nakakahakbang ang mga kawal nya ay biglang naglabasan at naglitawan ang grupo ng mga lobo galing sa pinanggalingan ng alulong ng mga lobo ilang saglit pa lamang ang lumilipas
Ang nasa gawing kanang bahagi naman ang lumusob. nasa limang libo ganun din ang nasa gawing kaliwa parang dinaanan ng rumaragasang tubig ang mga hukbo ni mozimo. bumaha ng dugo sa digmaan na iyon at ang iba ay naging kauri ng mga lobo kaya lalong dumami ang pangkat nila. ang grupo naman nina zandro at gardo ay abala sa mga kaharap ngunit bawat makaharap ng pangkat nina zandro inaagaw ng mga lobo kahit ang kaharap ni zandro nilapa ng taong lobo.tumingin lang sa kanya ang taong lobo
Sinamantala iyon nina zandro at gardo tumakas sila agad nilang tinahak kasabay ng ilang kasamahang nalalabi ang pintuan ng ikaapat na kampo ng makapasok silang lahat isinara nila at binantayan ang malaking pintuan. hindi kasi sila sigurado kung kalaban ang mga lobo o kakampi.
Ang kapitan naman ng hukbo ni mozimo ay lihim na tumakas agad itong tumalilis ng takbo papunta sa palasyo .
Samantala habang  sinasagupa ng mga taong lobo ang hukbo ni mozimo ay lumapit ang dalawang namumuno sa mga lobo  sa pintuan ng ikaapat na kampo nakatayo silang dalawa sa harap ng pintuan at nagkatinginan.sa likod nito nakaabang ang grupo ni zandro at gardo.
Nakikiramdam sila kung ano ang susunod na mangyayari ngunit lahat sila at mga iba pang mga kasamahan ay nakahanda na.
Maingay at nakakagimbal ang mga hiyawan na animo'y kinakatay ng baboy. Sa pagiging ganap na aswang nina zandro at gardo kahit kanilang mga grupo amoy na amoy nila na bumabaha ng dugo ng kalahi nila kahit na kalaban ay nakakaramdam sila ng awa dahil sa mga daing hiyaw ng nasasaktan at ang mas kinakatakutan nila ang pangambang sila ang isunod ng mga taong lobo.
Ilang saglit nakikiramdam parin ang grupo nina zandro at gardo napapansin nilang unting unti humihina ang mga hiyawan at angilan ng mga taong lobo at mga aswang.

"Mag sipag handa kayo tayo naman ang haharapin ng mga yan."

Sabi ng mahinang boses ni zandro.

"Teka zandro kanina lang yung mga kalaban natin ang mga sinugod nila ah di nga tayo pinansin ng mga taong lobo e."

Sabat ni gardo

"Oo nga ako nga sa gulat ko inangilan ko yung isang lobo hindi rin ako pinansin.

Sabat din ng isang ka grupo nila.

"Oo nga naman ka zandro kahit ako naniniwalang di tayo ang pakay ng mga taong lobo . tulad ng kasama natin sinubukan kong kalabanin ang taong lobo sa akalang aatakihin nya ako sa ay ang hukbo ng kalaban ko ang nilapa nya tapos tumingin lang ang taong lobo sa akin saka sya umalis.

Sabi ng ikatlong kasamahan nila nag isip si zandro paano'y ng mga sandaling nasa ikatlong pangkat sila ay may lobong papalapit sa kanya akala ni zandro sasakmalin sya ng lobo ngunit ang mga hukbo ni mozimo ang mga inatake nito.

"Malaking palaisipan naman kung ganun."

Sabi ni zandro
May isang matandang lalaki ang lumapit kay zandro.

"Ka zandro kung lingid sa inyong kaalaman lahat. ang lupang kinatatayuan natin ay pag aari ng mga lahi ng taong lobo."

Sabi ng matandang lalaki.
Sumabat naman ang lalaking katabi ni gardo.

"Ka badong naikwento na rin yan ng lola ko sa akin at tulad nang sitwasyon natin ngayon ganun din ang nangyari noon hindi po ba?"

"Hindi ko masasagot yan ka boyong. Ang tanging alam ko lang ay ayaw nilang ginagambala ang pamumuhay nila dito."

Sagot ng matanda sa kaharap.
Bigla namang nagtanong si gardo sa matanda.

"Bakit ngayon lang uli sila lumitaw at di ba natalo na sila ni arturo noong dating digmaan.?"

"Marahil ka gardo ay may nakapag kubli at muli silang nagparami.
Alam nyo ang lobo ay madaling magparami ng lahi sa pamamagitan ng simpleng pagja

TWO BAD WOLFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon