"CHAPTER 3"

9 1 0
                                    

.....
Muli sa lugar kung nasaan si ador nag lalakbay sila sa kagubatan napaka sukal ng lugar nakakatakot akala mo ay gabi na dahil sa mga malalaking puno na tirik duon at sa kapal ng mga dahon nito na syang nagiging dahilan upang matakpan ang sikat ng araw.
Nanatiling tahimik si ador kung ano ano ang iniisip.samantalang yung dalawa panay ang tawanan at para bang mga batang naghaharutan pa.
Upang di mainip si ador tinanong nya uli yung dalawa nyang kasama.

"Mga igan malayo pa ba tayo.?

Tanong ni ador sa dalawa napahinto naman sa paglalakad yung dalawa tapos nagkatinginan saglit sabay tingin sa kanya at nag tinginan uli.

"Malapit na ba tyo mate.?

Sabi ng matangkad.sa kaharap

"Oo andito na tayo e hawiin mo yang dayami sa likod mo.?

Sagot ng negrong maskulado.agad hinawi ng matangkad na lalaki ang itinuturo ng kasama.paglantad nito na supresa si ador sa nakita napakaraming sasakyan at motorsiklong nakaparada sa lugar na yun at yung mga nasa dulo ay pawang mga luma na sa tagal ay kinain na ng kalawang. Ang pinaka umagaw ng pansin nya ay yung mga motorsiklong nasa bungad nya kilalang kilala nya lahat ng mga yun isa isa nya itong tinignan. Tapos saka nag usisa.

"Nasaan ang mga may ari nitong mga motor.?

Tanung ni ador sa dalawang kasama.

" naroon sa sinasabi naming tulay siguro mga tatlong araw na silang naroon eh kaninang umaga inaantay namin sila pero walang dumarating. Kaya isa isa naming pinag kukuha .

Sabi ng matangkad na lalaki.

"Alam naman naming hindi na naman makakabalik ang mga yun kasi ganyan din yung mga nangyari sa ibang sasakyan dito.

Sabat naman ng negrong maskulado. Lubos na nagtataka si ador sa mga sinasabi ng dalawa.ang ipinagtataka nya bakit sa daang daang sasakyan naroon sa lugar na kinatatayuan nila ni isa roon hindi na nakakabalik dahil lamang sa pagbaybay sa sinasabi ng dalawang kaharap nya.ang misteryosong tulay...

"Ano bang meron dun at di na sila nakakabalik.?

Biglang tanung ni ador

"Di namin alam kasi nung bata pa lang kami pinagbawalan na kaming pumasok dyan pero dati kaming nanirahan dun sa pagtawid sa tulay.

Sabi ng matangkad na lalaki.
Muling naging palaisipan kay ador ang mga sinasabi ng mga kaharap nya.

"Teka diba sabi mo pinagbabawalan kayong pumasok dun sa tulay diba? Pero dati kayong residente duon? Ano ba talaga meron dun at maaari ko bang malaman ang mga pangalan nyo?

Sabi ni ador sa dalawang kaharap.
Sa sinabi ni ador nagkatinginan yung dalawa at saka nag salita ang isa.

"Ikaw muna kaibigan magpakilala ka muna bago kami.

Sabi ng matangkad na lalaki.

"Ako si ador isa ako sa mga riders na nag outting pero nagka hiwa hiwalay kami sa byahe.

Sabi ni ador sabay ngiti. Nagkasenyasan naman ang dalawang kaharap nya at nagpasya ang matangkad na lalaki na mauna sya.

"Ako si emong nakakatandang kapatid nitong si domeng.

Pagpapakilala ni emong .

"Ah nice meeting you guys. Pero ano ba talaga ang istorya dito at para kasing nalalabuan ako e.

Sabi ni ador.

"Saka ko na ipapaliwanag nagugutom na ako eh tara sa bahay kain tayo..

Sabi ni emong.

"Oo mate ramdam mo rin pala yung ipinaglalaban ng sikmura ko e.

Sabat ni domeng.

"Salamat emong kahapon pa ako nagugutom e hindi na ako makakatanggi dyan.

Sabi ni ador na napangiti pa .

"Tara sumunod ka sa amin.

Sabi ni emong.
At muli na naman silang naglakad papunta sa tahanan ng dalawang nakasama nya.....

©©©©©©©©©©©©©©©©©©©©©©©©©©©©®©®®®®©©©®®®©©®®®®®®®®®®®®

Follow me up ....

Next chapter na dun naman tayo sa mga magkakatropa

Kung may katanungan kayo at komento wag mahiya mag pm lang sa akin.... Have a nice reading guysssss

Sa mga followers ko na frnd ko sa fb miss you guys

TWO BAD WOLFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon