(Sa bahay ni omeng)
Pagkarating nila sa bahay nagulat ang tatlong magkakaibigan.malaki at mala mansyon ang bahay ni omeng para bang bahay kastila.
"Wow! Mayaman pala kayo omeng ang gara ng bahay nyo ah.
Sabi ni darwin habang nakapamewang na nakatayo sa harap ng mansyon.
"Ay hindi yan yung bahay ng punong baranggay dito sa amin. Nakikituloy lang ako dito.
Paliwanag ni omeng
"Hala! Eh pano tayo kakain nyan eh hindi mo pala bahay yan baka mapagalitan tayo dyan!
Sabi ni darwin sabay lingon sa dalawang kaibigan nya.
"Ay hindi alam nyo lahat ng bakasyonista na pumupunta dito ay maluwag naming tinatanggap halika't papakilala kita sa mga tao roon.
Sabi ni omeng.
"Ah ang ibig nyong sabihin e marami ng nakatuloy dito.?
Tanong ni lorna
"Abay oo yung iba nga mga makailang ulit ng nakabalik dito e sa katunayan andyan sila sa loob. Hayaan mo ipapakilala ko kayo.
Sabi ni omeng.
"Sige po
Sabi ni tony.
At saka sila tumuloy sa loob ng mansyon pagpasok nila sa loob laking gulat nila ng makita ang kabuuang lawak ng mansyon napaka simple pero hahanga ka sa kalinisan at ka aya ayang mga disenyo."Maiwan ko muna kayo dyan at tatawagin ko lang sila.
Sabi ni omeng. sa pag talikod nito napangisi sya na para bang natutuwa sa kahihinatnan ng magkakaibigan.umakyat si omeng sa ikalawang baytang ng mansyon.ng makarating tumungo sya sa pangatlong pintuan saka kumatok.dahan dahang bumukas ang pintuan at sumilip ang taong naroon .
"Anong kailangan mo omeng.?
Sabi ng mahinhing tinig.
"Yung kambal mo andyan ba?
Sabi ni omeng
"Oo nagbibihis bakit?
Sabi uli ng mahinhing tinig
"May pasalubong ako sa inyo at siguradong matutuwa kayo.
Sabi ng nakangising si omeng.
"Sige susunod kami sa ibaba mag antay ka duon
"Sige po ay! Oo nga pala tulad ng dating pagpapanggap ah.
Sabi ni omeng. Hindi sumagot ang babae. Tanging matamis na ngiti ang ipinakita nito kay omeng.
Wala ng nagawa si omeng kundi ang bumaba sa hagdanan at ng maabutan nya ang tatlo na abala sa pag kukuwentuhan ay minabuti nyang tumuloy sa kusina at kumuha ng makakain ng mga bisita nila. Bago nya ihain may ibinudbod sya sa pagkain at pag katapos ay lumabas na sya kung saan naroon ang kanilang mga bisita."Ayun oh may pagkain na tayo oh
Sabi ni darwin at sinalubong pa nya ang pagdating ni omeng.
Pinagsaluhan nila ang inihaing pagkain ni omeng samantalang si lorna ay abala sa mga bulaklak na nakalagay sa tila maliit na hardin.
Napansin yun ni omeng kaya sya lumapit wala namang paki alam sina darwin at tony abala rin sila sa pagkain."Hindi ka ba nagugutom binibini.?
Mahinang tinig ni omeng.
Medyo nagulat lang si lorna sa di inaasahang pagdating ni omeng."Ah eh medyo nawala yung gutom ko eh nung nakita ko itong mga bulaklak nyo.
Sabi ni lorna.
Bahagyang lumapit kay lorna."Alagang alaga yan namin dito kasi isa yan sa mga aktraksyon dito maganda kasi ang paligid pag may mga bulaklak di ba?
Sabi ni omeng.
"Oo naman. ah maaari ba akong pumitas ng isa?
Sabi ni lorna.
"Ako na mismo ang pipitas ng isa para sayo magandang binibini.
Sabi ni omeng na syang ikinatuwa ni lorna.
"Maraming salamat.
Sabi ni lorna ng mai abot na ni omeng ang bulaklak.
"Ah kung gusto mo duon sa dako paroon may mga magaganda pang bulaklak.
Alok ni omeng kay lorna na ikinatuwa lalo ng dalaga.
"Talaga? sige puntahan natin
Saan ba?Atat na sabi ni lorna.
Itinuro ni omeng ang daan patungo sa sinasabi nyang iba pang bahagi ng hardin
Naunang naglakad si lorna paglagpas nito kay omeng si omeng naman ang napangiti.
Ngiting may binabalak............
*"""****************
BINABASA MO ANG
TWO BAD WOLF
HorrorNagkatuwaan ang magkakabarkada na mag roadtrip ngunit sa kasawiang palad nasira ang kanilang sinasakyang van at napadpad sila sa isang lugar kung saan magaganap ang isang bangungot sa kanilang buhay at doon din nila makakasalamuha ang dalawang mag k...