"chapter 22"

2 0 0
                                    

(Ang nakaraan ni arturo 2)
(Ang pagdating ng kanang kamay)

......

Abala si arturo sa pagbabakod ng kanyang tirahan ng mapansin nyang may parating na bangka mas malaki ito kaysa sa ginamit nila makaraang apat na araw.

"Marahil ito na ang pinadala nila zandro at gardo."

Sabi sa sarili ni arturo sinalubong nya ito natanawan sya ng lulan nito hindi pa man nakakarating sa isla ay bakas dito ang sobrang saya at galak ng makitang si arturo pala ang pupuntahan nya.
Pansin yun ni arturo kaya takang taka sya kung bakit galak na galak ito ng makita sya.
Paghinto ng bangka agad itong tumalon at lumapit kay arturo.

"IKAW IKAW NGA Hahaahaa hindi ka nga totoong patay iniidolo kong arturo salamat at may pag asa pa kami hahahahaha buhay ang aming bayani."

"Hmmm maari ko bang malaman kung sino ka?"

"Ah ako nga pala si itok ang iyong magiging alalay."

"Ikaw ba yung pinadala ni gardo at zandro?"

"Oo amo ako nga katunayan may mga padala nga sila para sayo."

"Ano naman yun.?"

" mga pagkain alagaing hayop at mga sandata."

"Ah ganun ba."

Sabi ni arturo at lumapit ito sa bangka upang silipin ang laman madaming mga pagkain at ilang mga alagaing hayop.

"Sa susunod na buwan daw magpapadala pa sila ng mga kailangan mo amo."

"Kamusta naman sa bayan ngayon?"

Tanong ni arturo kay itok.
Nag aantay sya ng kasagutan dito ng ngunit hindi nya narinig kaya hinarap nya si itok nagtaka pa sya ng makitang umiiyak si itok.

"Bakit anong nangyari sa bayan.?"

"Nung una akala ko tuluyan ng mananahimik ang bayan ngunit nagkamali ako. Ipinapadukot ni tolome ang lahat ng kalalakihan ako naman ay itinago nila zandro at gardo dahil nga sa ipapadala sayo bilang mensahero."

"Ano ang ginagawa nila sa mga kalalakihang dinudukot nila.?"

"Siguro batid mo na ang tunay na anyo nina zandro at gardo hindi ba sinabi sa iyo nung dalawa.'?"

"Ano?! naging tagapagsunod ni tolome ang lahat ng mga kalalakihan sa bayan?"

"Yung iba naging tagapagsunod ni tolome. pero yung iba tumulad kina zandro at gardo "

"Eh papaano yung mga kababaihan at kabataan sa bayan?"

"Naging impiyerno ang buhay nila ngunit may mga niligtas ang pagkat nina zandro at gardo . yung iba naging pagkain oh kaya naging katulad nila."

"Marami bang nabiktima si tolome kaysa sa mga naligtas nina zandro at gardo.?"

"Sa palagay ko sa singkwenta e trenta porsyento ang nabiktima ni tolome kaysa sa naligtas ni zandro at gardo walang kamalay malay si tolome na ang dalawa nyang alalay ay gumagawa ng sariling hukbo laban sa kanya at ang pinaka maganda nito ay isa ka sa mga makakasama namin amo"

"May ipapadala akong mensahe sayo ihatid mo ito kina zandro at gardo."

"Sige po amo"

Sandaling nag antay si itok sa kinikiala nyang amo maya maya ay inabot ni arturo ang isang telang puti kay itok.

"Sabihin mo sa dalawa kailangan sa lalo't madaling panahon kailangang magawa yan."

"Opo amo sige po't ihahatid ko na ito ng maaga."

TWO BAD WOLFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon