(Amy at lorna)
Mabilis ang andar ng sasakyan napansin ni amy na bumalik sila papalabas ng tulay.
"Teka lorna saan tayo pupunta iiwan natin sila.?"
"Hinde pupunta tayo sa bahay ng magkapatid may mga nakita akong armas duon magagamit natin ang mga yun panlaban sa mga dumukot kina sarah at warren at abel."
"Sino ba yung mga yun papaano mo sila nakilala at nasaan si tony at darwin.?"
Tanong ni amy kay lorna hindi sumagot si lorna.
"Buhay pa.ba sila?"
"Sa tingin ko hindi na amy nakatakas lang ako sa tulong............!"
Wait oo nga pala baka maaari akong humingi ng tulong sa tatay nila yun kasi ang sumagip sa akin e. Yung taong lobo.""Totoo ba yang sinasabi mo lorna?"
"Oo mamatay man ako nung una akala ko nga nanaginip lang ako nung nakita ko sya
Namangha ako kawawa sa kanya yung sumamantala sa akin at binilin nyang wag na akong bumalik kasi wala na akong babalikan.""Alam mo lorna duda ako sa dalawang yun marahil mga lobo din ang mga yun ang lalakas nila eh."
"Oo nga amy kawawa sana yung dalawang aso kundi lang may .... Buhok na pumulupot sa kanila teka saan galing yun grabe naman ang haba't kapal ng buhok na yun?"
"Naku lorna kung makikita mo lang isusumpa mo na wag na uli makita ang may ari ng mahiwagang buhok na yun"
"Nakakatakot ba talaga ang itsura ng white lady na yun?"
"As in lorna."
"Oh ito na nandito na tayo sa bahay ng mag kapatid"
Sabi ni lorna sabay silang bumaba ni amy .
"Wow! Parang abandonado na to lorna ah?"
"Mukha lang tara pasok tayo sa loob."
Anyaya ni lorna kay amy sabay din silang pumasok sa loob ng bahay ng magkapatid.
Nilibot ni amy ang mga mata sa loob ng bahay may napansin syang mga lumang larawan."Lorna mga larawan ba ito ng magkapatid."
"Ewan baka nga ngayon ko lang napansin yan."
"Galing kana dito di ba hindi mo napansin ang mga ito?"
"Hindi nga amy. Alam mo amy bakit kaya gustong gusto ng mga yun makita si ado sabi nila kaibigan nila yun e.?"
" ewan wala namang nabanggit si ador sa amin tungkol sa dalawa a."
"Alam mo amy nagtataka lang ako maraming alam na kabalbalan yung magkapatid na yun. Parang nanggaling na sila sa lungsod ."
"Hindi ka ba nila nabastos oh nahalay lorna kasi tignan mo yang suot mo para ka lang binihisan pagkatapos gahasain."
"Hindi ko pa pala nasasabi sayo yung sinapit ko sa kamay ng hayop na yun noh"
Biglang nagkwento si lorna pagkatapos magpaliwanag ni lorna nahabag at naawa si amy sa mga sinabi ni lorna.
"Buti na lang may nagligtas sayo kundi aswang ka na rin ngayon lorna."
" oo nga e nakakalungkot lang wala na si tony at darwin sa palagay ko hindi na tayo kilala ng mga yun iba siguro ang takbo ng utak nun."
"Oo nga baka mapahamak na tayo kung sakaling makita natin silang dalawa."
Sabi ni amy ngunit may umagaw ng pansin ni lorna ang siwang sa sahig ng bahay ng magkapatid. Lumapit sya dito.
Pinagmasdan lang sya ni amy maya maya inangat ni lorna ang naka awang na kahoy samantalang si amy dahan dahang lumalapit sa kinalalagyan ni lorna."Look amy may daanan pababa. Kumuha ka ng gasera tignan natin kung ano ang mayroon sa ibaba."
"Sige teka lang lorna kukuha ako ng gasera."
Sabi ni amy ilang saglit lang may dala na syang gasera.
"Oh ito na lorna."
" tamang tama ikaw ang mag ilaw sa akin habang bumababa ako ok lang ba amy?"
"Sige ako magsisilbing ilaw mo."
Sagot ni amy
Agad bumaba si lorna kasunod si amy pagbaba nila masyadong madilim sa ibaba ngunit napakalamig dahan dahan silang naglakad naglibot libot ang kanilang mga paningin sa paligid ng animo'y kweba.
Ng mapansin nila ang kamada ng samo't saring sandatala na isang katutak ang dami ang ganda ng salansan ng mga ito may mga bolo itak karit mga baril halos lahat ng klase mula sa pinaka mahinang klase hanggang sa pinaka malakas na klase ultimo pansabog iba't ibang klase rin.
Abala si lorna sa pagpili ng napansin nyang medyo dumidilim."Amy ilawan mo ko madilim e amy ano ba?"
Sabi ni lorna sabay nilingon nya si amy bigla syang namangha sa nakita isang putong at tipak tipak ng ginto ang kanilang nakita ni amy natulala naman sa mangha si amy ni hindi na ito nakatugon sa kaibigang si lorna.
" napakaraming ginto lorna"
"Oo nga nananaginip ba ako amy?"
"Hindi lorna totoo ito"
"Ano gagawim natin sa mga yan?"
"Kumuha tayo kahit konti lorna ano sa palagay mo?"
"Sige mapapakinabangan natin ang mga yan kung saka sakali."
"Tara lets ang sarap maging mayaman"
Sabi ni amy habang nangunguha ng mga tipak ng ginto...
Nagdala sila ng tig isang bag na ginto at mga armas at muling ibinalik sa dati ang awang ng sahig upang kung sakaling makabalik ang magkapatid hindi ito mag hinalang may nakaalam ng kanilang itinatago.
Muling sumakay sa sasakyan si amy at lorna at bumalik sa pinanggalingang tulay.....,...........

BINABASA MO ANG
TWO BAD WOLF
TerrorNagkatuwaan ang magkakabarkada na mag roadtrip ngunit sa kasawiang palad nasira ang kanilang sinasakyang van at napadpad sila sa isang lugar kung saan magaganap ang isang bangungot sa kanilang buhay at doon din nila makakasalamuha ang dalawang mag k...