(Ang nakaraan ni arturo)
Tumawid ng karagatan sina arturo kasama si zandro at gardo.takang taka si arturo dahil balot na balot ang buong katawan ng dalawang kasamahan kahit ang mukha ay may takip din.
"Bakit balot na balot kayong dalawa.?"
Tanong ni arturo na sinagot naman ni gardo.
"Hindi namin kayang amuyin ang lansa at alat ng dagat para kaming nalalason."
Takang taka si arturo na nakatingin lang sa kanya si zandro pakiwari nya may gusto itong gawin oh kaya sabihin pinag iisipan nya masyadong misteryoso si zandro hindi nya pa batid kung ano ang nasa isip ni zandro. Pinilit nyang makuha ang atensyon ni zandro.
"Ikaw kaibigan may mga pagkakataon bang naging masaya ka sa buhay mo?"
Sabi ni arturo.
Hindi umimik si zandro sa halip ay tumalikod ito.
Ngunit nagpatuloy sa pagsasalita si arturo."Alam nyo noong isilang ang aking panganay na anak ang saya saya ko ubod ng saya sa sobrang sabik ko sa anak ko kinarga ko agad sya yun yung oras na lumambot ang puso ko.tinalikuran ko ang pagiging mangdirigma alam nyo bang dati lang akong pirata? At...
"At ikaw din ang kilalang nakapatay sa kinatatakutang lobo sa bayan hindi ba't maraming saksi sa pagpaslang mo sa lobo.?"
Sabat ni gardo.
"At ikaw na ang naging tagapag tanggol ng mga taga bayan sa ibang mananakop.
At lagi mong nagagapi magisa ang sinumang gustong manakop ng bayan hindi ba?Sabi ni zandro.
Natuwa si arturo magsalita si zandro."Hmmm... May mga pamilya ba kayong dalawa.?"
Tanong ni arturo.
Biglang nanahimik ang dalawa. Medyo natigilan si arturo.ngunit biglang nagsalita si gardo."Alam mo arturo gaya mo napilitan kaming sumunod sa utos ni tolome kung hindi mo naitatanong magkasama kami sa minahan ni zandro isa kami noong natural na tao.nawalan kami ng trabahong dalawa dahil sa maling pagpapasabog ng mga tipak na bato madami ang nadamay sa kasalanan namin. Nung una akala namin trabaho lang ang nawala pag uwi namin sa aming tahanan wala ang aming mga pamilya."
Paliwanag ni gardo.
Biglang nagtanong si arturo."Magkalugar ba kayo ni zandro oh magkapit bahay?"
"Hindi arturo magkaiba kami ng bayan pero nangmagkita kami ni gardo pareho pala kami ng problema nawawala rin ang aking asawa."
"Saan napunta ang pamilya nyo.?"
"Yun ang di namin alam hanggang sa maisipan namin uminom sa isang lugar ni gardo habang nagiinum kaming dalawa at nag uusap sa aming problema biglang may lumapit sa amin na isang lalaki."
"At yun arturo ay si tolome sinabihan nya kaming dalawa maglingkod sa kanya at tutulungan nya kaming makita ang aming pamilya."
Paliwanag ni gardo.
"Tinupad naman ba ni tolome yung pinangako nya.?"
"Oo dalawang taon kaming nanilbihan sa kanya hanggang dumating yung puntong ipinakita na nya ang aming mga kapamilya pero.....
Sabi ni zandro na biglang naputol kaya napatanong si arturo.
"Pero ano..?"
Tanong ni arturo.
Hindi pa rin sumagot ang dalawang kaharap ni arturo."Sabihin nyo na baka makatulong ako.?"
"Papaanong tulong.?"
Tanong ni gardo.
" ano ba yung problema?"
Muling tanong ni arturo na si zandro ang sumagot.
"May misteryosong bagay na ginawa sa amin si tolome. Hindi rin namin lubos akalain yung ganung bagay nah ito nga nakapiling namin ang pamilya namin pero para bang masarap na pagkain ang tingin namin sa kanila ako wala pang anak pero pagkasama ko ang asawa ko yung bang gusto ko syang sakmalin oh kaya kainin pag ak0'y sinusumpong nagtatago ako sa bodega ng bahay hanggang sa napagdiskitahan kong lapain yung mga alaga kong mga manok.
Natuklasan yun ng aking asawa at nilayuan nya ko tuluyan syang nawala galit na galit ako kay tolome pero di ko sya masaktan para bang may kung anong enerhiya ang komokontrol sa akin.Paliwanag ni zandro.
Na sinegundahan ni gardo."Ako naman ay ganun din ngunit ako yung lumisan sa pamilya ko arturo dahil muntik ko nang mabiktima ang pang apat at bunsong anak kong babae nag iwan lang ako ng liham na kailangan ko lang lumisan dahil sa nakakahawang sakit. At tulad ng sinabi ni zandro hindi ko magawang saktan si tolome sa sobrang galit ko hanggang sa sinabi nya ang katagang."ako ang lumikha sa inyo ako ang inyong maestro at wala na kayong magagawa kundi sumunod sa mga utos ko.
Sabi ni gardo.
"Eh papaano yung pamilya nyo dinadalaw nyo ba.?"
"Oo nagiiwan ako ng mga padala pera at mga laruan at pangangailangan ng pamilya ko arturo pero hindi ako nagpapakita nag iiwan lang ako ng sulat."
Sabi ni gardo.
"Eh ikaw zandro yung asawa mo nagkikita ba kayo?"
"Ito lang huling araw napatawad nya ako kung sakaling magkaanak daw kami kailangan ko lang daw magpakalayo. Baka daw kainin ko yung anak ko e hahahahaa.."
Pabirong sabi ni zandro.di nila namalayan na nasa lugar na sila kung saan ititigil si arturo tanging si arturo lang ang bumaba sa isang abandonadong isla.
Bago umalis sina zandro at gardo may plano silang pinag usapan ni arturo."Arturo may isang ermitanyo ang nagsabi sa amin na matatanggal ang sumpa kapag napaslang si tolome at ikaw ang naisip namin ni gardo ang gagawa noon. Tulad ng inalok mong tulong yun lang at tatanawin ko at ni gardo na isang napakalaking utang na loob syo yun arturo."
"Makakaasa kayo at ipinapangako ko gagawin ko yun"
"Gagawin natin ang plano kapag nakatawid kang muli pabalik ng bayan.
Palipasin mo ang ilang panahon yung bang halos wala ng nakakakilala sa iyo saka ka magbalik sa bayan at kapag nabalitaan namin yun.
Makikipag tulungan kami sayo sa abot ng aming makakayanan."Sabi ni zandro na sinabatan naman ni gardo.
" oo nga pala arturo magpapadala ako ng magsisilbing mata mo sa bayan mapagkakatiwalaan sya at maaasahan isa sya sa tagahanga mo sa ikaapat na araw darating sya dito."
"Sige aasahan ko yan gardo."
"Aalis na kami kaibigan hanggang sa muling pagkikita."
Sabi ni zandro. Habang paalis sa abandonadong isla.
Hinatid sila ng tanaw ni arturo at ng tuluyang mawala sa makapal na hamog ang bangkang sinasakyan dalawang magkasama. Napaisip si arturo ng malalim."Ano bang misteryosong bagay yun kayang pasunurin ni tolome ang mga tao kahit labag sa sarili ng mga ito?.
Sabagay ako nga napasunod nya hmmm... Alam nya kasi kung anong kahinaan ng pamilyadong tao. Mag aantay ako ng tamang pagkakataon upang makabalik sa bayan.humanda ka tolome."Sabi sa sarili ni arturo at naghagilap na sya ng maaaring gawing bahay sa abandonadong isla na pinagtapunan sa kanya.
††† ††† ††† ††† ††† ††† ††† *
BINABASA MO ANG
TWO BAD WOLF
HorrorNagkatuwaan ang magkakabarkada na mag roadtrip ngunit sa kasawiang palad nasira ang kanilang sinasakyang van at napadpad sila sa isang lugar kung saan magaganap ang isang bangungot sa kanilang buhay at doon din nila makakasalamuha ang dalawang mag k...