Nagkatuwaan ang magkakabarkada na mag roadtrip ngunit sa kasawiang palad nasira ang kanilang sinasakyang van at napadpad sila sa isang lugar kung saan magaganap ang isang bangungot sa kanilang buhay
at doon din nila makakasalamuha ang dalawang mag k...
Wiling wili si lorna sa dami ng mga bulaklak na nakikita lahat ng makita nya ay inaamoy nya ang bango ng mga ito habang pinagmamasdan ni omeng
"Mahilig ka ba talaga sa mga bulaklak? "Kung gusto mo kumuha ka dyan.
Sabi ni omeng na dahan dahang lumapit kay lorna.
"Talaga? Wait mamimili ako.
Sabi ni lorna na palingon lingon sa paligid. Ng nakapili na sya ng bulaklak muling lumapit si omeng mas malapit sa likod ni lorna. Nagulat na lang si lorna ng marahan syang hawakan ni omeng sa kanyang mga braso.
"Teka anong ginagawa mo?
Nagpupumiglas na sabi ni lorna.
"Tayo lang naman ang naririto bakit hindi natin samantalahin.
Sabi ni omeng at muli nyang hinila si lorna.
"At ang ayaw ko sa babae ay yung maarte hindi mo magugustuhan kapag nagalit ako.
Sabi ni omeng habang yapos yapos si lorna. Nagpupumiglas si lorna ngunit ayaw syang bitawan ni omeng.
"Ano ba bitiwan mo ko nasasaktan ako.
Sabi ni lorna pero saglit lang sya binitiwan ni omeng maya maya ay aakmang tatakbo sana si lorna ng hablutin ni omeng ang suot nyang polo. Nagpumiglas uli si lorna kaya napunit ang nyang damit lumantad ang katawan nito sa harap ni omeng. lalong naglaway si omeng sa nakita nanabik ito sa kagandahan ng katawan ni lorna lalo na sa kalusugan ng dibdib ni lorna.
"Pagbigyan mo lang ako hinding hindi ka masasaktan.
Naglalaway na sabi ni omeng. Nagtatakbo naman si lorna palayo kay omeng na ikinainis ng husto ni omeng.
"AHHHH...RRHH! GINAGALIT MO KO SIGE GUSTO MO NG HABULAN MAG HABULAN TAYO...!
pahiyaw na sabi ni omeng na lalong nagpakabog ng dibdib ni lorna. Walang direksyon ang tinatahak ni lorna pakiramdam nya nasa likod lang nya si omeng sinubukan nyang magtago sa likod ng malaking puno ng akasya ng mahagip ng kanyang mga mata ang talahiban may para bang May kung ano ang naroroon. Sandaling natitigan nya ang ano man meron dun ng biglang may kumislap na para bang nagliliyab na mga mata. Lalong nangilabot si lorna kaya nagtatakbo ito papalayo ng bigla syang nabunggo sa katawan ni omeng niyapos sya uli nito.
"Sabi ko na sa akin pa rin ang bagsak mo wag ka mag alala papaligayahin kita ng husto.
Sabi ni omeng habang hinihimas nito ang kanang dibdib ni lorna Wala ng magawa si lorna kundi magpaubaya na lang nawalan na sya ng pag asa ipinikit na lang nya ang kanyang mga mata.
"Ganyan nga tama yan wag ka na lang kumibo habang pinaliligaya kita.
Mahinang tinig ni omeng habang dahan dahab dinudukot nito ang dibdib ni lorna na nakakubli sa loob ng suot nitong bra. Ilang saglit nagtaka si lorna dahil huminto sa paghimas si omeng at ramdam din ni lorna ang panginginig ng kamay ni omeng na nakasapo sa dibdib nya. Binitawan sya nito. At saka lang iminulat ni lorna ang kanyang mga mata takang taka si lorna sa reaksyon ng mukha ni omeng takot na takot ito sa nakikitang nilalang na nasa likod ni lorna. Dahan dahan umatras si lorna hanggang sa mapasandal sya sa mabalahibong katawan ng kinatatakutan ni omeng. Ramdam ni lorna sa kanyang likuran ang init ng katawan ng sinandalan nya.
"TUMABI KA MUNA IHA AT AASIKASUHIN KO MUNA ANG MANYAKIS NA YAN.
malaking boses ang narinig ni lorna dahan dahan syang tumabi at maharan nyang tinignan ang itsura ng kanyang sinandalan. Nangilabot si lorna sa laki ang maskuladong katawan na animo'y aso na halimaw.pero alam ni lorna na isa yung taong lobo pero bakit nakakapag salita.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Taong lobo? Sa pelikula ko lang nakikita to ah."
Sabi sa sarili ni lorna Dahan dahan ng umaatras si omeng dahil alam nyang may kalalagyan sya sa taong lobo na kaharap nya ngayon walang ano ano'y bigla tumakbo papalayo si omeng papunta sa mansyon tinangka nya pang lingunin ang taong lobo. Laking gulat ni omeng ng bigla ring nawala ang taong lobo sa kinatatayuan nito. Tanging si lorna lang ang nakatayo roon. Huminto si omeng sa pagtakbo dahan dahan syang lumapit sa puno nang akasya na halos kadikit nya. Huminga sya ng malalim.ng biglang may sumulpot sa harapan nya walang ano ano'y bigla syang dinakma sa mukha at paulit ulit inihambalos sa mismong sinasandalan nyang puno ng akasya halos madurog ang mukha ni omeng ng bitawan na sya ng taong lobo. Patay nang humandusay sa lupa si omeng. Kitang kita ni lorna ang buong pang yayari. Maya maya ay hinila ng taong lobo ang paanan ng bangkay ni omeng at ng mahila ini angat nya ito at hinubaran ng salawal si omeng. Pinagmamasdan lang ni lorna ang bawat kinikilos ng taong lobo na bagay na napansin ng huli kaya kinausap nya si lorna.
"IHA MAAARI KA BANG TUMALIKOD?",.
sabi ng taong lobo na agad sinunod ni lorna. Ilang segundo ang lumipas muling kinausap ng taong lobo si lorna.
"iha maaari ka nang humarap."
Biglang humarap si lorna laking gulat nya ng mag anyong tao ang kanina'y isang taong lobo. Papaano ito rin sana ang taong pagtatanungan sana ni tony kanina noong sila' y nasa plasa.
"Ikaw?"
"Oo ako nga iha sayang e di sana nailigtas ko kayo ng maaga"
"Oo nga pala yung mga kaibigan ko tulungan nyo po akong iligtas sila baka mapahamak sila."
Aktong tatakbo upang iligtas ang mga kaibigan ng hawakan sya sa braso ng lalaki. Tinignan sya ni lorna bakas sa mukha ng lalaki ang pagkadismaya. Na agad naunawaan ni lorna nalungkot sya sa nalaman ngunit nag bakasakali sya baka mailigtas pa ang mga kasama nya. Ilang hakbang pa lang ang kanyang natatakbo ng mapahinto sya sa sinabi ng lalaki.
"Wala ka ng babalikan iha kung mayroon man ay hindi na sya ang dati mong kaibigan sige na iligtas mo ang sarili mo."
Hindi na nakapagsalita si lorna agad na syang tumakbo paalis sa lugar na kinatatayuan ng lalaking nagligtas sa kanya.....