(Ang kambal)
"Ana nasaan si omeng hindi pa ba sya nakakaraos hahhaha"
"Baka bumabad pa may kagandahan kasi yung babae e "
"Siguro ana kinakain na nya ang atay ng babaeng yun. Hindi ba mahal ko wag kang mag alala papaligayahin kita mamaya."
Sabi ni ada kay darwin habang nakasubsob ito sa kanyang dib dib.
Nakahalata naman si ana kaya nagpasya itong umalis."Silipin ko lang si omeng ah baka tapos na"
"Sige kambal bumalik ka dito pag nakita mo na."
Agad umalis si ana upang silipin si omeng .
Dumiretso si ana sa hardin napansin nya ang nagkalat na punit ng damit alam nyang naghabulan amg dalawa bago may mangyari pero di sinasadyang napatingin sya sa puno ng akasya may nakita syang bahid ng dugo ang puno lumapit sya dito at inamoy ang nasabing dugo.
Bigla syang nadismaya dahil kilala nya kung kaninong dugo ang nakapahid sa puno
Inikot nya ang puno at lumantad sa kanya ang bangkay ni omeng"Sinong may gawa nito sayo omeng magbabayad ang babaeng yun asaan na ang bruhang yun.
Mas mainam na malaman ni ada ang bagay na ito."Sabi ni ana.
Agad syang bumalik sa mansyon hinanap ang kakambal tinungo nya ito at ng matunton wala na syang paki alam sa ginagawa ng kakambal basta masabi lang ang natuklasan."Ada si omeng wala na napatay ng babaeng yon!"
Sabi ni ana napabalikwas naman sa kama si ada .
"Maaari ko bang makita si omeng "
"Sige ada makikita mo kung ano ang sinapit ni omeng sa kamay ng babaeng yun."
"Mahal ko antayin moko ah"
Sabi ni ada at agad itong tumalilis ng alis naiwan si darwin sa kama.
Pagdating ni ada sa mismong tinutukoy ni ana nanggalaiti sya sa galit ."MAGBABAYAD ANG MAY GAWA SYO NITO OMENG IPINAPANGAKO KO YAN...!"
nangangalit na sabi ni ada agad nyang hinarap ang kambal.
"Ana hanapin mo si kuya alfonso at paki sabi na rin na tumawag ng tauhan upang hagilapin ang may gawa nito kay omeng."
Galit na galit na sabi ni ada agad ding umalis sa lugar na yun si ana habang tumatalilis unting unting nagbabago ang itsura nya nahaba ng husto ang buhok naglalabasan ang animo'y lagareng ngipin nag anyong nimpa na si ana nagsasalita ito sa hangin tinatawag ang kanyang kuya fonso.
Na bagay na narinig naman ni fonso ."Itinatawag ako ng kapatid ko ah."
"Ah mukhang may problema yata fonso."
"Salubungin mo felipe dalhin mo dito"
Agad sumunod si felipe sa utos ni alfonso hinagilap nito ang amoy ni ana nasagap nya agad at pinuntahan nya ito.
At nang makita ay inanyayahan nya si ana sa kinaroroonan ni fonso.
Ng makarating ay agad nitong sinabi ang masamang balita.
Takang taka si alfonso sa sinabi ng kapatid."Ano isang babae lang ang nakapatay kay omeng ang tanga naman nya.!"
"Kuya hindi ko nga rin mawari kung yung babae yung nakapatay sa kanya e"
"Pwes! Mamaya na yan dito tayo tumutok sa mga kasama nila ata ito."
"Alin kuya ?"
"Ayun nakikita mo yung mga yun"
Itinuro ni alfonso ang kinaroroonan ng grupo nila amy,abel,ador,sarah at si warren.
Ng makita ni ana si warren bigla itong namangha sa itsura ni warren.
BINABASA MO ANG
TWO BAD WOLF
HorrorNagkatuwaan ang magkakabarkada na mag roadtrip ngunit sa kasawiang palad nasira ang kanilang sinasakyang van at napadpad sila sa isang lugar kung saan magaganap ang isang bangungot sa kanilang buhay at doon din nila makakasalamuha ang dalawang mag k...